Chapter 9: Bestfriends 2

1486 Words
"Bakit ka ba nagkasit?" tanong ni Raine sa kanya habang ipinagbabalat siya ng ponkan. Lukot ang mukha nito, nananantiya rin ang tingin. Napasandal siya sa headrest ng kama at bumaling sa bintana. Tatlong araw siyang nilagnat. Sa sobrang nerbiyos ni Yaya Isay, isinugod siya nito sa ospital nang madaling-araw. Ang unang akala nila ay may dengue siya buti na lamang at nag-negative siya sa dengue test. She had acute bronchitis. Napabayaan niya kasi ang ubo niya. Paano, sa nakalipas na linggo, nag-trabaho siya nang husto. Kahit nga 'yong mga TV guestings na hinihindian niya noon, tinanggap na rin niya. Ayaw niya kasing maburo sa bahay nila. Working is better than staying at home and think about Rob, that was her reason. Kaya lang, nasobrahan siya 'ata sa kaka-trabaho, kaya heto siya ngayon, may sakit. "Naku! Lumilipad na naman ang utak ng ale," napapapalatak na komento ni Raine. Taranta niyang ibinalik ang tingin sa kaibigan. "H-ha?" "Tingnan mo 'to, halos ma-dehydrate na ako ng kakasalita, kakawento ng kung anu-ano, sa hangin lang naman pala ako nakikipagusap," ani Raine, tikwas ang nguso. Napalabi na siya. "Sorry naman, nanghihina pa ang kagandahan ko e. Walang energy." Tinantanan nito ang ponkan na nasa basket of fruits na regalo ng kung sinumang admirer niya. Umayos ito ng upo mula sa kitchen table ng suite at hinarap siya. "E ano ba kasing pinaggagawa mo at nagkakaganyan ka? Baka naman love sick lang yan." She scoffed. Love sick? Is there such a thing? "Ni wala nga akong love life, kanino naman ako mala-love sick?" Nagkibit-balikat ito. "Aba, malay ko! Malay ko ba kung meron kang secret love. Lahat kaya ng artista gano'n. Mahilig sa secret relationships." "E hindi naman ako artista." "Kilala ka ng mga tao, naka-display ang mga pictures at billboards mo kung saan-saan, at higit sa lahat, kliyente kita. Ganon na rin 'yon. Isa kang certified na artista, Sophia Ysabelle." Napailing na lang siya sa kakulitan ng kaibigan. "Hay naku, bahala ka na nga kung ano'ng gusto mong isipin. Basta matinding ubo lang ang sakit ko na napabayaan kaya lumala!" Humugong ito, tumikwas ang nguso bago ibinalik ang atensiyon sa pagbabalat ng ponkan. "Oo na, sige na. Naniniwala na ako sa 'yo. Pero ito ang sagutin mo, bakit hindi ka pa kasi humanap ng boyfriend, e 'di sana boyfriend mo ang kasama mo ngayon imbes na ako." Nagsalubong ang kilay niya. "Bakit, nagrereklamo ka?" "Hindi naman sa nagrereklamo ako, Sophie. You're almost a sister to me and you know that. You're already 23 and very successful. I guess it's high time for you na pumasok sa isang seryosong relasyon." Tumaltak siya. "Wala ngang magkamali e." Bumaling ito sa kanya, nakanganga. "Anong wala? 'Yan na nga ang ebidensya o!" Tinuro nito ang receiving area ng hospital suite kung saan siya naka-confine, puno iyon ng mga bulaklak, balloons, at kung anu-ano pang egalo. "Three-fourths d'yan, hindi ko kakilala. 'Yon namang one-fourths, nakilala ko lang nang minsan." Rumolyo ang mata ni Raine. Hindi kumbinsido sa paliwanag niya. "Sus! Ang daming explanation! Ang sabihin mo talagang may hinihintay ka." Napairap na rin siya."E sino naman? Si Batman?" Then just like on cue, the door of the suite opened. It was Rob. He quickly entered the room. Humahangos itong lumapit sa kanya bago siya niyakap nang mahigpit. She gasped and gently closed her eyes. The warmth of his embrace was too comforting she wished it wouldn't end. Funny but she felt energized. She didn't know na may healing effect din pala ang yakap. Matagal sila sa ganoong ayos. Pagtikhim ng kung sino ang nagpahiwalay sa kanilang dalawa. Agad siyang nagmulat. Nanunudyong mukha ni Raine ang nabungaran niya. Kuntodo ngisi ito. "Inform ko lang kayo, nandito pa 'ko. Nagpaparamdam lang, in case you forgot," anito na noon ay nakatayo na sa gilid ng kama. She felt her cheeks heated up kaya yumuko na lang siya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na may sakit ka?" tanong ni Rob sa kanya maya-maya. Bakas sa mga mata nito ang pag-aalala. "W-wala. A-alam ko naman na... busy ka. Besides, sabi mo sa card ng bigay mong flowers, you're out of the country so-- " "Nagbigay ka ng flowers?" nakangising tanong ni Raine kay Rob, tunog nang-iintriga. Hindi sumagot si Rob, kumurap-kurap lang bago namulsa. Nang sumulyap ito sa kanya, sinamaan na niya ito ng tingin. Gumanti naman ito ng irap bago tumalikod at naglakad sa kitchen table. Pinulot nito ang bag nito bago muling