Kabanata 19 Be Her Secret Lover Humihikab akong lumabas ng kuwarto ko. Half-lidded pa ang mga mata ko dahil kagigising ko lang. Nagkakamot ako sa puwit ko at tutungo sana ako sa banyo para umihi nang mapahinto ako nang may bumati sa akin na mayroong husky na boses. “Good morning, beautiful.” Natuod ako at marahas na napalingon sa pinanggalingan ng boses. Ang nakangiting mukha ni Harris Palma ang rumehistro sa aking paningin. Napakurap ako at nang medyo nabawi ko na ang huwisyo ko ay saka ko naalala na dito nga pala nakitulog si Harris kagabi. Kasalukuyan siyang naghahanda ng mga pagkain sa mesa. Mga pagkain na ang mga lalagyan ay may nakalagay na pangalan ng isang sikat na coffeehouse and roastery na mayroong malapit na branch mula rito sa apartment ko. Inayos ko ang sarili ko. “U