CHAPTER 3
Naninibago na rin si Nathan sa mga ikinikilos niya sa mga nagdaang araw. May mga pagbabago sa pangangatawan niya na hindi niya maintindihan. Pati ang boses niya iba na rin. Madalas ring makati ang palibot ng kanyang ari. Nang una hindi niya iyon pinapansin, kamot lang siya nang kamot hanggang sa nang tinignan niyang mabuti ay may nakita niyang tumutubong buhok. Pubic hair? Pubic hair nga! Ibig sabihin, binata na talaga siya. Kaya pala iba na talaga ang nararamdaman niya kay Althea. Hindi na lang iyon pagka-crush lang. Mahal na niya yata si Althea.
Dahil Intramurals nila sa umagang iyon at may mga bago na siyang pamporma na damit at sapatos kaya excited siyang makita si Althea. Isa pa ay hindi na siya maglalakad pang pumasok. Paniguradong mabibigla ang lahat sa kanilang school. Gugulatin niya silang lahat sa araw na iyon. Sinabon niya ang buo niyang katawan. Nahagip niya na naman ang maselang bahaging iyon. Bigla na naman siyang tinigasan. Hindi paawat ang tigas ng kanyag alaga. Pero hindi siya bibigay. Hindi siya magpapaputok sa umagang iyon. May laro siya mamaya ng basketball. Dapat kondisyon siya. Dapat malakas.
Pagkatapos niyang maligo ay kaagad na siyang naghanap ng maisusuot niya. Marami silang nabili ng mga ate niya at lahat ng mga iyon gusto niya. Pero ngayon na nasa harap na siya ng kanyang damitan ay hindi na niya alam kung anong pipiliin. Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi naman siya ganito dati?
White shirt? Naisip niyang para lang ordinary day. Parang uniform lang.
Tapon sa kama.
Red polo...yellow shirt...masyadong pansinin... hindi bagay sa kulay niyang moreno.
Hagis sa kama.
Black polo, purple longsleeve... lalong hindi na siya makita. Baka isipin nila aatend pa siya ng lamay.
Balik sa pinagkunan.
Stripe? Checkered? Green shirt?
Anong nangyayari sa kanya? Bakit ang hirap niyang pumili ng maisusuot?
Blue polo shirt... puwede na siguro 'to.
Sinipat niya ang kabuuan sa salamin. Payat pa talaga ang pangangatawan niya kahit may konting muscles na. Gusto niya sana yung malaki ang biceps at triceps at may abs. Nakaramdam tuloy ng inggit sa katawan ng mga nasa social media. Kinaiinggitan niya ang mga hubad na lalaking naroon. Yung may bakat na matigas na dibdib. Mag-gym kaya siya? Pero baka pagtawan lang siya ng tatang niya. Sabihing mag-araro na lang siya sa bukid kaysa ang nagbubuhat ng mga bakal na wala namang silbi. Sana ganu'n kalaki ang katawan niya kagaya nang mga artista. Sana kasing-husay niyang pumorma ang mga nakikita niya sa TV. Sana makuha niya ang ayos at pagkaangas ng buhok nila.
Buhok. Ano bang bagay na suklay ng buhok niya. Patayo, patagilid, may bangs, patalikod? Lahat na sinubukan niya. Hanggang sa inis na siya sa kasusuklay ay ginulo niya na lang muli. Aba! Mukhang okey ah. Okey nga. Astig. Inayos na lang niya ang gilid at hinayaang nakatayo ang bahaging gitna. Bagay sa mukha niya ang patayong buhok.
Inilapit niya ang mukha niya sa salamin. Binasa niya ang kanyang labi. Morenong gwapo. Yung pagka-brown ng mga mata niya ang lalong nagpapaguwapo sa kanya. Matangos kasi ang ilong niya at kahit moreno, mamula-mula rin naman ang kanyang labi.
“Pucha! Ano 'tong nasa noo kong maliit na... pimples ba 'to? Bakit meron ako ne'to? Bad trip naman oh,” bulong niya sa sarili. Huminga siya nang malalim. Sabi kasi ng ate niya, kapag may pimples siya, huwag niyang galawin. Huwag niyang tirisin para hindi raw manganak. Babae ba ang pimples? Nagbubuntis?
Nang ibalik niya ang suklay sa lagayan nito ay nakita niya ang baby powder. Kumuha siya ng panyo saka niya nilagyan ng kaunting face powder. Maayos niyang binalot ang polbo sa kanyang panyo. Mainam nang may mailagay siya sa mukha niya kapag pinagpawisan siya mamaya pagkatapos ng laban niya ng basketball. Kahit paano ay maging fresh man lang siya sa harap ni Althea.
“Tama ba 'tong ginagawa ko?” tanong niya sa sarili. “Hindi naman ako ganito noon? Anong nangyayari sa akin? Bakit may pagbabagong ganito?”
Muli niyang pinagmasdan ang kabuuan pagkasuot niya ng kanyang bagong sapatos. Ibang Nathan na ang nakikita niya sa salamin. Malayo sa Nathan nang mga nakaraang araw. Hindi na nga niya makilala ang Nathan ngayon na nakikita niya. Ibang-iba. Malayong-malayo sa dating siya. Tinignan niya ang oras sa baro ring relo niya.
