Kabanata 17 Unfinished Business Ngumingiwi ang mukha ko sa kirot na nasa pagitan ng mga hita ko. Makailang beses pa akong nag-inhale at exhale bago ko muling sinubukan na humakbang patungo sa pinto. From heaven back to hell real quick ang feeling. Parang may naka-plug pa rin na batuta sa pagkababáe ko. Nakakaramdam pa rin ako ng pamamasa. Nate-tense ako. Hindi puwedeng ganito kalamya ang kilos ko oras na makalabas ako sa banyong ito. Puputaktihin ako ng intriga nina Clover dahil umalis akong may poise tapos babalik akong parang batang bagong tuli? Shít. Hindi puwede. Binundol ng kaba ang dibdib ko nang ilang hakbang na lang ang layo ko sa pinto nang may kumatok mula sa labas. Pilit kong kinontrol ang pagkataranta sa loob ko. Itinuwid ko ang gulugod ko at pilit kong pinaaliwalas ang