Kabanata 8
The Contract
“Kapag pumirma ka sa mga papeles na ito, ngayong araw din ay may uutusan akong magdala ng kalahating milyon sa pamilya mo sa ospital para sa pagpapagamot ni Mang Atilio. At iyong nabanggit mong halaga na hiram ni Nanda ay kalimutan mo na.” Malinaw na salaysay ni Attorney.
Nasa loob kaming dalawa ng study room. Sa pagpasok ko kanina rito ay ang una kong napansin ay ang kakulangan ng laman sa study room na ito. Mayroon lamang isang steel file cabinet na narito, makintab na working table atsaka iyong inuupuan ni Attorney Jadraque ngayon na pang-opisinang upuan.
Maaliwalas ang buong silid na ito. Malinis ang amoy, halatang bagong renovate lang.
“Attorney, teka po muna saglit ha.” Tumikhim ako sandali. “Kasi may kailangan po muna akong aminin sa inyo tungkol sa totoong edad ko kasi parang nagi-guilty kayo kaya ganito kayo magpadalus-dalos ng pasya.”
Sumandal ang likuran ni Attorney sa silya niya, ikiniling ang ulo sa gilid at mataman akong tinignan. Wala namang espesyal sa tingin niyang iyon pero ewan ko ba kung bakit tumatambol ng kakaiba ang dibdib ko.
“Attorney, ang totoo po talaga niyan ay biro ko lang iyong seventeen years old ako. Napaniwala ko lang siguro kayo kanina kasi baka na-cute-an kayo sa akin.”
Napangiwi ako sa pagtalim ng titig ni Attorney na may kasamang pang-uuyam. Parang may umalsang bara na naman sa lalamunan ko dahil doon. Idinaan ko na lang sa hilaw na tawa ang naramdaman kong pagkapahiya.
Nag-assume lang naman na baka cute ako sa paningin niya kaya naniwala siyang menor de edad ako. Psh.
“Attorney, ang totoo po talaga niyan ay beinte—”
“You’re twenty-three,” agarang dugtong ni Attorney sa aaminin ko. Bahagyang bumuka ang bibig ko sa mangha.
“Wow! Paano n’yo natumbok? Hindi n’yo naman siguro hinulaan lang iyon, Attorney? O sadyang magaling lang talaga kayong kumilatis ng tao kasi abogado kayo.”
“It doesn't matter.” Parang naiinip niyang sabi.
“Kung gano’n ay ano ang dahilan n’yo bakit gusto n’yong magpakasal? Urgent pa. Tapos sa akin pa na hindi n’yo naman lubos na kilala? Nagi-guilty ho ba kayo sa nangyari kagabi? Hindi n’yo naman sinasadya iyon, Attorney. Lasing ho kayo. Katulad nga ng sabi ko ay kalimutan n’yo na iyon.”
“Wala namang akong makakalimutan dahil wala akong maalala.” Tila naaaburido ang tonolado niya.
Inayos nito ang pagkakaupo at ipinatong ang dalawang siko sa kanyang makintab na lamesa bago ipinagsalikop ang mga kamay na mayroong mahahaba na daliri at malinis na mga kuko.
Ang manggas ng damit niya ay nakarolyo na ngayon hanggang sa medyo ibaba ng kanyang siko, nilalantad ang kamay at braso nitong maputi at medyo mabalbon tapos may linya ng mga bumabakat na ugat. Habang nakamasid ako sa maugat na kamay ni Attorney ay napapabaluktot ang mga daliri ko sa paa. Naalala ko kasi ang mga male pornstar na napanood ko sa internet dahil mauugat din ang mga kamay niyon na lalo pang umiigting kapag nakaulos at nagvu-vulcanize ang mga daliri sa butas ng kanilang kapareha.
“Bakit namumula iyang mukha mo?” Nahigit ang isip ko mula sa erotikong bagay na lumalaganap sa utak ko dahil sa pagsita sa akin ni Attorney.
Shít.
“What do you have in your mind?” Mababanaag sa mga mata ni Attorney ang kuryusidad.
Napakagat ako sa aking labi. “Wala naman ho, Attorney.” Pagsisinungaling ko kaya mas lalong uminit ang mukha ko.
“I can see the anxiousness in your eyes, Jhen so I already know that you are lying. At gusto ko lang malaman mo na hindi ko gusto ang mga taong nagsisinungaling,” aniya na parang sinusukol ako.
“Ayaw n’yo sa nagsisinungaling pero sa trabaho na mayro’n kayo, imposible naman na hindi pa kayo nagsisinungaling, Attorney.”
“That's an unethical opinion you have there against a legal defender like me but it’s quite interesting.” Tinaasan niya ako ng kilay. “Paano mo nasabi iyan?”
Sandaling nagtatalo ang isip ko kung sasagot pa ba ako o mananahimik na lang pero buwisit kasing bibig ‘to! Parang armalite ng sundalong nasa digmaan, ayaw paawat kaya palagi akong napapahamak e. Hindi ko makontrol ang bunganga ko.
“Kasi nga abogado kayo at trabaho n’yo ang depensahan ang kliyente ninyo sa korte pero paano kung iyong ipinagtatanggol mo ay iyon pala ay guilty? Ibig sabihin ay papanig ka sa kasinungalingan at mali dahil hindi mo naman ilalaglag ang kliyente mo sa kaso kasi nga defender ka n’ya.”
“Criminal defense attorneys have a duty to zealously represent their clients and guard their confidences. Tama naman iyang sinabi mo, Jhen. However, we, defenders also have a duty to the court not to present evidence that we know is false, fraudulent, or perjured. If a lawyer who knowingly uses or presents perjured testimony risks serious consequences. At walang abogado na isusugal ang propesyon at reputasyon niya dahil sa pagtatanggol sa isang mali.”
Matagal akong napatanga sa mukha ni Attorney. Hindi ko maihayag ang labis na paghanga ko sa sinabi niya at habang tumatagal ang pagkakatitig ko sa mukha niya, parang nakikita kong nadagdagan pa lalo ang kapogian niya. Lakas pala talaga makaguwapo ang maging matalino.
Tumikhim si Attorney kaya napakurap ako at napaayos ang aking gulugod. Nakatayo lang naman ako sa harapan ng working table niya. Iyon nga, wala ring silya rito sa harap. Wala akong mauupuan. Mukhang kailangan kong magtiis na nakatayo rito dahil mahaba-haba itong pag-uusap namin.
Imbes kasi na tungkol sa trabaho ko bilang housemaid dito ang tatalakayin namin pero heto at nakakaladkad ako sa komplikadong sitwasyon na may kinalaman sa kasal.
Ang mahirap dito ay naglalapag na ng mga offer si Attorney na parang hindi ko kayang tanggihan lalo pa’t malaki ang maitutulong niyon sa kasalukuyang sitwasyon ng pamilya ko. Kaya ko naman siguro na tustusan ang pagpapagamot ni Papa. Nga lang ay posibleng malagay sa alanganin ang pag-aaral ko na ayaw kong mangyari. Kakaumpisa ko lang na abutin ang pangarap ko e.
“Bumalik tayo sa dapat nating pag-usapan, Jhen.
Tahimik akong tumango.
“To be honest with you, pina-imbestigahan kita.”
Bigla ay parang napunta sa lalamunan ko ang puso ko kaya kahit parang nanunuyo ang lalamunan ko ay sunud-sunod akong napalunok sa kaba.
“I—imbestiga?” Nanghina ng husto ang boses ko at hindi ko maitago ang takot sa mukha ko.
Kung pina-imbestigahan nga ako ni Attorney, ibig sabihin ay alam na rin niya ngayon ang tungkol sa sideline job ko sa Dominatrix Dirty House ni Madam Hera?
Shít...
Tumango si Attorney at medyo magkasalubong ang kilay nito. Marahil ay nagugulumihanan sa kabang mababanaag sa ekspresyon ko. Uunahan ko na ba siyang magpaliwanag kung bakit pati ang pagvo-voice séx worker ay kailangan kong sunggaban?
“A—attorney, huwag n’yo ho sana akong husgahan kagaya ng kapatid ko.” Halos naiiyak na simula ko.
“No. I will never do that, Jhen.” Mahinahon na sansala ni Attorney. “Katunayan niyan ang napahanga mo ako dahil nagawa mong makapag-aral sa isang eksklusibong kolehiyo sa pamamagitan ng pagsuporta sa iyong sarili at hindi umaasa sa iba. You have my respect for that.”
Napakurap ako ng marami. Iyon lang ba ang pina-imbestigahan niya? H—hindi ba kasama iyong koneksyon ko sa DDH?
“And listen, Jhen. Bukal sa loob ko na sagutin ang matrikula at lahat ng gagastusin mo sa iyong pag-aaral hanggang sa matapos mo ang kurso mo. I will even find the best employer for you in case you want a job after you graduate. Isasama ko iyon sa magiging agreement natin.”
“Seryoso ho?”
“Walang halong biro ang usapan na ito, Jhen. I will support you financially sa loob ng tatlong taon. Meaning, kung papayag ka sa alok kong pakasalan ako ay wala kang aalalahanin pagdating sa pera. Tatlong taon, Jhen. You will be married to me for three years. Ganoon lang kahaba ang itatagal ng kasunduan na ito sa pagitan nating dalawa. Legal din tayong maghihiwalay pagkatapos ng itinalaga kong termino.”
