Kanina pa panay ang tunog ng cellphone ni Sophie. Kanina pa rin siya mulat at nakatitig lamang sa kisame ng kanyang kuwarto. Pero ayaw niyang bumangon o sagutin man lamang ang telepono. Ang gusto niya ay lamunin siya ng malambot niyang kama at manatili sa loob niyon hanggang humupa na ang intriga na si Rob mismo ang may kagagawan.
Tatlong araw. Tatlong araw na silang hindi nag-uusap nito. At tatlong araw na rin silang laman ng mga balita, social media, broadsheets maging tabloids.
The world is crazy over her and Rob. Bakit naman hindi? Isang mayamang playboy bachelor lang pala ang katapat niya. Ang image niya ngayon sa mundo, sa dinami-rami ng nanligaw sa kanya-- prinsipe, anak ng presidente, business tycoon, at Hollywood actor, sa bestfriend lang pala niya ang bagsak niya. Sa bestfriend niyang playboy na mayroong girlfriend. Ang sabi pa ng ibang chismosa, inagaw raw niya si Rob kay Rachel.
At talagang siya pa ang ginawang kontrabida. Duh?
Hindi lang din iisang beses na tumawag ang manager niya, nagtatanong din ito kung totoo ba ang sinasabi ng balita. Pati si Ms. Elle, ang may-ari ng model agency kung saan siya kabilang, tumawag din. Inirason na lamang niyang simpleng misinterpretation lang ang nangyari.
Kahapon nga magkakasunod ang ginawang pagtawag ng iba't-ibang showbiz programs, asking for an exclusive interview with her, pero ayaw niya talaga. Ano namang sasabihin niya sa interview?
Napapadyak siya sa kama.
Bwisit! Ang gulo-gulo tuloy ng buhay niya!
Napairap siya nang wala sa oras at naisip si Rob. She wonders how he's dealing with all of the chaos he himself made. Nagtatago rin kaya ito gaya niya?
Asa pa siya. Rob does not mind what other people thinks about him. Kahit na lagi itong napapabilang sa listan ng Top 10 richest and hottest bachelor in the country and sort of a celebrity himself, wala itong pakialam sa sinasabi ng iba. Kung tutuusin, Rob values his privacy above all else. Hindi ito masalita sa ibang tao lalo na sa press. Kaya nga nagulat siya nang sagutin nito ang tanong ng reporter noon sa club.
Bumuntong-hininga siya. Patuloy pa rin ang pagri-ring ng cellphone niya. Inis niya iyong inabot mula sa night table.
Daddy. Iyon ang nakarehistro sa screen ng cellphone niya. Dali-dali niyang sinagot ang video call.
"D-Dad! Kumusta pa kayo?" pilit niyang pinasigla ang tinig at itsura.
"We're doing great, hija! Nasa Puerto Rico kami ngayon ng Tita Lucy mo." Kumaway si Tita Lucy sa likod ng Daddy niya.
Ngumiti siya. "Glad to know na nag-eenjoy po kayo Dad!"
"Siyempre naman, anak! Hinahabol na nga namin ng Tita mo baka magkaroon ka pa ng kasunod." Natatawang balita nito.
"Maniwala ka diyan sa tatay mo, Sophie! Ang lakas humilik sa gabi. Pa'no sobrang pagod sa paglalakad tuwing lumalabas kami," humahagikgik na kuwento ni Tita Lucy.
Natawa na rin siya.
"Ikaw, kumusta?" ang Daddy niya ulit.
Pumormal siya at pinaghandaan ang pagsagot. Her father and step-mother does not need to know the mess she's currently in. Hindi naman mahilig sa chismis ang mga ito, sigurado siya, hindi pa nakakarating sa mga ito ang tungkol sa ginawang pag-amin ni Rob tungkol sa kanilang dalawa.
"A-ayos lang po ako, Dad. Medyo busy lang po sa mga natanguan kong commitments."
Kumunot ang noo nito. "O, akala ko ba bakasyon? Bakit nagtatrabaho ka?"
Ngumiti siya. "Okay lang po, Dad. Nag-eenjoy naman po ako."
Ngumiti na rin ang Daddy. Mukhang na-convince sa sagot niya. "That's good. Ang importante masaya ka sa trabaho mo.H'wag lang masyadong sexy ang mga litrato at videos mo anak ha? Kundi, ipapabalot kita ng kumot kay Rob," natatawang banta nito. "Siya nga pala, nasaan na 'yong kaibigan mong iyon? Hindi naga-update sa 'kin."