“Tang-ina! Male-late na ako sa laro kung hindi pa ako aalis.”
Tinungo niya ang pintuan ng kuwarto niya. Palabas na siya nang may naalala siya.
“Putcha! Kailangan ko palang magpabango. Mahirap nang maamoy akong amoy pawis mamaya. Iba pa rin yung kahit pinagpawisan, amoy mabango pa rin. Nakakahiya naman kay Althea.”
Bumalik siya at halos ipanligo na niya ang pinag-awayan pa nila ng ate niyang pabango. Dati naman wala siyang pakialam sa kung ano ang maamoy nila sa kanya, ngayon lang siya naging conscious sa kung ano ang amoy at hitsura niya.
Nakakapanibago.
Pero binata na nga siya.
Paglabas niya ay natigilan ang noon ay nagwawalis nilang kasambahay. Hindi siya makapaniwala sa nakita niyang hitsura ni Nathan.
“Kasla ka la artista ta lang-langam ah!” (Para kang artista sa ayos mo ngayon ah)
“Nagadu la ket nga ammo mun!” (Andami mong alam) sagot niyang tumatawa.
May sinasabi pa ang kasambahay nila pero hindi na lang niya pinansin. Kahit ang mga trabahador nila sa bukid na sa kanila nakatira ay napatingin sa kanya. Mga lalaki na ang mga iyon pero nakita pa niyang napogian sila sa kanya. May mga banat pa ang mga ito at ikinukumpara siya kay Coco Martin.
Pati ang Nanang niya at Tatang niyang nagtatalo sa bilang ng kanilang inani ay napatigil. Nagkatinginan ang mga ito nang sumakay na siya sa bago niyang motor na regalo ng Tatang niya sa kanya.
“Ikaw na ba ‘yan, nak?”
“Bakit Nang, may iba pa kayong anak?” sagot niya.
“Ang gwapo mo pala?”
“Bakit? Ngayon lang ba ninyo alam? Kung sana noon pa ninyo ako pinaporma, matagal n asana ninyong nadiskubre.”
Hindi nagsasalita ang Tatang niyang nakatingin sa kanya pero bakas sa mukha nito ang paghanga sa kagwapuhan ng anak. Alam naman niya na mana ito sa kaguwapuhan sa kanya pero hindi niya na kapag nakaayos pala ang anak ay lalong mas naging artistahin ito.
“Mag-ingat ka sa pagmo-motor, Nathan ha? Hindi ko binili ‘yan pangkarera. Binili ko iyan para hindi ka naglalakad at maaga kang makapasok at maaga ka ring makauwi sa bahay para mas madami kang maitulong dito.”
“Opo Tang,” sagot niya. Kahit kailan talaga ang Tatang niya, panira.
“Mag-helmet ka!” sigaw ng Tatang niya.
Bumaba siya. Kinuha niya ang helmet na hawak ng Tatang niya.
Nang makalapit siya sa Tatang niya at kunin ang helmet ay tinapik niya ang balikat ng anak.
“Gwapo natin ‘nak ah! Parang ikaw lang ako nang kabataan ko.”
“Sus! Huwag ka ngang ganyan Cardo. Malayong mas gwapo ang anak natin!” bwelta nang Nanang niya.
“Nagustuhan mo ba namana ko kung hindi ako ganyang kaguwapo no’n. Pasalamat ka nga at ikaw ang pinili ko sa dami nang nagkakandarapa noon sa akin. Kung di ka nagpabuntis, baka hindi ikaw ang inasawa ko.”
Alam niyang simula na naman iyon ng pagtatalo ng mga mga magulang niya. Kinuha na niya agad ang helmet at sinakyan ang motor niya. Kumaway siya sa mga magulang niyang nagtatalo. Gustung-gusto kasing asarin ng Tatang niya ang Nanang niya at ang Nanang naman niya, pikon lagi pero alam niya at ramdam niyang mahal nila ang isa’t isa. Pagmamahalan at relasyong gusto niyang magkaroon din siya balang araw.
Sa daan, panay ang tingin sa kanya ng mga nadadaanan niyang mga tao at mga istudiyante. Pero dahil naka-helmet. Hindi siya nakikilala. Hangang sa nakasabayan pa niya si Althea. Pinauna na lang niya ito dahil baka bumangga siya sa nerbiyos lalo pa’t napaka-sexy ni Althea sa suot niya. Pang-muse nga talaga.
Pagdating niya sa kanilang school, dahil nabibilang lang sa kamay ang may motor na dala ay agad na pinagtinginan siya ng mga mag-aaral. Kasama na ang kabababa lang noon na si Althea. Ipinarking niya ang motor niya sa tabi ng motor ni Althea. Nilingon niya ang lahat habang suot niya ang kanyang helmet. Tama nakatingin ang lahat sa kanya. Dahan-dahan niyang tinanggal ang helmet niya. Nang makita ng mga babae ang bagong bihis at napakagwapong si Nathan ay kinilig sila. Pati ang mga lalaki, naastigan sa kanya.
Si Althea nang mga sandaling iyon ay napanganga. Hindi niya akalain na may igu-gwapo pa pala si Nathan na noong una palang niyang nakita, nagkagusto na siya. Paano pa ngayon na upgraded nang Nathan ang nasa harapan niya?