Jernibabe POV Kumaway ako habang papaalis na ang sasakyan nila Blaze at napa buntong hininga ako ng wala na sila sa paningin ko. Ang totoo kinakabahan talaga ako kanina pa, simula ng makita ko ulit si sir Blaze. Akala ko, mahihirapan pa akong hanapin siya ngunit siya na mismo ang nagpapakita sa akin. Akala ko, handa na akong mawala ang mga bata sa akin ngunit ng banggitin niya na kukunin niya ang mga bata ay parang kumirot ang puso ko. For six years, nasa akin ang mga bata. Napamahal na sila sa akin. Itinuring ko na silang mga anak ko kahit hindi sila mula sa akin. Sa kanila lang umikot ang buhay ko sa loob ng anim na taon. To the point na nakakalimutan ko na pati sarili kong kaligayahan. "Ate, hoi." kinalabit ako ni Tina. Na s'yang bantay ng tindahan namin. "Bakit?" tanong ko sa