Napakurap-kurap siya. "Ha? B-baka busy lang po sa... sa trabaho at girlfriend niya."
Tumango-tango ang Daddy niya. "A, ganun ba? Sige, kapag nagkita kayo, sabihin mo na he needs to call me ASAP."
Umismid siya."Sasabihan ko siya next century," she mumbled.
"Ano 'yon?
"W-wala po. Sige po, sasabihin ko po," mabilis niyang tanggi.
"O siya sige, matutulog na kami. Mag-iingat ka d'yan, anak ha?"
"Opo, Dad. Good night po."
"Good night, princess."
She ended the call and sighed.
Maya-maya pa, may kumatok sa pinto niya bago pinihit ang knob. Sumungaw roon ang bulto ni Yaya Isay.
"Nandiyan si Rob sa baba. Ano papaakyatin ko?" tanong ng matandang katulong.
Marahas siyang umiling. "Ayoko siyang makausap, 'Ya. Sabihin mo na lang may sakit ako." She lazily covered her face with a pillow, bahagyang sinilip ang picture nilang dalawa sa night table.
Agad siyang nagngitngit. "Siraulo ka kasi kung anu-anong pinagsasabi mo!" pabulong niyang pang-aaway sa litrato ng kababata.
Siraulo nga pero mahal mo naman. Nagvo-volunteer din na maging fake boyfriend mo. Ikaw lang ang nag-iinarte, sita sa kanya ng isang parte ng isip niya.
Muli siyang bumuntong-hininga. Hindi siya nag-iinarte. Iniiwasan lang niya paasahin ang sarili. Kapag tinuloy nila ni Rob ang pagpapanggap for any damn reason there is, alam niya, hindi malabong hindi mangyari na aasa siya na puwede sila ni Rob. At ayaw niyang mangyari 'yon dahil sa huli, siya ang kawawa. Kumplikado na nga ang sitwasyon, pati puso niya idadamay pa ba niya. Ano siya sira?
Bakit ba kasi ang kumplikado ng buhay niya? Bakit ba hindi na lang siya na-in-love sa isa sa mga manliligaw niya? Marami-rami na man na rin sila. She only needs to choose. But...
Inis siyang muling napapadyak sa kanyang kama. Maya-maya pa nakarinig siya ng pagtikhim sa pinto. Agad niyang inangat ang unan na tumatakip sa mukha niya at bumaling sa pinto.
Madali siyang napabalikwas sa kama nang mapagsino ang bisita niya.
Naroon ang boyfriend niya este volunteer fake boyfriend niya. Hindi pala isinara ni Yaya Isa yang pinto kanina nang buksan nito iyon.
Madali niyang hinablot ang unan niya at isinubsob ang mukha roon. Na-conscious siya kasi dahil magulo ang buhok niya, hindi pa nakakapagtooth brush o hilamos man lang. Baka nga may muta pa siya o kaya naman tuyong laway sa gilig ng bibig. Nahindik siya sa naisip.
Nagmamadali siyang tumayo mula sa kama. "S-sandali lang," aniya bago tuluyang pumasok sa banyo. Mabilis siyang naghilamos at nag-toothbrush. Nang masigurong maayos na ang itsura niya saka pa lang siya lumabas ng banyo.
Naroon pa rin ito sa may pintuan. He looked casual on his shirt and faded jeans. Na ipinagtataka niya dahil Miyerkules pa lang ngayon, dapat nasa opisina ito.
"Puwede ba 'kong pumasok?" tanong nito, maya-maya. Tumango lang siya. Humakbang ito papasok, nagpalinga-linga pa na parang noon lang nito napasok ang kuwarto niya. Tumayo ito ilang hakbang mula sa kama bago bagsak ang mga balikat na namulsa. Siya naman ay nanatili malapit sa pinto ng banyo, ilang metro ang layo rito.
Rob looked like a defeated man. Sadness was clearly written all over his face. At nararamdaman niya, mayroon itong problema.
"Rob?" pukaw niya rito.
Noon pa lang ito nag-angat ng tingin. "Rachel and I had a big fight,' malungkot na deklara nito.
"Dahil ba sa--" Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang agad itong tumango. "Gusto mo kausapin ko?" agad niyang sabi.
She silently bit the insides of her cheeks. She can see now how much Rob loves Rachel. And it hurts.
Can she really go as far as fixing Rob's relationship for him? How pathetic she is!
"Hindi, h'wag na muna," sagot nito kapag kuwan. Bumuntong-hininga ito, pilit na ngumiti. "Ikaw, kumusta ka? Masama raw pakiramdam mo? You want me to call the doctor?"
