"So, hindi talaga kayo?" lukot ang mukhang tanong ni Raine kay Sophie. Biyernes ng gabi at binisita niya ang kaibigan sa condo nito. It's the first time she went out of the house since the news about her and Rob came out.
"Hindi. Pero nag-offer siya na maging fake boyfriend ko," kaswal niyang sagot habang chini-check ang mga prutas sa fruit basket na nakapatong sa kitchen island.
Namaywang si Raine, binitawan ang spatula na hawak nito na pinampapatag nito sa batter ng cake na binuhos nito sa pan. "Tinanggihan mo talaga? Sana kinonsulta mo muna ako bago ka tumanggi."
Nalukot ang mukha niya. "E bakit?"
"Anong bakit? Sa ating dalawa, ako na ang nagka-boyfriend. Kumbaga, I know love better than you, Sophia. Kaya dapat nakikinig ka sa akin. At saka ako kaya ang love guru mo. Dapat lahat ng nangyayari sa love life mo alam ko," litanya nito bago itinuloy ang ginagawa.
Nanikwas na ang nguso niya. "Love guru. Talaga lang, ha? Paano ka magiging love guro e parehas tayong sawi sa pag-ibig."
"At sinong nagsabing sawi ako? Aba Sophia, h'wag mo akong igaya sayo. Sa diyosa kong, 'to!" anito, itinaktak pa ang baking pan bago inilagay sa loob ng oven.
"'Wag mo nga akong chikahan. Kung hindi pa kita kilala, bitter pa rin ang drama mo sa great love mong si Mikael."
Humarap ito sa kanya, namaywang. "Excuse me, hindi si Mikael ang great love ko, 'no? At never na naging o magiging siya. 'Yong great love ko, sinundo na siguro ng mga maligno for all I care!" Sandaling nanirik ang mga mata nito at bumulong-bulong bago ikinumpas ang kamay. "At saka bakit ba napunta sa akin ang usapan? Ikaw ang bida sa eksenang ito!"
Rumolyo na ang mata niya. Sigurado siya, hindi siya talaga tatantanan ni Raine hangga't wala itong nakukuhang matinong rason kung bakit niya tinanggihan ang alok ni Rob na maging fake boyfriend niya.
Hindi siya sumagot at tahimik na pinulot ang tsitserya na nakalapag sa kitchen island at nilanatakan iyon. Baka sakaling hindi na ito mangulit sa pagtatanong. Kaya ba niyang sabihin kay Raine na choosy kasi siya, totoo kasi ang gusto niyang maging relasyon nila ni Rob at hindi pagpapanggap lang?
Sumubo siya ng tsitserya.
Baka sabunutan siya ni Raine nang di oras. Sa ilang taon kasi ng pagkakaibigan nila, never siyang umamin tungkol sa tunay na nararamdaman niya kay Rob. She was always in denial. Well, that's not entirely her fault anyway. Hindi kasi maganda ang working relationship ng puso at logic niya kaya heto siya ngayon, like a dog thrown in the water and does not know what to do or how to feel first.
"O, ano? Ba't hindi ka na sumagot?" untag nito sa kanya maya-maya.
"H-ha? W-wala. B-basta ano... ayoko lang magpanggap," sagot niya, alanganin bago muling sumubo ng tsitserya.
Umirap ulit ito. "Hay naku, ewan ko sa'yo. Pagkakataon mo na sana na masunggaban si Rob, tutal nag-volunteer naman. Pagkakataon mo na rin sanang asarin 'yong malditang girlfriend niya na sabi mo pinaglihi sa chalk. We never know, baka nangisay sana 'yon sa selos or what. Kaya lang, tinanggihan mo naman 'yong fake relationship niyo." Natigilan ito, naningkit ang mga mata pagkatapos. "Teka, baka naman kaya ayaw mo sa fake dahil gusto mo true?"
Kumurap siya bago niyuko ang hawak na tsitserya. Is she really that obvious? Kumabog ang dibdib niya. Hindi na ba talaga convincing ang acting skills niya?
"A ewan ko sa 'yo. Ang choosy mo, girl. Parang ako lang din," anito bago humakbang patungo sa ref at kumuha ng bottled water.
Hindi na siya sumagot. Kumbinsido kasi siya na tama lang ang ginawa niyang pagtanggi niya sa pagpapanggap nila ni Rob. E bakit ba, kumalma naman na ang mundo niya mula nang mag-release siya ng official statement tungkol sa mga nasabi ni Rob tungkol sa kanilang dalawa. Kumbinsido na ang mundo ng mga chismoso at chismosa na they are, Just Friends: The best couple that never was, or so what she read on some articles online.
Nagbuga siya ng hininga. Ililihim na lang niya siguro ang nararamdaman niya, tutal forte naman niya 'yon. Hindi ba nga lampas sampung taon na niyang ginagawa 'yon? Maano bang ituloy na lang niya ang pagpapaka-martir hanggang next century?
"Pa'no nga pala 'yong event natin sa Linggo? Nasabi mo na ba kay Rob?" pukaw ni Raine sa kanya maya-maya. May bahay ampunan silang bibisitahin.
"Hindi ko pa nako-confirm e."
"Sabihan mo ako kapag um-oo magpapahanda ako ng red carpet," biro nito.
"May dinner kami bukas sa bahay nila. Do'n ko na lang sasabihin."
Nagliwanag ang mukha nito. "Wow! Ano 'to, getting-to-know-your-in-laws na ba?"
Nagsalubong ang kilay niya. "Kung anu-ano na namang naiisip mo, Francine Marithe! Simpleng dinner lang 'yon. Wala namang espesyal do'n, lagi ko namang ginagawa 'yon"
Naalala niya ang sinabi ni Tita Mae sa kanya kaninang umaga. Actually, initially, hindi siya invited sa dinner sa bahay ng mga Mendoza bukas. Kaya lang nang malaman ni Tita Mae na dadalhin daw ni Rob sa bahay nila si Rachel, Tita Mae asked her to join them too. Gusto niya sanang tanggihan ang imbistasyon. Sariwa pa sa isip niya ang kamalditahan ni Rachel. Kaya lang hindi niya talaga matanggihan si Tita Mae.
Ngayon pa lang, iniisip na niya kung saan siya kukuha ng drum-drum na pasensiya para sa malditang babae na ibinabad sa gluta!
"Hoy!" untag sa kanya ni Raine.
"H-ha? Anong sabi mo?"
Tumikwas ang nguso nito. "Wala akong sinabi. At saka balak mo bang ipulvorize yang kinakain mong chips? Durog-durog na 'yan malamang, kanina mo pa iniikot at tinatadtad 'yang plastic e."
Napatingin siya sa hawak niyang plastic ng chips. Lamog na lamog na nga ang itsura niyon. Jusko! Hindi pa man sila nagkakaharap ulit ni Rachel, stressed na stressed na siya. Pa'no pa kaya bukas ng gabi?
"'Yang isip mo, lumilipad na naman, Sophie. Mag-ingat ka baka makarating sa Mars," natatawang sabi nito, habang inilalagay ang mga ginamit nito sa pagbe-bake sa sink. "Basta kapag nagto-toyo ka na, h'wag mo kong hawaan ha? Maayos ang buhay ko. At saka walang baliw na diyosa," hirit pa nito.
Natatawa niya itong binato ng chips.
-----
Sabado
Umaga pa lang ay pinaalala na ni Tita Mae sa kanya ang tungkol sa dinner nila. For a while, she hesitated but in the end she said yes. Binilinan pa siya nito na dalhin ang kanyang specialty, ang blueberry cheesecake na paborito nilang tatlo ni Rob.
Alas-siete pa lamang ng gabi ay nagtungo na siya sa bahay ng mga Mendoza. Si Tita Mae ang sumalubong sa kanya. Sa salas ay nadatnan niya si Rachel na noon ay kausap si Tito Ben. Nakasuot ito ng white dress na disente ang tabas. Parang ito ang bida sa pelikula dahil nakasuot ito ng puti habang siya ang kontrabida dahil sa suot niyang red casual dress. Nginitian lang siya nito bago ibinalik ang tingin kay Tito Ben.
Hindi naglaon, tahimik silang naghapunan. Magkatabi sina Rob at Rachel sa kaliwang bahagi ng mesa, habang sa kanan naman ay magkatabi sila ni Tita Mae. Sa kabisera naman pumuwesto si Tito Ben.
