Kabanata 10 Iniwan Sa Ere Dinaga ang dibdib ko at para akong estatwa na nakatayo habang sinasalubong ang kahila-hilakbot na tingin ni Attorney Jadraque sa akin. “Answer me, Jhen. Sino ang Harris na kausap mo?” Mas mababa na ang boses nito ngunit hindi iyon naging sapat na dahilan para mabawasan ang kaba na bumubundol sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay nagkaroon na ako ng locked jaw dahil hindi ko na magawang ibuka ang bibig ko. Wala akong maisip na salita na isasagot sa kanya. Nabablanko ang utak ko. Sh*t. Para palang kamandag ng ahas ang epekto ni Attorney sa akin kapag galit siya. Mukhang naisubo ko ang sarili ko sa alagad ng demonyo sa katauhan ni Attorney Osiris. Para akong sinakal dahil hindi ako makahigit ng hininga nang humakbang si Attorney palapit sa akin. Si Harris ay narir