Marahan siyang umiling. "O-okay lang ako. I-ikaw?" atubili niyang tanong.
Hindi ito sumagot, ibinaling ang ulo sa veranda ng kanyang kuwarto kung saan tanaw ang rose garden. Rob was a picture of confusion. And she can't stop thinking over his pain, even more than hers.
Humakbang siya palapit dito. Bumaling ito ulit sa kanya. "Want to talk about it over cheesecake?" aya niya rito, pinilit na ngumiti.
Hindi ito sumagot, ngumiti lang din bago hinawakan ang kamay niya.
-----
"You're cheesecake will always be the best," anito nang nasa lanai na sila at kumakain ng cheesecake. "If I'd be on death row and eat this as my last meal, I'd die a happy man," anito habang naglalagay ng isa pang slice ng cheesecake sa plato nito.
She rolled her eyes. "You're exaggerating."
Umiling ito. "Of course not! Your cheesecake is good. No erase that, its superb." Sumubo ito. "No, erase that. Your cheesecake is supreme, the best of the best!"
Nalukot ang mukha niya. "Inuuto mo ba 'ko para patawarin kita?"
Umiling ito. "Hindi a! Nagsasabi lang ako ng totoo," anito bago sumubo ulit.
True or not, the praise warmed her heart and made her smile.
"Then you should thank Raine for dragging me into baking. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako magkaka-interes sa pagbe-bake," aniya bago uminom sa baso ng juice na nakasilbi sa harap niya.
Maya-maya pa, pormal itong tumitig sa kanya.
"B-bakit?" naiilang na tanong niya.
"I'm sorry," umpisa nito. "I did what I did, said what I've said and I have no excuse for it."
Umayos siya ng upo. "It's okay. We say things we don't mean when we're angry. Kaya, sorry din."
"So, bati na tayo?" tanong nito, nakangiti.
Kung sa salita nito o sa guwapong mukha siya nito nadala, hindi na niya alam. Basta ang alam niya, tumango siya, ngumiti bago, "Bati na tayo."
They spent the next hours talking and watching movies. Noong nag-aaral pa lang sila, ganoon din sila tuwing weekend. 'Yan ay kung wala itong date.
"Wala kang pasok?" untag niya rito nang tumanghali na. He grabbed some popcorn and popped it on his mouth. Nasa entertainment room sila at nanonood ng paborito nilang Star Wars.
"Nag-leave ako," anito, ang mga mata nasa TV.
"Nag-leave ka dahil brokenhearted ka?" usisa pa niya, inayos ang upo sa lazyboy sa tabi nito.
"Hindi ako brokenhearted, Ting. Pagod ako kaya ako nag-leave," sagot nito, hindi pa rin tumitingin sa kanya.
So, hindi totoo ang napansin niya kanina na kaya ito malungkot dahil nag-away ito at ang maldita nitong girlfriend? Lihim siyang napangiti.
"Bakit ka napagod?" usisa pa rin niya.
Bumaling na ito sa kanya. "Napagod ako kasi marami kang tanong, Ting."
Bumusangot na siya at umirap. "Sungit! Nagtatanong lang naman."
Ngumisi ito at magaang pinisil ang pisngi niya. "Alam mo, ang cute ng irap mo. Irap ka nga ulit."
"Nyenye! Suntukin kita e," aniya bago inagaw ang hawak nitong bowl ng popcorn.
Natawa ito bago muling nag-concentrate sa panonood. Gano'n din ang ginawa niya.
"I'll always like this movie, no matter how old it gets," komento nito maya-maya.
"Me too. I'll always like this saga even until we get old. 'Di ba gano'n naman 'yon? You never get tired of someone or something you love. You continue loving it because you love it, no questions asked, " wala sa sariling segunda niya. Rob introduced her to the Star Wars Universe. While other girls like her were watching Barbie movies, she grew up watching Sci-Fi and war-themed movies instead. Hanggang ngayon, mas preferred pa rin niya ang mga gano'ng theme ng movies.
"Ting," pukaw nito sa kanya maya-maya.
Bumaling siya rito. "Hm?"
Hindi ito nagsalita, tumitig lang sa kanya. Nagmabagal siyang nguyain ang popcorn na nasa bibig niya nang kumabog ang dibdib niya sa pagtitig na 'yon ni Rob sa kanya. Again, he was looking at her like she's his most favorite person in the world.
Maya-maya pa, "Nothing," anito bago muling itinutok ang mata sa TV.
Pinanood nila ang lahat ng Star Wars movies hanggang gumabi.