Kabanata 18 Galit Si Attorney “Harris?” Laglag ang aking panga sa taong nakatayo rito sa labas ng apartment ko. May suot siyang itim na jacket at ang hoodie ay nakasuklob sa ulo niya. Kung ang mga kapwa ko tenant ang makakakita kay Harris ngayon ay tiyak na paghihinalaan ito ng hindi maganda. At ang labis na ikinababahala ko ay baka maintriga sa presensya niya ang sino mang makakita sa kanya. Lilikha ng ingay sa showbiz at social media oras na may makakita sa kanyang nagpunta rito sa apartment ko. Malilintikan ang nananahimik kong buhay nito. “Hello, baby. It's been more than a week and I terribly missed you.” Nalanghap ko kaagad ang amoy ng alak mula sa hininga ni Harris na ikinabahala ko. Kaya pala namumungay ang kanyang nakasilip sa hoodie na mga mata ay dahil nakainom ito. “Harr