Warning!! Guys, you know the drill. Bawal ang chapter na ito sa mga konserbatibo. Char. Kabanata 15 “Ay pating na may útong!” Ang umalpas na bulalas mula sa bibig ko nang may lumitaw na bulto ng tao mula sa cubicle na pinanggalingan ng tunog ng telepono. “A—attorney?” Pasambit na tawag ko sa taong ngayon ay nasa harapan ko. Halos walang lumabas na boses mula sa aking bibig. Naghabulan ang kabog ng dibdib ko at parang nagkaroon ako ng buhol sa lalamunan ko. Akala ko ay nakaalis na siya. Bakit... “You look terrified to see your husband, Jhen. I wonder why,” untag niya sa pagkabigla ko. Para siyang mabulas na poste na nakatindig sa mismong harapan ko at nais lamunin ng kanyang anino ang presensya ko. Seryoso ang anyo ng kanyang mukha hindi katulad kaninang nagkaharap kami sa lobby ng