Chapter 11: The Proposal 2

2075 Words

"Okay ka lang?" tanong ni Raine kay Sophie. Hindi siya sumagot. Bagkus ay lalo niyang ibinuro ang bigat niya sa passenger's seat ng sasakyan ni Raine at pinagbutihan ang pagtanaw ng mga kaganapan sa loob ng isang mamahaling restaurant. Sa mga oras na iyon, tiyak na naganap na ang proposal ni Rob sa malditang girlfriend nito. Ang pangakong walang makakaalam ng lihim na damdamin niya para kay Rob ay hindi na niya matutupad pa. Sinabi na niyang lahat kay Raine ang katotohanan. Hindi ito nagsalita o nagalit man lang dahil sa kagagahan niya. Bagkus ay buong puso itong nakinig at pinatatag ang loob niya. Tinulungan pa nga siya nitong magtawag ng mga suppliers para sa proposal ni Rob. But of course, that did not happen nang hindi siya nito napapangaralan at natatalakan ng isang oras. Pero hinaya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD