CRUSH

1360 Words
CHAPTER 2 Kapag wala si Althea sa tabi niya, pakiramdam niya at iniisip niyang kaya naman niya kausapin pero kapag nandiyan na sa tabi niya ni hindi niya ito kayang lingunin man lang. Natatameme siya kapag nagtatanong si Althea nang tungkol sa kanilang assignment. Nauunahan kasi siya ng hiya at hindi niya maisalubong ang kaniyang mga mata. Kapag may tinatanong siya ay nawawala siya sa kanyang sarili. Nahihirapan siyang mag-focus sa tanong niya. Natatameme at natataranta. Samantalang kung iyong ibang babae na nagkakagusto sa kanya ang lumalapit at nakikipag-usap ay parang napakasarap lang para sa kanya na biruin at sakyan nang sakyan. Torpe siya pero hindi sa lahat. Sa babaeng gusto lang niyang torpe. Kay Althea lang siya bukod tanging kinakabahan. Kainaman lang at gwapo siya kaya naman kahit hindi siya manligaw, paniguradong babae na mismo ang aali-aligid sa kanya. Hindi man maayos ang pananamit niya pero may likas siyang kaguwapuhang pansinin isama pa ang kanyang angking talino. “Nath, do you know how to play basketball?” biglang tanong ni Althea isang umaga. Taglish siya magsalita. May konting accent. “Basketball? Oo. Naglalaro naman ako, bakit?” tarantang sagot ni Nathan. “That’s good to hear.” Napangiti si Althea. Nakita niya ang hindi mapakaling mga mata ni Nathan ang pagkataranta nito. Lumabas ang mga dimples niya sa pisngi. Napansin agad ni Nathan ang napakaputi at pantay na ngipin ng dalaga. Lalong lumabas ang kanyang kagandahan. “Yung tito kong teacher dito na coach, he’s looking for an additional player? You have the height and body na alam kong pwedeng-pwede sa binubuo niyang team. I will be your muse kasi. So, ano? Ipapa-enlist kita for the tryout?” “Marunong ako pero hindi ako magaling, baka kasi…” “Don’t worry you will be trained. Malay mo, ikaw pa pala ang pinakamagaling sa team. Just try.” “Sige. Susubukan ko na lang.” “That’s good to hear. Sasabihan ko si Tito na subukan ka ha?” “Sige. Salamat.” “What about writing? You might also be interested being part of a new batch of writers. Ang alam ko marunong kang magsulat, hindi ba?” “Magsulat? Lahat naman tayo marunong magsulat hindi ba? Grade 7 na tayo, magbasa ka simple na lang, magsulat pa kaya?” “You know, you are funny!” “Funny? Paano ako naging funny?” “Basta, gusto ko yung maang-maangan mo. Nathan, writing poem, stories, news hindi yung pagsusulat ng pangalan o pangongopya sa blackboard ang sinasabi ko.” “Ah, okey. Sorry.” “So ano? Di ba you know naman how to write short stories, poems, news, feature, those stuff you know…” “Ah okey, hmmm siguro, marunong naman konti. Bakit?” “Why don’t you try also?” “Try uli? Hindi pa nga tapos sa basketball kanina?” “Kasama ako ro’n. Makakasama mo ako sa school paper. Ayaw mo ba?” Napalunok si Nathan. Iyon ang matagal na niyang gustung mangyari. Ang sana lagi silang magkasama ni Althea. Yung sana maging close silang dalawa. Kahit hind maging sila, magkaibigan man lang, okey na sa kanya. “Gusto kita…” nanlaki ang mga mata ni Althea. “Gusto mo ako?” “Oo ay hindi.” Napakamot siya, “Sorry, ibig kong sabihin, gusto kitang kasama.” “Okey. Sige. Basta sa basketball and school publication ha? Dapat mag-try ka both. Oh paano, sasabihin ko na sa mga editors na you are willing at sa basketball.” “Bakit ako? Bakit gusto mo akong makasama?” hindi niya alam kung saan galing ang lakas ng loob niyang tanungin iyon kay Althea. Sa utak lang sana niya iyon. Ngayon, dahil sa tanong niyang iyon, napansin niyang namula ang maputing mukha ni Althea. “Bakit naman hindi? Mahusay ka kaya, saka minsan nababasa ko ang mga sinusulat mo sa notebook mo kapag bored ka sa teacher natin sa Araling Panlipunan. I tell you, kayang-kaya mo ‘to. You have the talent. Yung gusto kitang kasama, ayaw mo ba?” “Nababasa mo ang mga sinusulat ko sa notebook ko?” sinadya niyang hindi na lang sagutin yung sa tungkol sa pinagbabatuhan nilang tanong kung bakit gusto nila ang isa’t isang makasama. “Oo, panakaw nga lang.” ngumiti ang dalagita. Nakita na naman ni Nathan ang dimples ni Althea. “Ano, game na?” “Sige, susubukan ko lang din uli.” “I like your openness to join and your cuteness too” “Cuteness?” “Yes. You are cute kaya. Nakakatuwa yung pagkamahiyain mo. Bye! See you later!” Tinapik siya ni Althea sa balikat. Hinawakan niya ang balikat niyang tinapik ni Althea. Hindi niya ma-explain yung nararamdaman niya. Dahil sa pakiusap ni Althea ay pumayag si Nathan. Gustung-gusto rin kasi niya kahit paano ang magkaroon ng extra-curricular at hindi lang natuon sa pag-aaral ang kanyang buhay sekundarya. Pero higit na nakapagpapayag sa kanya ay ang makasama niya lagi si Althea. Pagkakakaton na kasi iyon na maging close sila, bakit pa hindi niya susunggaban? Naging matagumpay naman ang pagsali ni Nathan sa school paper pagkatapos nilang mabasa ang ilan sa mga nasulat na niyang tula at maikling kuwento sa kanyang notebook. Napabilib ni Nathan lahat ng mga nasa senior year na editors. Ang ilan, naguwapuhan. Kahit hindi na binasa ang ginawa niya, tinanggap na agad nila ito pagpasok pa lang niya sa office nila. Dahil doon, naging isa siya sa mga writers ng school paper kasama si Althea na Feature Editor. Pati sa tryout niya sa basketball, tanggap rin siya. Bakit hindi? Sinamahan siya ni Althea at nagpakitang gilas din siya. Ayaw niyang mapahiya si Althea lalo pa’t siya ang nagrekomenda sa kanya. Nagustuhan naman ng coach ang laro niya. Ilang araw pagkatapos niyang natanggap sa school paper at sa team ng basketball ay si Althea na ang kusang lumalapit sa kanya. Madalas na silang nagkukuwentuhan. Mabuti na lang at iniiwasan ni Althea na magbanggit ng alam niyang mga bagay na maaring hindi alam ni Nathan. Doon siya nagfo-focus sa mga simpleng bagay na alam niyang may masabi si Nathan. Ramdam ni Nathan na nag-adjust si Althea para sa kanya bagay na lalo niyang nagustuhan sa sa dalagita. Mula noon, mas nagiging close na sila at kasabay na rin no’n ang pagkaramdam ni Nathan ng malaking pagbabago. Dahil kay Althea, natutunan na siyang humingi sa mga magulang niya ng mas malaking allowance. Ipinaglalaban na niya ang kanyang gusto. Natuto na siyang makipagtigsan maibili lang siya ng mga sa tingin niya, kailangan niya para naman umangat o hindi siya mapahiya sa kanyang mga kaklase. Nakaramdam naman ng awa ang Nanang at Tatang niya sa husay ng kanyang pagda-drama kaya sa araw ng Sabado, sinamahan siya ng Nanang niyang pumunta ng Mall sa Tuguegarao para bilhin lahat ang gusto niyang bilhin para hindi na siya maliitin ng kanyang mga kaklase sa private school na pinapasukan niya. Salamat sa dalawang ate niya na nakabakasyon pa noon na sa Manila nag-aaral. Tinulungan siyang mag-shopping at sila na rin ang nagpaliwanag sa mga magulang nila na hindi na bata pa si Nathan. Mag-isa nilang anak na lalaki ito. Hindi na ito elementary na nag-aaral lang sa kanilang baryo. Kailangan na niyang mag-ayos. Kailangan na rin niyang makipagsabayan sa mga kaklase niya. Mabuti lang talaga at hindi naging sarado ang utak ng kanyang mga magulang sa ipinaglaban niyang iyon. Pagod na kasi siyang pumasok na luma ang sapatos o kaya sa tuwing free day nila, wala siyang mapiling damit na maisusuot dahil wala naman talaga siyang pamimilian kundi ang mga luma pa niyang bitin nang pantalon at mga luma niyang t-shirt na sa palengke lang nila binibili ng Nanang niya. Isa pa sa dahilan kung bakit bigla na lang din gusto ni Nathan ang pumorma, nakakaramdam kasi siya ng panliliit kapag magkasama sila ni Althea. Lagi siyang nahihiya, naipagkukumpara ang hitsura niya, ang mga suot niya sa makabagong pormahan ng dalagita. Hindi man diretsahang sinasabi ni Althea pero parang hinihimok siyang pumorma. Magbago ng bihis. Basa niya iyon sa mga linyahan ng dalaga. Ano kaya ang sasabihin ng mga kaklase niya at si Althea pagpasok niya sa bagong siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD