Nagpasalamat ako sa guard na tumulong sa akin sa pag tulak ng cart na may lamang mga bagahe ko. Binigyan ko siya ng tip bilang pasasalamat sa pag assist niya sa akin. Matapos ay napabuntong hininga akong bumaling kina nanay Rosa, Jerod, at Allen na may pagtataka akong nakikita sa mga mukha nila. "Anong ibig sabihin nito, ate?" tanong ni Allen sa akin. "Bakit may dala kang bata? At dalawa pa talaga?" dagdag na tanong ni Jerod. Di ko muna sila pinansin at bumaling ako kay nanay para nagmano. "Mano po, nay." sabi ko sa kanya sabay abot ng kamay niya upang makamano. Kahit nakikita ko sa mukha niya ang kalituan ay hinayaan niya akong magmano sa kanya. "Sino sila, anak?" kalaunan ay tanong ni nanay sa akin. "Pwede po bang sa bahay ko nalang ipaliwanag kung sino sila?" nagsimula n