Sakay ako ng eroplano pabalik ng Pilipinas. Gusto kong magsaya dahil sa wakas makakauwi na ako ng Pilipinas. Ngunit mas nanaig sa akin ang kaba. Kaba dahil di ko alam kung anong magiging reaksyon ng pamilya ko sa maagang pag-uwi ko at may tangay pa akong malaking responsibilidad. Ang inasahang kong mahigit isang buwan pa ako sa Jordan ay naging dalawang linggo na lang. Napatingin sa mga katabi ko ng gumalaw ito. Senyales na silay nagigising na. Nasa himpapawid pa ang eroplano kaya safe pa kung kalasin ang seat belt ko. Kinuha ko si Daniel at kinalong. Yes, sa aking pag-uwi ay kasama ko ang kambal. May permiso ito kay sir Blaze kaya mabilis na lang sa kanila ang pag-asikaso ng lahat, lalo na at marami itong connection. Pinaasikaso niya ito kay Mr. John na kanang kamay niya. Naalala ko ang