Kabanata 14 Possessive Husband Humihiwa sa katinuan ng isip ko ang pagkatuliro at pagkaalarma. Gustuhin ko mang tumakbo ngunit huli na. “Dad! Daddy, can you introduce us to your VIP clients?” agaw ni Jayda sa atensyon ng kanyang ama sa pinalamyos na tinig. Gusto kong pitikin ang nguso ni Jayda dahil sa pahamak na dila nito. May pagkakataon pa sana akong makapagtago ngunit nauna si Jayda na kunin ang atensyon ng Daddy niya and along with it ay nahita rin nito ang atensyon ng dalawang kausap ni Mr. Julio. Na ang isa’y hindi ko kilala at ang isa’y kilalang-kilala. Si Attorney Jadraque lang naman iyong tinutukoy ko! “Oh sure, hija. No problem. Come on here, young ladies.” Masigla namang anyaya ni Mr. Julio sa aming apat. Parang nangatog na nang tuluyan ang tuhod ko kasabay ng pagsulpot