“Hoy, anong ginagawa mo rito? Kanina pa kita hinahanap?” Nakangusong inangat niya ang ulo at saglit na tiningnan si Claire nang bigla siya nitong tapikin sa balikat. Tinanggal niya ang kamay mula sa pangangalumbaba niya saka malalim na bumuntong hininga at tumuwid ng upo. “Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah! Tungkol ba ‘yan sa pag-alis niyo?” dagdag na tanong nito habang umuupo sa katapat niyang upuan. Tumango siya habang nakatabingi ang labi. “Isa ‘yon,” maikling sagot niya. “So, may iba pa? Ano naman ‘yon?” Muli siyang bumuntong hininga bago nagsalita, “Si Lyke kasi, narinig kong nagsalita kanina—” “Talaga? Wow, so nag-uumpisa na ulit siyang magsalita!” palatak nito na bakas agad ang tuwa at hindi na nagawang patapusin muna siya sa sasabihin pero agad din napatigil nang matitigan