7-Distracted

1687 Words
Kabanata 7 Distracted Nasisindak na lumayo si Mama at Jennyrose sa akin dahil sa peligrosong boses ni Attorney Jadraque na para bang isang unos itong dumaan at humawi sa kanila. Maging ako man ay tinamaan ng sindak sa uri ng boses na pinakawalan nito. Hindi iyon malakas ngunit nakakakilabot. “What the hell, Nanda? Hindi ko akalaing nagagawa mong saktan ang sarili mong anak. That's ridiculous.” Hindi maawat na puna ni Attorney kay Mama. Nagbaba ako ng tingin ng maramdaman ko ang paglapit sa akin ni Attorney. Nasa likod na niya ako at para bang hinaharang niya ang kanyang sarili na tila nagpoprotekta. Iniiwasan ko siyang tingnan. Nahihiya ako sa gulong nadatnan niya dito pa sa loob ng teritoryo niya. “S—sir Osiris, hindi ko ho sinasadya. Nadala lang ho ako sa emosyon ko. Sir, kung ano man ho ang kapalpakan at kahihiyang nagawa ni Jhen, ako na ho ang humihingi ng paumanhin.” Paliwanag ni Mama. Ang tinig niya ay tila natataranta. Ginamit ko ang likod ng palad ko para palisin ang luha sa aking mata. Nang ibaling ko kay Mama ang aking tingin ay nakita ko ang kabuuang kabaliktaran ng emosyong nasa mukha niya kanina habang sinasaktan niya ako. Ngayon ay para siyang maamong tupa. “What are you talking about? Saan galing ang balitang nakagawa ng kapalpakan si Jhen, Nanda?” “P—pero tumawag ho kayo sa akin, Sir Osiris. Ang sabi n’yo ay may mahalaga kayong sasabihin sa akin na may kinalaman kay Jhen. At sa uri ng boses n’yo kanina’y kaagad kong naipagpalagay na nakagawa ng hindi tama si Jhen kaya ako na ho ang humihingi ng dispensa kung ano man iyon. Pasensya na ho kayo—” “Kung gano’n ay wala kay Jhen ang problema kundi nasa iyo dahil mali ang pagkakaintindi mo, Nanda.” Matigas na putol ni Attorney sa paghingi ng paumanhin ni Mama. “Ano ang ibig ninyong sabihin, Sir?” Si Mama na may bahid ng kalituhan ang mukha. Nakita ko ang pagtalim ng kanyang tingin nang lumipat ang mga mata niya sa akin kaya kagyat akong lumingon sa kabilang direksyon. Muntikan na akong mapaigtad nang biglang maramdaman ko ang paghuli ni Attorney Jadraque sa kamay ko. Dahil doon ay marahas akong napatitig sa kanyang mukha na may mabalasik na anyo. Awang ang aking bibig nang bumaba ang aking tingin sa kamay kong mahigpit niyang hawak. Kumabog ng kakaiba ang puso ko sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan. Parang may nararamdaman akong kakatwang sensasyon sa balat niya na tumutulay patungo sa akin. Naaalarma ang sistema at dibdib ko dahil sa sensasyon na iyon na hindi ako pamilyar. “Ang totoong dahilan ng agarang pagtawag ko saiyo kanina, Nanda ay upang ipabatid saiyo na ako ang nakagawa ng pagkamamali kay Jhen kagabi na siyang kabaliktaran ng palagay mo.” Napabalik sa mukha ni Attorney ang aking mga mata na ngayon ay namimilog. Ramdam ko ang agresibong pagkalat ng init sa aking mukha. Hindi ko namamalayan na nahablot ko na ang gilid ng kanyang damit. Nagmamakaawa ako sa kanyang huwag nang sabihin kay Mama at sa kapatid ko ang nangyari kagabi sa pamamagitan lamang ng tingin ngunit bumagsak ang balikat ko nang magpatuloy siya. “I know I should have done this formally ngunit ‘saka na lamang iyon.” “Sir Osiris, ano ho ang ibig ninyong sabihin?” Si Mama. “Ipapaalam ko saiyo na hinihingi ko ang kamay ni Jhen para sa kasal, Nanda.” Hindi ko matukoy kung kanino galing ang malakas na singhap na narinig ko dahil nasa semento na ngayon ang titig ko. Kung kay Jennyrose ba iyon o kay Mama ay hindi ko matukoy. Ayaw ko silang tingnan. “I am willing to marry your daughter, Nanda kaya hinihingi ko ang pahintulot mula saiyo bilang kanyang ina. At ikinalulungkot kong hindi ko rin pormal na masasabi ito kay Mang Atilio dahil sa kasalukuyan na kalagayan niya,” hayag nito na para bang humihiram lang ito ng walis sa kapitbahay. Walang bahid ng pag-aalinlangan ang boses. “S—sir Osiris—” Ang tangkang isasagot ni Mama ay naudlot nang magsalita si Jennyrose kaya nakuha nito ang tingin ko. “Tingnan mo nga naman ang nagagawa ng kalandian. Ang malas mo riyan sa babaeng iyan, Attorney. Tss. Kukuha ka lang din naman ng mapapangasawa ay iyan pang mababang uri ng babae. Tiyak na kahihiyan lang ang dadalhin niyan sa buhay mo.” Napatiim ang mukha ko sa litanya ni Jennyrose. Hinawakan ni Mama ang braso ni Jennyrose at tahimik itong sinuway. “I don't believe I'd hear those degrading treatments and words coming from a sister,” bulalas ni Attorney. “Ngayong alam ko na kung paano ninyo tratuhin si Jhen, mas determinado ako na ilayo siya sa uri ng pamilya ninyo. Mula sa araw na ikasal sa akin si Jhen ay wala akong pinapayagan na isa man sa inyo ang manakit sa kanya ulit or else I will take legal action and get a protective order from the court just to make sure na hindi na muling mararanasan ni Jhen ang karahasan galing sa mga taong sana’y nagmamahal sa kanya. You're a despicable person! Naturingan pa naman kayong pamilya pero kung tratuhin at pagsalitaan n’yo siya ay para bang wala kayong mga habag.” Tahimik na nagbagsakan ang luha ko habang pinapanood kong umaalis si Mama at Jennyrose. Masokista nga yata ako dahil alam ko namang para sa ikabubuti ko ang mga sinabi ni Attorney Jadraque pero heto at nasasaktan akong nakatingin sa papalayong pamilya ko at sumasagi ngayon sa isip ko na sumama sa kanila. Papasara na ang censored gate nang humakbang ako para sana habulin sila Mama ngunit may kamay na humagip sa braso ko. “Don’t dare chase them. You have to at least learn how to value yourself just this once, Jhen.” Napahagulhol ako nang tuluyan nang mawala sa paningin ko sina Mama. Nang medyo kumalma ang iyak ko ay marahas akong humarap kay Attorney. Galit kong pinalis ang luha sa aking pisngi at masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. “Ugh! Nakakairita ka! Ang s—sama mo!” Lumuluhang asik ko sa abogado na napaawang ng bahagya ang bibig sa inasal ko. Tinalikuran ko ito at padabog akong naglakad pabalik sa bahay. Ngumangawa na naman ako na parang batang inaapi. Ito ang side ko na ni minsan ay hindi ko naipakita sa pamilya ko o sa mga taong nakasama ko sa trabaho. At hindi ko maintindihan kung bakit sa abogado na ito ay hinahayaan kong magkaganito ako. “And now you're mad at me because I defended you from your family who gives you maltreatment? I can't believe you.” “Tse! Tumahimik ka at tantanan mo ako sa kaka-ingles mo. Kung magdesisyon ka sa buhay ko para bang pag-aari mo na ako e ngayon mo lang naman ako nakilala. Atsaka katulong mo lang ako rito.” Hindi ko siya hinarap pero alam kong nakasunod siya sa akin. “Pati relasyon ko sa pamilya ko ay pinakialaman mo pa. Anong gusto mo? Magaya ako saiyo na mag-isa at parang namumuhay na miserable?” Talak ko ngunit mabilis akong napapreno nang mapagtanto ko ang mga salitang binitawan ko. Agarang naawat ang mga luha ko at kay bilis na napalitan ang emosyon ko. Mula sa lungkot ngayon ay pangamba na. Shít. Ipinahamak ako ng sarili kong bibig. Kabado ako nang dahan-dahan akong pumihit paharap kay Attorney Jadraque. Naikuyom ko ang aking mga palad sa likod ko nang bumungad sa akin ang madilim na mukha nito. Galit ito at siguro ay natural iyon dahil sa katagang binitawan ko. Parang may nagrambulan sa loob ko nang humakbang si Attorney Jadraque papunta sa akin na nagdulot ng karagdagang tensyon sa dibdib ko. “Who the heck told you that I'm living a miserable life, Jhen?” Mababa ngunit alam kong kinokontrol lang nito ang galit sa loob nito. Huminto ito ilang pulgada mula sa akin ngunit kahit na may natirang distansya sa pagitan naming dalawa ay hindi iyon sapat para makampante ang loob ko. Tinapangan ko ang loob ko na saluhin ang kanyang mapanganib na mga mata ngunit sa huli ay hindi na nga ako magkandatuto sa paglunok. “I... I'm sorry, Attorney. H—hindi ko sinasadya na masabi iyon. Hindi ko dapat nasabi ang gano’n dahil wala namang akong alam sa buhay ninyo. I'm sorry ho talaga. Pasensya na, Sir. Huwag na ho kayong magalit kasi kinakabahan ako.” Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko kaya parang nagmukha tuloy na inanyayahan ko siyang titigan ang labi ko. Shít. Kinilabutan ako sa uri ng tingin ni Attorney Jadraque nang bumaba na nga ang tingin nito sa labi ko. Parang bigla ay nakalimutan ko ang huminga. Nahuli ko ang pag-alon ng Adam's apple niya bago niya binawi ang tingin sa labi ko. Diyos ko! Pinagpapawisan ako bigla. “Mamaya na natin ituloy ang pag-uusap na ito dahil mahihirapan din ako na makapag-isip ng matino kung ganiyan ang ayos mo.” “H—ho?” “Just go back inside now and wait for me. May kukunin lang ako na nakalimutan ko sa kotse.” Seryosong sabi nito sa akin at nakita ko na napahagip sa dibdib ko ang mga mata nito bago ito tumalikod. Wala sa loob na napakapa ako sa dibdib ko. Dalawang bagay ang nadiskubre ko. Una ay ang malakas na tíbok ng puso ko at pangalawa ay wala pala akong suot na bra. Pashnea! Ito pala ang tinutukoy niya. Kaya naman pala napasulyap si Attorney sa harapan ko ay dahil bakat ang mga útong ng malalaki kong dibdib sa t-shirts niyang suot ko. Napapasabunot ako sa sarili kong buhok habang pabalik ako sa kusina para ituloy ang paghuhugas ng karneng lulutuin ko. COMPLETE STORY RECOMMENDATION Hello, lovely readers. Recommend ko lang po ang complete story ko na may pamagat na MY HUSBAND'S STEPFATHER HAS A SECRET baka naghahanap po kayo ng babasahing kuwento na hindi nakakabitin habang ongoing pa itong FASTER, ATTORNEY! Kindly click the hastag on the author's note below na lang po. Iyon lang po. Salamat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD