9-Caught Up

1637 Words
Kabanata 9 Caught Up “Every Friday afternoon ay uuwi ka rito at Lunes naman ng madaling araw ang balik mo sa Maynila. We will spend the weekends together in this house. It will be our time and chance to get to know each other deeper.” Tumango ako habang ngumunguya. Hapunan na naming dalawa at hanggang dito sa hapag ay dala pa rin namin ang usapan tungkol sa magiging set-up namin pagkatapos ng kasal. “I would suggest you to open a bank account if you have no existing one, Jhen. Doon lahat dederetso ang allowances mo.” Uminom ako ng tubig para itulak papasok ang mga kinain ko atsaka ako nagsalita. “Mayro’n na ako. Mamaya ay ibibigay ko saiyo ang account details ko, Attorney.” Dalawa ang bank account na mayroon ako. Iyong isa’y para sa savings ko at ang isa’y exclusive na naka-link sa Dominatrix Dirty House. Doon pumapasok ang sahod ko kapag may kliente ako online. At dahil doon ay dumalaw ngayon sa isip ko si Mr. Attorney O. Iyong favorite client ko. Kumusta na kaya siya? Hinahanap niya kaya ako o baka nakalimutan na ako? Hindi imposible. Kung patuloy itong tumatangkilik ng serbisyo ng DDH tiyak na may bago na itong Dominatrix na kinawiwilihan ngayon. Nakapa ko ang panghihinayang sa dibdib ko at sa kepay ko. Ang hot din kasi niyon. Nakakapanginig ng laman kahit iyong boses pa lang at galante pa sa tip. Ngunit ngayon na pumayag na ako sa offer ni Attorney Jadraque ay panahon na siguro para putulin ko ang involvement ko sa DDH. Pag-uwi ko sa Maynika ay pag-iisipan ko na bumisita kay Madam Hera sa kanyang Dream Fortress para pormal na sabihing titiwalag na ako sa kadahilanan na mag-aasawa na ako. “And one more thing, Jhen. Kasama sa nalaman ko mula sa imbestigasyon tungkol saiyo ang trabaho mo sa isang nightclub—” “Waitress lang ako roon, Attorney. Hindi ho ako GRO.” Natataranta kong paliwanag. Defensive na kung defensive pero mas maigi na itong sa akin manggaling ang totoong impormasyon. “Virgin pa ho ako, Attorney. Maniwala kayo. Mali po ang narinig n’yo mula sa kapatid ko kanina. Hindi ho ako nagbebenta ng laman.” Kumalansing ang kubyertos ni Attorney dahil nabitawan nito iyon papunta sa pinggan nito. Gumuhit sa isang linya ang labi ni Attorney habang nakatingin sa mukha ko na para bang may bumukas na kepay sa noo ko. “Hmm...” para siyang nag-iisip ng magandang sasabihin. Sinamaan ko siya ng tingin. “Nahihirapan kayong maniwala, alam ko kaya huwag n’yo nang pilitin ang sarili ninyo. Ang sa akin lang naman ay mas mainam kung galing na mismo sa bibig ko ang mga impormasyon tungkol sa akin.” Umismid ako at sumubo ng tatlong magkasunud-sunod. Iyong ulam ko ay iyong tira pa sa niluto kong bulalo kanina. Kay Attorney naman ay steak tapos baked potato tapos may pa-wine pa siyang nalalaman. Kanin siyempre iyong akin. Ang sosyal niyang kasama sa totoo lang. Nakakailang pero mabuti na lang at marunong ako kung paano kapalan ang apog ko kaya gagawin ko lahat ng gusto ko. “No. Of course I believe you.” Nagpatuloy siya sa pagkain. “Aanakan n’yo ba ako, Attorney o hindi?” Out of the blue ay tanong ko sa pinakaswal na paraan. Nasamid si Attorney. Napalagok sa wine niya. Naubos din ang tubig niya kaya sinimangutan ko ito. “Ayos ka lang?” tanong ko. Tumayo ako para ibigay sa kanya iyong baso kong may kalahating laman pa. Nainom ko na ang kalahati e. Tumiim ang titig niya sa baso ko na tila ba may bahid ng lason iyon. “Inom na. Huwag ka nang mahiya. Hindi naman lasang-daing ang bibig ko kaya hindi ka riyan mahihimatay.” Inirapan niya ako pero dinala pa rin naman niya sa kanyang bibig ang basong ininuman ko. “Nakahalik na naman siya sa akin. Indirect kiss nga lang,” tudyo ko kaya mas sinimaan niya ako ng tingin. Pangisi-ngisi ako na bumalik sa silya ko. “I am not sure how long will I get used to your bluntness pero gusto ko nang umpisahan na sanayin ang sarili ko as early as now.” Nagkibit ako ng balikat. “So, kasama ba sa three years cohabitation agreement natin na magkakaanak tayo, Attorney?” Isa kasi iyon sa bagay na gusto kong mabigyang linaw. “I never thought of that while preparing this agreement. Maaabala rin ang pag-aaral mo kung mabubuntis ka. It's not a wise idea but the work before you become pregnant is.” Hindi ko talaga alam kung nanlalandi siya kasi ang seryoso ng mukha niya. Hindi na nga lang ako umimik. Hindi rin ako nagbigay ng reaksyon. May punto naman talaga siya roon dahil isinaalang-alang niya ang pag-aaral ko pero may sumibol na kakatwang panghihinayang sa loob ko. Lugi na lugi talaga sa agreement na ito si Attorney. Iyong kondisyon pa na mayroon siya sa kontrata ay para mailipat sa akin ang pera niya dahil tinapat niya ako kanina. Na paraan niya ito upang tulungan ang mga magulang ko pero dahil sa impormasyon na nalaman niya ay nagdalawang isip siyang ibigay ng direkta ang pera sa mga magulang ko na ilang dekada nang naninilbihan sa pamilya niya. Si Papa ay binata palang ay janitor na sa law firm ng mga magulang noon ni Attorney Jadraque. Itong alimony na makukuha ko ay perang iniwan ng mga magulang niya para ilaan sa mga loyalistang trabahador ng mga ito. Nalaman ni Attorney na gastador ang mga kapatid ko, kay Mama naman ay wala rin siyang gaanong tiwala kaya nagpasya siyang idaan sa akin ang pera na nakalaan daw talaga para sa Papa buong pamilya ni Papa Atilio. Medyo nakakalito lang doon sa parte na kailangan pa ng kasal. Lahat ng nilalaman sa kontrata ay pabor sa akin. Kung sa pag-ibig pa’y one-sided love lang. “But, Jhen...” kuha ni Attorney sa atensyon ko. Binalingan ko naman ito kaagad at napahinto ako bigla dahil sa seryoso niyang awra. “I am not closing my door for the possibility to have a child with you while we're in this marriage. Aaminin kong hindi ako handa sa ano mang responsibilidad na may kinalaman sa anak ngunit kung bukal sa loob mo na magkaanak sa akin, Jhen, I would wholeheartedly accept it. Ngunit oras na mangyaring pumayag ka na magkaanak tayo ay kakalimutan mong may namamagitang agreement sa atin because when I make you pregnant, I will never let go of you, Jhen. Keep that in your mind.” Naunang natapos sa hapunan si Attorney. Lutang ang isip ko na naiwan sa dining area. Natauhan lang ako nang nag-vibrate ang cellphone ko na nasa tabi ng pinggan ko. May tumatawag sa akin at dahil laman pa ng utak ko ang mga sinabi ni Attorney kaya hindi ko na nagawang tingnan kung sino ang tumatawag. “Hello?” “Jhen, baby.” Napasinghap ako nang marinig ang pamilyar na baritonong boses sa kabilang linya. “H—harris?” “Hey, beauty. I'm in Manila now. Narito ako sa condo ko, nagpapahinga. I'm alone here, thinking of you.” “G—gano’n ba? Uhm...” Dali-dali akong umakyat at ipininid ang pinto ng silid na pinasukan ko. Ito rin iyong ang tinulugan kong silid kagabi. Ayon kay Attorney Jadraque ay kuwarto raw ito ng nag-iisa niyang kapatid—si Freya Grace. Nasa ibang bansa na ang babae, sumama sa nobyo nitong ang pangalan ay Archimedes. Pinayagan ako ni Attorney na ito ang gagamitin kong silid sa tuwing narito ako. Hindi niya raw kasi ako pipilitin na matulog kami sa iisang kuwarto. “H—harris, hello? Are you still there?” Hawak ko ang aking dibdib dahil hiningal ako sa pag-akyat at sa pagmamadali. Kinakabahan din ako ng slight dahil baka makasalubong ko si Attorney at mabuti na lang at hindi. Nasa study room na niya siguro iyon. Hindi ko na napansin kung saan iyon nagtungo pagkalabas ng dining area. “Hinihingal ka yata, babe. Are you doing something like working out perhaps?” usisa ni Harris. “Ha? Ah... Ah yes. Tama ka. Nagwo-workout ako.” Pagsisinungaling ko. “Napatawag ka?” “It is because you're always running in my head. Ikaw lang ang iniisip ko sa tuwing mag-isa ako. Would you mind telling me where are you right now? Maaari bang sunduin kita riyan at ako na ang maghatid saiyo pauwi sa bahay ninyo?” “No!” Nagpapanic na bulalas ko. Hindi ko sinasadya iyon. Shít. Mabibisto ako ni Harris nito. “Jhen, are you... Are you mad, baby?” Nag-aalalang tanong ni Harris. Kinalma ko ang sarili ko. Huminga ako ng malalim. “No. No, Harris. I'm sorry for my nonsense outburst. Na—nabigla lang ako.” “No worries, Jhen.” Nai–imagine ko ang matamis na ngiti ni Harris. “So, maaari ba kitang puntahan ngayon? Have dinner with me? Please, Jhen. Kahit saglit lang. I badly want to see you.” Nginata ko ang loob ng labi ko habang nag-iisip ng alibi. “Harris, I'm sorry but I'm out of town right now. Bukas pa ang balik ko ng Maynila.” “Oh? Hindi mo iyan nabanggit noong huli tayong magkausap, Jhen.” Himig nagtatampo si Harris. “Oo. I'm sorry I forgot, Harris. This is an unplanned trip kasi with my old friends. Pero bukas ay papayag na akong makipag-dinner date saiyo, Harris.” Nagambala ang pagpapaliwanag ko kay Harris nang biglang may magsalita sa likod ko. Marahas akong napapihit at sa pagharap ko ay ang madilim na mukha ni Attorney Jadraque ang bumungad sa akin. Napahigpit ang hawak ko sa phone ko dahil sa nanunuligsang tingin na ipinupukol niya sa akin. “Who is that Harris you're talking to, woman?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD