6-Abused Daughter

2021 Words
Kabanata 6 Abused Daughter Hindi nag-almusal si Attorney. Tumagal ng kalahating oras bago ito nakababa. Nakabihis na ito ng kaswal. Business casual. Halos balot na balot sa suot na classic black button-up na hindi itinupi ang mahabang manggas ngunit nakabukas ang dalawang unang butones. Ang kanyang pang-ibaba ay tailored trouser na kulay krema. Hindi gaanong masikip at snug ang trouser sa kanyang legs. Ang sapatos niya ay leather shoes na kulay brown at makintab. Mukhang bago. At nang malanghap ko ang expensive perfume niya ay kamuntikan na akong mapapikit. Ngunit kahit na disente na ngayon ang pananamit niya ay hindi ko pa rin maalis sa utak ko ang ayos niya kanina. Iyong naka-boxer briefs lang siya na kulay admiral blue. Sa tuwing mapapasulyap ako sa mga mata niya ay naalala ko iyon kasama na ang nangyari nang nagdaang gabi. Inalis ko ang barang umakyat sa lalamunan ko bago ko sinalubong sa ibaba ng hagdan ang lalaki. “Sir, tinotoo n’yo ba talaga na tawagan si Mama? Sinabi mo ba talaga iyong nangyari kagabi?” Nag-aalalang tanong ko. “I did because that is the right thing to do.” Tipid niyang sagot. “Punyemas naman o!” Napaingos ako. Bumaling sa akin si Attorney at nangangastigong tingin ang ipinukol sa akin. “Minura mo ba ako?” “Ah, Sir, hindi ho. Hindi ho.” Iwinasiwas ko ang kamay ko. “Bakit ko naman po mumurahin ang prominenteng abogado na kagaya ninyo e hampaslupa lang ho ako? Naiinis lang ho ako kasi hindi ho kayo nakinig sa akin. Dapat po ay hindi n’yo na ito ipinaalam kay Mama. Maliit na bagay lang naman iyong nangyari kagabi at puwede naman na hindi na natin palakihin.” May hinaharap na ngang malaking problema ang pamilya ko tapos ngayon ay madadagdagan pa. Ayaw na ayaw ko na nag-aakyat ako ng problema sa mga magulang ko. Kaya nga kahit minor de edad pa lang ako noon ay natututunan ko nang tumayo sa sarili kong mga paa dahil ayaw kong maging pabigat sa mga magulang ko. “I already made up my mind and we'll talk about our agreement once I come back later. I'll be back after twelve.” Dismissive na aniya atsaka nilampasan ako. “Sir, naman kasi e.” Gusto ko nang mapapadyak dahil sa matinding ligalig na dulot ng sitwasyon na ito. “Makinig ka nga kasi sa akin. Hindi na natin kailangan ng agree-agreement na iyan. Hindi naman ako mabubuntis dahil sa pag-finger mo sa akin kaya wala kang dapat na panagutan sa akin. Diyos ko naman! Nandito lang naman ako para gampanan ang trabaho ko bilang substitute housemaid mo.” “I said we'll talk about it later.” Matigas na sabi nito. His tone is nowhere near enthusiastic nor patient. “And let's get to know each other later, too. Aalis na ako dahil may kailangan akong ayusin sa opisina.” “Sir, tawagan n’yo na lang po ulit si Mama tapos bawiin n’yo kung ano man ang sinabi ninyo tungkol sa gusto ninyong panindigan sa akin.” Parang hindi na niya narinig ang sinasabi ko. Mala-hari siyang lumakad patungo sa labas ng bahay. Binuntutan ko siya. Wala akong plano na tantanan siya hanggang sa makinig siya sa pakiusap ko. “Pero, Sir—” Ang tangka kong pag-alma muli ay naudlot nang walang babalang humarap sa akin si Attorney Jadraque. Hinagip niya ang siko ko at humigpit ang pagkakahawak niya roon na ikinakislot ng labi ko. “You are not listening, are you?” Nagngalit ang ngipin niya at ang muscles sa mukha niya ay tila nakuyom din. Napipilan ako sa talim na naroon sa kanyang mga mata. Ito ang unang beses na napatitig ako sa mukha niya ng ganito kalapit. Parang hindi ako makahinga habang titig na titig ako sa guwapo niyang mukha. Ang ganda ng kilay niya. May kakapalan pero ang tidy tignan. Ang kinis ng face at ang sa paligid ng kanyang bibig ay may maaaninag na mumunting anino dulot ng freshly shaved niyang facial hair. Napatanong tuloy ako sa aking sarili. Ano kaya