“Parang inuupahan mo akong asawa sa loob ng tatlong taon?”
“If that's what you think it is then yes. Cohabitation agreement and this is contracted. At ito ang kontrata na dapat mong pirmahan.” May binuksan siyang folder na naglalaman ng mga papeles. Hinugot nito ang drawer sa ilalim ng lamesa niya at ipinatong ang fountain pen sa ibabaw ng papeles.
Kinagat ko ang labi ko at dinampot ang fountain pen. Yumuko ako at ilalapit na sana ang dulo ng fountain pen sa linyang pipirmahan ko sa unang pahina nang bumawi ako.
“Puwede bang tapatin n’yo muna ako, Attorney.”
Inigkasan ako ng kilay ng naiinip na abogado. “Ask it away. What it is?”
“Bakit po pabigla-bigla ang pagkuha n’yo ng asawa? May taning ho ba ang buhay n’yo? May malubha ho ba kayong karamdaman kaya kailangan n’yo ng tagapag-alaga?” Walang gatol kong usisa.
Inismiran ako ni Attorney. “This has nothing to do with my health because I'm perfectly fine. It's just that I'm already thirty-five kaya gusto ko nang mag-asawa.” Balewalang paliwanag nito na para bang hindi mahalagang bagay sa buhay niya ang pagpapakasal.
“Bakit, hindi n’yo ba kayang kumuha ng girlfriend? Iyong babaeng kikilalanin n’yo muna tapos iyon ang yayayain mong magpakasal?”
“Wala akong panahon.”
“O baka bading ho kayo? Tapos gagamitin n’yo akong cover up para itago ang tunay na seksuwalidad n’yo sa madla kasi baka natatakot kayo sa discrimination? Naku, Attorney. Mag-out ka na. Susuportahan ho kita.” Daldal ko nang nakapamaywang pa sa harapan niya.
“I am a heterosexual ally and I have few colleagues and previous clients who are part of the rainbow community and I'm one of the people who stands up for them but no, Jhen. My masculinity is as straight and sturdy as steel.” Tumaas ang sulok ng labi nito na ikinataas naman ng isang kilay ko.
“Kung hindi tuwid ang kasarian ko, marahil ay hindi kita pinagnanasaan ngayon.”
“Ano?” Napataas ang boses ko sa pagiging prangka ni Attorney.
Tumiim ang bagang ni Attorney. “You are a very tempting woman, Jhen. I can't deny that. Tapos para kang nananadya. You're still not wearing your goddamn brassiere.” Parang nagpipigil na sermon nito.
Napayuko ako sa aking sarili. “E basa pa ho kasi ang mga panloob ko.”
Nakita ko ang pagkurap niya. “You mean you're not also wearing panties right now?”
Bahagyang gumalaw sa kanyang upuan si Attorney na para bang bigla siyang hindi naging komportable.
“Mayro'n ho. Kumuha ko ng isang boxer shorts sa closet n’yo.” Inangat ko ng kaunti ang laylayan ng t-shirt niyang suot ko na nagmukhang oversized sa katawan ko. “Ito nga ho o tas nilagyan ko nalang ng paperclip sa likod para hindi malaglag.”
“Jesus!” bulalas nito na parang nahihirapan. “Just sign those papers now, Jennylyn Munar.”
Nginisihan ko si Attorney dahil sa reaksyon niya na tila isang conservative na nilalang. “Ito naman si Attorney, parang conservative. Sabi n’yo pinagnanasaan n’yo ako tapos ngayon aasta kang gan'yan. Ang gulo mo rin e.”
Dinampot ko ang kontrata. Gusto ko sanang basahin ang mga iyon pero duda akong maiintindihan ko itong lahat.
Kaya pipirmahan ko na lang siguro ito. Iniisip ko ngayon ang kaginhawaan na maidudulot ng kasunduan na ito sa akin lalo na sa pamilya ko.
Nakadikit na sa papel ang pansulat nang maalala ko si Harris. Napaatras na naman ako mula sa kontrata.
“What’s wrong? What's taking you back, Jhen?”
Nagbaba lang ako ng tingin. Kanina pa kami nag-uusap ni Attorney ngunit ngayon lang nakialam ang puso ko sa desisyon ng utak ko. Gustong-gusto ko kasi talaga si Harris at malapit na ngang maging kami. Ngunit parang ang komplikado na ngayon ng lahat sa buhay pag-ibig ko dahil hindi ko kayang tanggihan itong kontrata.
“Make up your mind, Jhen dahil oras na matapos ang tatlong taon na kontrata natin ay mayroon kang makukuhang labing-limang milyon mula sa akin bilang alimony.”
Nang banggitin ni Attorney ang salitang milyon ay kusang dumiin sa papel ang hawak kong fountain pen at nagmamadali akong pumirma.