Maliban sa manaka-nakang pagtatanong ng mag-asawang Mendoza, ay halos si Rachel ang nagmanipula ng usapan. Panay ang kuwento nito tungkol sa export business ng mga magulang nito at ng mga trips nito abroad. At ginagawa nito iyon habang panakaw na umiirap sa kanya.
Hindi na lang niya ito pinatulan. Tumungo na lang siya sa kanyang plato at nag-concentrate sa pagkain habang lihim na humihiling na sana mahipan ng hangin ang mga mata nito at hindi na tumigil sa pagrolyo.
"Do you play any sports, hija?" tanong ni Tito Ben sa maldita maya-maya.
"No, Tito," nagpapa-cute na sagot nito.
"I see. Sophie here did Taekwondo, silang dalawa ni Rob," si Tito Ben ulit.
Muntik na siyang mapaubo nang masali siya sa usapan. Mabilis siyang tumingin kay Rachel. Lukot na lukot ang mukha nito. Sumulyap din ito sa kanya, matalim, saka ibinalik ang tingin kay Tito Ben.
"But I did ballet," nakangiting pagbabalita nito. "I used to be part of Ballet Manila."
Ballet. Noong bata pa siya, pinangarap din niyang mag-ballet kasi gusto niyang magsuot ng tutu. Kaso ayaw ng Daddy niya. Hindi raw niya kailangan 'yon sa buhay. Mas kailangan niya ang self-defense kaya siya nito in-enroll sa Taekwondo, shooting at archery. Tuloy, super-boyish siya habang lumalaki.
"That's good!" kaswal na komento ni Tito Ben bago itinuloy ang pagkain.
Gano'n din ang ginawa ni Rachel. Kaya lang, maselan 'ata ito sa pagkain dahil una itong natapos kahit na kakarampot pa lang ang kinain nito. Ito ang unang nakatikim ng specialty niyang blueberry cheesecake.
Tumikhim ito matapos sumubo ng isa at tumingin sa kanya. "I think the cream is not smooth enough. It's not consistent with the cheesecakes I've tasted when I visited Italy. I even tasted a lump. If you'll let me grade it, I'll give it a C," agad nitong bira bago uminom ng tubig.
Natahimik ang lahat. Kung gulat o sumasang-ayon sa sinabi ng maldita, malay niya. Unang beses niya kasing masabihan ng ganoon tungkol sa cheesecake niya.
Namemersonal ang bruha! Lihim niyang ngitngit.
Hindi na lang siya umimik. Nagkatinginan na lang muna sila ni Tita Mae bago niya itinuloy ang pagkain. Inis siyang sumandok ng kare-kare na nasa hapag. Paborito iyon ni Tito Ben, pero nakakapagtakang halos hindi pa iyon nagagalaw. Halos hindi pa nagtatagal sa bibig niya ang isinubong pagkain nang mapatakbo siya sa sink at iniluwa iyon.
"Ate Rema, bakit gano'n ang lasa niyang kare-kare mo? Maalat na matamis na ewan," reklamo niya sa cook ng mga Mendoza.
"Hindi ko luto 'yan ha?" pairap na sabi ni Ate Rema. "Dala ;yan ni Ms. Rachel."
Agad na napasinghap si Rachel, tinakasan ng kulay ang mukha. Maya-maya pa, tumayo na ito bago umiiyak na nagtatakbo palabas ng bahay. Tumayo na rin si Rob, na tinapunan pa siya ng masamang tingin bago sinundan ang girlfriend nito. Bumuntong-hininga si Tito Ben at marahang umiling bago tumingin sa kanya. Pati si Tita Mae napatingin na rin sa kanya.
Napalunok siya.
Oh crap! Is she really now the villain?
-----
Gabi na nang nakauwi si Sophie nang sumunod na araw. Halos maghapon kasi sila ni Raine sa bahay-ampunan na binisita nila. At abot-langit talaga ang pagod niya ngayong araw. Kaya naman nang makarating siya sa kuwarto, mabilis siyang nag-shower at nagpalit ng bihisan. Kahihiga pa lamang niya nang may kumatok sa pinto niya.
She lazily got up from her bed and opened her door. Si Rob ang napagbuksan niya. Madilim ang mukha nito kagaya ng nagdaang gabi.
Napalunok siya. Aawayin na ba siya nito dahil sa ginawa niya sa malditang girlfriend nito?