ang hitsura niya kung patutubuin niya ang kanyang balbas? Mas hot siya sigurong pagmasdan dahil natural nang dominante ang karaniwan n’yang disposisyon. “Ang. . . Ang pogi-pogi n’yo po talaga, Attorney,” compliment ko sa kanya. Nang sabihin ko iyon ay bigla niya akong binitawan. Kunot-noo niya akong sinipat. “Excuse me?” Tumikhim ako. “Ang sabi ko ay ang guwapo po ninyo atsaka macho. Ganito, tignan mo tayong dalawa, Sir. Abogado ka, mayaman, nirerespeto, guwapo. Nasa iyo na ang lahat pero ang engot mo ho sa part na gusto mong panindigan ang kasambahay na katulad ko. Lugi ho kayo oras na pumayag ang pamilya ko na panagutan n’yo nga ako. Atsaka mukhang may matindi pa rin ho kayong hangover kaya nakakapag-isip ka ng hindi matino. Nabibigla ka lang kaya magbabago rin tiyak iyang mga nasa isip mo. Pasalamat ka na lang talaga, Sir na hindi ako mapagpatol kundi naku. Pikot ang kahahantungan mo. Mabuti na lang din at hindi kita type.” Napakibot ang labi ko sa huling mga salitang lumabas sa bibig ko. Pati ako ay nagulat doon. Nag-iwas ako ng tingin dahil tiyak na matataranta na naman ang sistema ko kapag nakita ko ang mabalasik na titig ni Attorney. Ewan ko ba. Sanay naman ako sa mga istrikto at pangit ang ugali na mga amo pero pagdating dito kay Attorney Jadraque ay iba ang dulot niyang sindak sa akin. Kahit titigan niya lang ako at wala siyang sabihin ay hindi na magkamayaw sa pagkaligalig ang loob ko. “Well, if you say so.” Walang emosyon na anito at nang ibinalik ko ang tingin sa kanya ay ang malapad na likod na lang niya ang napagmasdan ko. “Bumalik ka na sa loob at gawin ang trabaho mo. At kapag wala ako rito, huwag kang magpapapasok ng kung sinu-sino. If somebody will look for me, sabihin mong sa opisina nila ako sadyain at hindi rito sa bahay ko.” Utos nito at may napuna akong pagbabago sa tono niya. Parang may galit na roon. “Hindi pala type ha. Tsk.” Napakurap-kurap ako at naipilig ang ulo. Tama ba ang narinig ko? Aburido ba siya dahil sinabi kong hindi ko siya type? Nagpakawala ako ng hininga nang mawala sa paningin ko si Attorney at ang may kalumaan niyang Sedan. Okay na okay naman si Attorney kaya lang hindi ko talaga type ang mas matured na lalaki. Iyong type ko ay iyong kagaya ni Harris Palma. Atsaka hindi ko maaaring hayaan na may mamagitang awkward na atmosphere sa amin ni Attorney dahil hindi ko pa tiyak kung hanggang kailan ako mamamasukang katulong dito sa bahay niya. Bumalik na ako sa loob ng bahay at napagpasyahan kong simulan ang trabaho sa paglilinis ng mga silid sa itaas. Uunahin ko sana iyong pinakadulo pero naka-locked. Paano ko lilinisin iyon kung nakasarado? Tsk. Ano ang mayroon sa silid na ito at isinarado? Hindi bale na nga. Kaysa mag-overthink ako ay lumipat na ako sa kasunod na kuwarto. Tamang walis at punas ang ginawa ko. Bukas ko na siguro papalitan ng bedsheets at kurtina ang mga silid. Ipapaalam ko muna sa may-ari ng bahay. Sinunod ko iyong silid na tinulugan ko kagabi. Wala pa akong ideya kung kaninong kuwarto ito pero natitiyak kong babae ang umuukupa rito. Ibig sabihin ay may kasamang babae si Attorney sa bahay na ito. Kung sino ay malalaman ko mamaya pag-uwi ni Attorney Jadraque. Ang huling silid na napasukan ko ay napagtanto kong kay Attorney Jadraque. Nasabi kong kanya ito dahil naiwan pa rito sa loob ang amoy ng mamahalin niyang pabango. Mas tumagal ang paglilinis ko rito sa silid niya. Binagalan ko kasi ang kilos ko kasi nagustuhan ko ang vibes dito sa kuwarto niya. May curiousity na ring kasama. Tapos nang palabas na ako ay natangay ako sa bulong ng isang parte ng isip ko. Pinakialaman ko ang closet ni Attorney! Ano, humiran lang ako ng t-shirt at nakiligo na rin ako sa banyo niya. Sinamantala ko na at pati boxer shorts niya ay kumuha rin ako ng isa. Lahat ng suot kong galing sa closet ng lalaki ay kulay admiral blue. Mukhang favorite niya ang kulay na ito. Nang presko na ang pakiramdam ko ay bumalik na ako sa kusina para naman makapagluto. Dito tiyak manananghalian si Attorney kasi uuwi raw siya after twelve. Bulalo ang ihahanda ko tutal ay kompleto naman ang mga sangkap. Nasa lababo ako at naghuhugas ng karne ng baka nang marinig ko ang alarm mula sa doorbell. Nang tingnan ko ang nasa labas ay nagulat akong si Mama iyon kasama ang kapatid kong si Jennyrose. “Ma?” Halos takbuhin ko ang gate para papasukin sila. Ngunit ang hindi ko napaghandaan ay ang malakas na sampal na isinalubong sa akin ni Mama. Halos mabingi ako roon dahil pati ang tainga ko’y natamaan niya rin. Awang ang bibig kong napatanong habang hawak ko ang nasaktang pisngi. “M—ma, bakit?” “Ano ang kapalpakang ginawa mo at gusto akong makausap ni Attorney? Bakit sinabi niyang gusto ka niyang panagutan? Ano ang ginawa mo, babae? Ano?!” Hindi pa man ako nakakabuwelo para sana magsalita ay isang sampal na naman ay pinakawalan ni Mama na hindi ko nailagan. “Nilandi niyan si Attorney Osiris panigurado, Ma,” sabat ni Jennyrose na puno ng panghuhusga ang mga mata. “Hindi kasi kayo naniniwala sa akin na p****k ang trabaho niyan sa Maynila. Sa club iyan nagtatrabaho, Ma at I'm sure kaliwa’t kanan ang lalaking gumagamit diyan at nagbabayad sa kanya kaya nakapag-aral sa sikat na University sa Maynila.” “Hindi iyan t—totoo, Rose.” Salungat ko at napahikbi. Mas masakit pa ang katagang sinabi ng kapatid ko kaysa sa sampal na natanggap ko mula kay Mama. “Ni minsan ay hindi ko ipinagamit sa kung sinu-sinong lalaki ang katawan ko para kumita. Oo at nagtrabaho ako sa isang club sa Maynila ng matagal pero ni minsan ay walang gumalaw sa akin. Hindi totoo iyang nalalaman mo, Rose. Hindi ako bayarang babae. Hindi!” Pagalit kong sabi kay Jennyrose na nakababata kong kapatid ngunit ni minsan ay hindi ako nakuhang irespeto. Hinablot ni Mama ang buhok ko kaya napadaing ako sa sakit. “Huwag mong sisigawan ang kapatid mo!” bulyaw sa akin ni Mama. “Totoo namang malandi iyang panganay mo, Ma. Magmamalinis pa e maruming babae naman talaga. Tignan mo nga ang suot niyan, damit ng lalaki. Kay Attorney siguro iyan. Diyos ko! Kay bagu-bago lang na namasukan pero kinalantari kaagad ang amo. Kaya nasabi ni Attorney na pananagutan niya iyan kasi bumukaka iyan kay Attorney. Halata namang ubod ng landi.” Walang prenong akusasyon ni Jennyrose na humihiwa sa puso ko. “Ma, please. Makinig ho kayo sa akin. Hindi totoo—” Napaiyak ako dahil pinagsasampal na ako ni Mama. Hinahampas pa niya ang braso ko at kung saan-saan na tumatama ang palad niya. “Walanghiya kang bata ka! Ipinahiya mo kami kay Attorney Osiris, Jhen! Sinabi ko pa naman sa kanyang isa kang ulirang anak at mabait. Lahat ng magagandang bagay at katangian mo ay ipinagyabang ko pa sa kanya pero ano itong ginawa mo, nagpagalaw ka sa kanya! Wala kang delicadeza, Jhen! Nang dahil sa kakatihan mo ay maaari pang madamay ang malinis na pangalan ni Attorney sa bayang ito!” Naiiyak na salita ni Mama habang patuloy akong sinasaktan. “Ma, maniwala naman ho kayo sa akin. W—wala hong nangyari sa amin. Please, Ma...” pagmamakaawa ko habang humahagulgol. Ang magulong tagpo namin ay napatigil dahil sa malakas na bosena mula sa isang sasakyan. Sabay-sabay kaming natigilan at napalingon sa old Sedan na papasok sa gate. Nagmamadaling bumaba roon si Attorney Jadraque ngunit hindi ko makuhang salubingin ang tingin nito dahil nanlalabo ang paningin ko gawa ng luha. “Damn it, Nanda! Bakit mo sinasaktan si Jhen? Goddammit!” A/N: Tatapusin ko lang po ang MY HUSBAND'S STEPFATHER HAS A SECRET para makapag-update na po ako rito ng sunud-sunod. ;) Maraming salamat po sa mga nag-aabang.❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD