Excited ang kambal sa araw na ito. For the first time di sila nagreklamo na parehas ang suot nila. Today is their school family day. Tuwang-tuwa sila dahil ka-terno ko din ang damit nila. Yellow t-shirt lang naman ang suot namin na pinaresan ng jogging pants na kulay dark Blue. "Ready na kayo?" tanong ko sa kanila. "Ma'am, yes, ma'am." sagot nila at sumaludo pa talaga na akala mo nasa isang military training. Natawa na lang ako at inaya silang lumabas na sa silid namin. Lumabas na kami at pumunta sa kusina upang mag breakfast. May nakahanda ng pagkain sa mesa. May sunny-side up eggs, longganesa, bacon at garlic fried rice na paborito ng kambal. May tig-isang gatas din sila at kape para sa amin. Maganang kumain ang kambal dahil lahat ng nandito ay paborito nilang kainin ay nas