Hindi sila nagkita o nagka-usap man lang nito maghapon. Ni hindi na nga niya ito tinangkang imbitahin pa sa bahay-ampunan na pinuntahan nila ngayon gaya ng bilin ni Raine sa kanya. Last night, she really felt sorry for what she did. Though sinabi ni Tito Ben at Tita Mae sa kanya that everything's fine and not her fault, she still feels guilty. Pakiramdam niya, binulilyaso niya ang pagpapa-impress ni Rachel sa mga magulang ni Rob. And with her line of work, she knows how important first impressions are.
"Bakit maraming red roses sa sala ninyo? Sino nagbigay ng mga 'yon sayo?" dire-diretsong tanong nito, pagalit.
Ang gandang bati! Napairap siya.
E ano kayang bago do'n? Lagi namang may nagpapadala ng bulaklak sa kanya. Naipon lang siguro sa guard house kaya ganon kadami. Inokupa ng mga 'yon ang kalahati ng sala.
"I was out all day. Hindi ko alam kung kanino galing," umpisa niya, nagpipigil ng inis. "Hayaan mo bukas na bukas sisilipin ko 'yong mga cards at ililista ko kung kanino galing tapos ibibigay ko sa 'yo. Ayos na?" sarkastiko niyang dugtong. Akma na sana niyang isasara ang pinto nang pigilin ito ni Rob.
Marahas itong bumuntong hininga as if containing his emotion.
"I don't like what you did to Rachel last night Sophie," anito, pilit pinapasok ang sarili sa kuwarto niya. "She cried hysterically. She was inconsolable for hours. Napahiya siya nang husto sa Papa at Mama!"
Kumibot ang labi niya. "Buti nga sa kanya. Serves her right," she mumbled.
"What?"
"A-ano w-wala. Ano... sabi ko, hindi ko naman sadya 'yon. Malay ko ba na luto niya 'yong pamatay na kare-kare na 'yon?"
Nagbuga ito nang marahas na hininga bago pinisil ang pagitan ng mga mata. "Puwede ba, mag-sorry ka na lang sa kanya?" utos nito.
Sorry? Siya magso-sorry kay Rachel?
Over her dead beautiful, sexy and gorgeous body!
"Hindi ko naman kasalanan 'yon, a? I just stated a fact! Yori know what, your girlfriend is getting way overboard. We've only met twice and she did nothing but to say awful things about me right in front of my face! At saka--"
"Dammit, Sophie, just say sorry!" he snapped and grabbed her wrist. His eyes burning in anger.
Napasinghap siya sa ginawa nito. Never in their years of friendship, no matter how angry they were at each other, did Rob come close to hurting her just like now. Humigpit ang kapit nito sa palapulsuhan niya. Ano, sasaktan siya nito hanggang sa mag-sorry siya sa girlfriend nitong maldita?
Bumigat ang dibdib niya sa naisip.
Ano ito sinusuwerte? Magsama ang mga ito!
Buong puwersa niyang piniksi ang kamay niyang hawak nito. Nangilid ang luha niya pagkatapos. Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilin ang sariling umiyak.
Hindi siya iiyak. Hindi siya iiyak sa harapan nito. Hinding-hindi. Kahit na bumulagta pa siya sa sama ng loob.
Sa nanginginig na mga paa ay tinungo niya ang pinto at niluwangan ang pagkakabukas niyon.
"Just leave. Gabi na at pagod ako. Bukas na lang tayo ulit mag-usap," aniya sa kalmado subalit seryosong tinig.
"No! Mag-uusap pa--"
"Leave!" singhal niya rito, kuyom ang mga kamay. Humigpit din ang kapit niya sa doorknob.
Lumapit ito sa kanya subalit umiwas siya ng tingin. Ilang sandali rin siya nitong pinakatitigan bago tuluyang lumabas ng kuwarto.
Tahimik niyang isinara ang pinto bago nanghihinang sumandal sa dahon niyon. Napahawak siya sa kanyang dibdib bago tuluyang humagulgol.
Higit sa sama ng loob dahil sa pilit na pinagagawa ni Rob sa kanya, mayroon siyang natantong mas mabigat pang dahilan kung bakit siya nasasaktan.
Nagsimula na ang kinatatakutan niya. She's slowly losing Rob. And no, she's not ready to let go.