Hindi mapakali si Sophie habang naka-upo sa shotgun seat ng pick-up ni Rob. It's been almost a week since they've last seen each other. Ni wala nga ito noong na-discharge siya sa ospital e. Gusto niyang magtampo, kaya lang ideya naman niya 'yon. Ideya niya na layuan nila ang isa't-isa kahit na mahirap para sa kanya.
Aside from the fact that Rob is torn between her and Rachel, she thought that if she won't see Rob, she could teach herself to forget about what she felt for him. Also, distancing from him would shield herself from more heartaches. Well, that's what she thought. Mahirap pala. She'd missed him everyday and resisting not to text him was a struggle.
Rob is a habit she can't shake off. And she's not sure if she'll ever do so in the future.
Akala nga niya hindi na ito magpaparamdam sa kanya kaso heto sila ngayon patungo sa kung saan kahit na hindi pa pumuputok ang araw. Hindi niya alam kung paano siya nito nakumbinsi na lumabas nang gano'n kaaga. But then again her heart surrenders easily to Rob. One look from him, and she's goner.
Kaya heto siya ngayon, tahimik subalit hindi mapakali habang hinihintay kung saan talaga ang destinasyon nilang dalawa.
Ilang sandali pa, huminto sila sa gitna ng isang bakanteng lote na nasa mataas na bahagi ng undeveloped area sa Rizal. Mula roon ay tanaw ang noo'y nagkikisalapan pang ilaw mula sa Maynila. Napangiti siya bago bumaba ng sasakyan. The view was simply breathtaking.
Nagsalubong ang mga kilay niya nang may makita siyang malaking signage sa isang bahagi ng lote.
Private Property. No Trespassing.
"Rob," tawag niya rito bago inginuso ang signage.
"I'm sure the owner won't mind. Sandali lang naman tayo e," anito bago siya iginiya paupo sa hood ng pick-up nito.
Inilibot niya ang tingin. Mangilan-ngilan pa lang ang bahay sa lugar. But all were very grandiose in design. Halatang may sinasabi ang mga may-ari. The place maybe a part of an upscale subdivision, she thought.
Muli niyang tinapunan ng tingin si Rob. He was looking up and staring at the still dark sky, unknowing of how he was causing the still yet intense havoc in her system.
Napangiti siya, mapait. And no matter how hard she denies, she missed him. Will always miss him, even for the days ahead that they would spend more and more apart from each other.
Naalala niya ang pangako niya rito na kapag na-in love siya ay ito ang unang makakaalam. How could she tell him that she has been in-love with him for years?
Now that's a secret worth-keeping, she thought and smiled drily.
Bumaling ito sa kanya. "Bakit? May dumi ba sa mukha ko?," untag nito sa kanya.
Agad siyang umiwas ng tingin. Lihim niyang pinagalitan ang sarili dahil nabuko siyang nakatitig dito.
"H-ha? A... ano... ano, naisip ko lang kung anong gagawin n-natin dito?" alanganin niyang sagot.
"You'll see," anito bago muling tumanaw sa malayo. Maya-maya pa, hinawakan nito ang kamay niya bago, "Here it goes. Look!"
Itinuro nito sa kanya ang bahagi kung saan papasikat ang araw. She held her breath and sat there amazed as the beauty of nature unfolds right before her eyes. Kusa siyang napapikit nang maramdaman ang pagdampi ng pang-umagang araw sa kanyang mukha. Muli, binabati siya ng isang magandang umaga.
Rob gently squeezed her hand. She turned her eyes on him.
"I've never seen such a beautiful sunrise," bulong niya, nakangiti.
Alanganin itong ngumiti, tumungo bago pinakawalan ang kamay niya. After that, he looked confused and uneasy.
"Rob, are you okay?" hindi na niya natiis na tanong.
Marahan itong umiling. "Recently, I've been thinking about my life. And how I take time, love and my relationships for granted." umpisa nito. "And everytime I think of all the relationships I had that didn't work, I'm convinced that I'm a real jerk and an asshole."
Napangiti ito. Bahagya naman siyang natawa.
"I don't know why my relationships just won't work. But then again, most women I've been with, came to me for play. I pursued none of them and so when they'd dump me, I'm fine with it. I'll just go looking for another woman who'd be willing to play with me and do the same mistakes I did over and over again. Which does not make sense at all. Because I have such a high respect for my mother." Bumaling ito sa kanya. "Lalo na sa 'yo."
She smiled. "What's this Rob? A playboy's remorse?"
He chuckled. "You can say that. But there's more to it than just that. I guess, I'm at the turning point of my life,Sophie.
Nagsalubong ang kilay niya. "Turning point?"
Tumango ito. Isinuksok ang mga kamay sa bulsa ng faded jeans nito at naglabas ng itim na kahita. Binuksan nito iyon sa harap niya. Laman ng box ang isang princess-cut sapphire platinum ring na ang band ay napapalibutan ng maliliit na diamonds.
Pinigil niya ang mapasinghap bago ibinalik ang tingin dito.
"You would always tell me that I should settle down with someone I am in love with and the woman that would love me no matter what, and you're right. For the past days I've been thinking and asking myself. Even assessing my feelings. And now I'm sure." Kinuha nito mula sa kahita ang singsing. "Maganda ba?" tanong nito sa kanya.
Naguguluhan siyang tumango. Nang ngumiti ito, lalong kumabog ang dibdib niya. Does this mean, Rob realized something that involves... her? Ayaw niyang mag-assume pero papunta na talaga do'n ang isip niya at kahit anong gawin niya, hindi niya mapigilan.
His eyes twinkled with satisfaction and excitement. "Sa tingin mo magugustuhan 'to ni Rachel?"
Rachel? Natigilan siya, napakurap-kurap.
"I have decided to propose to Rachel," anito na hindi nawawala ang kislap sa mga mata.
Namanhid ang buong katawan niya. She felt like there's a knife twisting inside her chest that she found it hard to breath.
Seryoso ba ito?
"And I need your help," deklara nito.
"H-ha?"
Ngumiti ito. "I need you to help me. Ito ang unang pagkakataon na gagawin ko 'to kaya kailangan ko ng tulong mo." Mabilis nitong isinuklay ang kamay sa buhok nito. "Heck, I might even need you to rehearse!" excited na dugtong nito bago muling ibinaling sa singsing ang atensiyon nito.
Rehearse?
Mabilis na nagecho ang salitang 'yon sa utak niya. She bit he lip. Pilit niyang nilunok ang bikig sa kanyang lalamunan bago umiwas ng tingin. Masigla na sa pagbuhos ng ilaw ang araw. Masuyo na rin ang pagdampi ng pang-umagang hangin sa kanyang balat. Maayos ang umaga kung tutuusin. Kaya lang, bakit gano'n, pakiramdam niya ito na ang isa pinakamalungkot na araw ng buhay niya.
Of all people, sa akin ka pa talaga magre-rehearse? ngitngit ng puso niya. Napatingala siya nang wala sa oras.
Is this a punishment for falling in love with my bestfriend? Wala sa loob niyang tanong sa langit. She had been relatively good. She doesn't deserve this kind of pain.
"Sophie?" untag ni Rob sa kanya maya-maya.
Pilit niyang hinamig ang sarili. Tumikhim siya bago muling bumaling sa kaibigan. "B-bakit, nakapag-propose na ba ako sa babae dati at ako ang napili mong maging mentor?" aniya sa kaswal na tinig. Bumaba na siya sa hood ng sasakyan nito. Baka kasi kapag hindi niya ginawa 'yon, matadyakan niya ito baka sakaling mapaisip ito at magbago ng desisyon.
Sumunod ito. "C'mon, Sophie. You'd always ask me to stop playing and just settle down. At ngayon sigurado na 'ko, mahal ko si Rachel kaya pakakasalan ko siya. Kapag engaged na kami, I'm sure, hindi na rin 'yon gaanong magseselos sa 'yo. Then we can go back to being friends," seryosong sabi nito na ginagap pa ang kanyang mga kamay.
Friends. Oh how that word hurts!
Nanginig na ang labi niya. Nangilid na rin ang luha sa mga mata niya. Maiiyak na 'ata siyang talaga.
"So, ano? Tutulungan mo ba ako o hindi?" dugtong pa nito, nakangiti.
Funny how his happiness could shatter her like this. She swallowed the painful lump in her throat. And tried her damnest not to cry.
"O-okay. I'll h-help you." She faked a smile. "P-para namang kasing may choice ako," dugtong pa niya.
Lalong napangiti si Rob at agad napayakap sa kanya.
"I love you," usal nito.
"Y-you do?" Kumawala siya sa yakap nito at pinakatitigan itong mabuti.
"Of course! You're my best friend!" masayang sagot nito.
Muli itong yumakap sa kanya. Iyon na ang simula ng pagluluksa ng puso niya.