humarap sa kanya. "O siya sige, mauna na 'ko. On-leave 'yong assistant ko kaya hindi ako puwedeng hindi pumasok sa shop. Basta't kapag may kailangan ka, tawagan mo lang ako, okay?" anito bago humakbang patungo sa pinto. Nasa pinto na ito nang magpaalam kay Rob. "O, Rob ikaw na ang bahala diyan sa girlfriend mo, ha?" "What?" sabay nilang sabi ni Rob. Raine rolled her eyes. "Girlfriend, as in babaeng kaibigan! Juskolerd ha? Punum-puno ng objection! Tutuloy na nga 'ko. Nakakaloka kayong dalawa!" anito, mabilisi pang kumaway bago tuluyang lumabas ng hospital suite. Matagal nang nakaalis si Raine ngunit nanatili silang tahimik ni Rob. The awkward slience made it more awkward for her to initiate a conversation. Which is odd because never in their years of friendship did they ever ran out of something to converse about. Raine was right. Once you cross that thin line of love and friendship, you can never really go back to the way things were. No matter how you try and no matter how you wish it would. Well, at least, that's true for her. She knew now things are changing between her and Rob. And she must ready her heart for more inevitable changes between them. Kapag kuwan'y umupo si Rob sa kama. Hinigit nito ang kamay niyang walang dextrose at marahan iyong pinisil. "I'm sorry," anito, nakatingin nang mataman sa kanya. "Mali ako nang hilingin ko sa iyo na mag-sorry ka kay Rachel. Tama ka, mainit ang dugo niya sa 'yo." Nanginig ang labi niya. Pilit niyang nilunok ang mga namuong bikig sa kanyang lalamunan. "She hates me Rob." Napabuntong-hininga ito, hinaplos ang pisngi niya. "Don't say that. Hindi lang siya siguro kumbinsido na magkaibigan lang tayo. Marami kasi siguro siyang nababalitaan tungkol sa mga past girlfriends ko, you know." Magkaibigan lang. Bestfriends. Kaibigang-matalik. Sa bibig na mismo nito nanggaling kung hanggang saan lamang ang kaya nitong ibigay sa kanya. Wala na pala talagang next level ang ugnayan nilang dalawa. Tumungo siya nang pakiramdam niya may kumamal sa kanyang puso at piniga iyon nang anong higpit. Nangilid na ang luha sa kanyang mga mata ngunit pilit niyang pinalis iyon. Hindi. Hindi siya iiyak. Kasalanan niya 'yon. Kasalanan na minahal niya si Rob, higit pa sa kayang ibigay nito sa kanya. Falling in love with your bestfriend. How pathetic could she be? Tumikhim siya at mabilis na hinamig ang sarili. Hindi dapat iniiyakan ang pagkakamali, itinatama. "S-siguro, dapat b-bawas-bawasan na natin ang magkita," aniya sa pinakaswal na tinig. Tumitig ito sa kanya, kunot ang noo. "Bakit?" "P-para hindi magduda si Rachel. Para hindi na kayo mag-away. Para maging maayos na ang r-relasyon niyo," sabi niya bago pilit na ngumiti. Humigpit ang hawak nito sa kamay niya. "You'll do that?" "O-oo naman," sagot niya, pabulong. Binawi niya rito ang kamay niya bago ibinaling ang tingin sa bintana. "Di ba nga sabi mo, iba si Rachel? Na siya lang ang hindi sakop ng 3 month due date mo sa mga babae. Na puwede mo na siyang dalhin sa simbahan." Napahinto siya. Naramdaman niya kasi na nanginginig ang bibig niya. Muli siyang tumikhim bago nagpatuloy. "At bilang b-bestfriend mo, hindi ako papayag na mawala si Rachel sa buhay mo nang dahil lang sa akin." "Kung mahal ako ni Rachel, matatanggap niya kung ano kita sa buhay ko." Bumaling siya rito. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito. "K-kahit na a-ako ang maging dahilan ng laging pag-aaway niyo?" Hindi ito sumagot sa halip ay yumuko. Hindi man ito magsalita, she can feel his confusion. Hindi si Rachel ang unang babaeng naging karelasyon ni Rob na nagduda sa kanya. Pero mukhang ito ang unang babaeng magtatagumpay na paglayuin sila ni Rob. A sudden pain raked her chest on the thought. But maybe, it is for the best. She slowly reached for his hand and gave it a gentle squeeze. Nag-angat ito ng tingin. Ngumiti siya kahit na muling namuo ang luha sa kanyang mga mata. "It's time for me to do my job as your friend, Rob," aniya, pigil na pigil ang paghikbi. Nagbuga ito ng hininga bago ikinulong ang mukha niya sa mga palad nito. She mustered all the strength she had left to keep herself from crying. At habang nakatitig ito sa kanya, she silently wished na hindi nito makita na nasasaktan siya. Na sana, h'wag bumigay ang mga luha niya. Na sana, paniwalaan nito ang kasinungalingan niya. Maya-maya pa, hinigit siya nito payakap, mahigpit. "Thank you, Sophie. You really are my bestfriend."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD