Jernibabe POV Saktong pagdating ko sa classroom ng kambal ang s'yang labas nila. Kaya di na ako naghintay pa ng matagal. Nang makita nila ako ay nakangiti ko silang sinalubong. "Mama." salubong nila sa akin. Nakangiti ko naman silang niyakap. "Kumusta ang school?" tanong ko sa kanila. "Okay naman po, mama." sagot ni Daniel sa akin. "Talaga? Nag verygood ba kayo kay teacher?" tanong ko pa. "Syempre, mama. Kami pa ba?" sagot ni Daniel na tunog nagyayabang. "Asus, nagyayabang pa to, oh." biro ko sa kanya. Tumawa lang ito sa akin. Napatingin naman ako kay Lucian na parang my tiningnan sa likod ko. "May hinahanap ka, anak?" tanong ko kay Lucian. "Si papa po?" tanong niya sa akin. Napangiti naman ako. "Ah, nasa sasakyan, anak. Lika na kayo naghihintay na ang papa nyo. " ay