Akhira's Pov
Hindi ko sigurado kung anong oras bago ko binuksan ang aking mga mata. Kung hindi lang ako nakaramdam nang pag kalam ng sikmura ay hindi pa ako magmumulat. Agad na lumipad ang paningin ko sa labas ng pintuan ng sasakyan. Mula sa 'di kalayuan ay natanaw ko ang restaurant kung saan ako madalas na nagpapabili ng burger. Napangiti ako at saka napalunok. Mas lalo pa yata ako nagutom sa sandaling iyon.
Hinintay ko na tumapat muna ang sasakyan sa bahagi niyon para kausapin si Tanda. Kung hindi lang dahil a paborito kong burger ay hindi ko talaga siya papansinin. Umayos ako ng upo nang mapansin ko na para bang pasulyap-sulyap sa gawi ko si Adrian. Pero ang mga mata ko ay nag pukos lamang sa restaurant. Hindi pa rin ako maka- move on sa ginawa nitong pag reject sa akin.
"Bakit ka tumigil?" Nagtatakang tanong ko nang tumapat na ang sasakyan sa restaurant. Hindi pa man bumubukas ang bibig ko para magsalita ay ipinarada na niya ang sasakyan sa tabi ng kalsada.
"Alam kong gutom ka na. Pabibilhan kita ng burger," sagot niya. Ilang segundo lang ay binuksan na niya ang bintana ng sasakyan at nagbigay ng pera sa lalaki na nagmula pa sa isang sasakyan na laging nakasunod sa akin.
Umikot ang mga mata ko nang magtama ang aming paningin. Naiinis pa rin ako kaya muli kong isinuot ang headset at nakinig ng kanta. Sa gano'n na senaryo lang kasi medyo kumakalma ang sistema ko sa tuwing kumukulo ang dugo ko. Sa aming triplets ay sa musika kami magkakaparehas. Bawat isa sa amin ay pinapakalma ng musika lalo na si Jethro.
Gumuhit ang mapait na ngiti sa mga labi ko nang maaalala ang aking mga kapatid. Kagabi ko lang nakita si kuya Xander pero hindi ko man lang siya nakasama ng matagal. Hindi ko na matandaan pa kung kailan ko sila naka-bonding ng maayos. Madalas ay sandali ko lang silang nakakasama sa tuwing dumadalaw sila ng bahay. Maagang bumukod ang mga kakambal ko dahil ayaw nila na pinapakialaman sila ni Nanay at Tatay. Ako lang yata ang walang kalayaan para gawin ang lahat ng gusto ko.
Nasa saktong edad na ako pero kung itrato nila ako ay para bang musmos pa lang na walang alam sa mundo na kanyang ginagalawan. Alam kong ito ang paraan nila para protektahan ako pero minsan ay nakakasakal na. Nakakapagod. Nakakataas ng dugo ang mga bantay ko lalo pa ngayon na may dumating na arogante at talagang bossy na matanda. Kailan kaya ako magiging malaya katulad ng ibang kabataan na may normal na buhay. Kailan kaya ako magiging malaya na makakapunta kung saan na walang kasamang bodyguard? I want to be f*cking free.
"Your food is here, señorita," narinig kong sabi ni Adrian dahilan para magmulat ang aking mga mata. I hate the way he called me señorita. Naiinis at naiinsulto ako. He can just call me by my name, which is sounds better than señorita.
Agad kong hinahanap ang kanyang tinutukoy. At nang masilayan iyon ay napangiti ako. Amoy pa lang ng pagkain ay katakam-takam na. Masaya kong inabot iyon at agad na binuksan. I know I act like a child sometimes. Siguro ay kulang lang talaga ako sa pansin kaya minsan ay hindi kontrolado ang galaw at kilos ko.
"Bakit para bang alam na alam mo na ang trabaho mo? This is your first day as my bodyguard but you act like you know everything?" kunot ang noong tanong ko nang makarating sa eskwelahan. Hindi ko mapigilan ang magtaka dahil huminto ang sasakyan kung saan lagi kaming naka-park.
Is he a stalker o what? Hindi ko naman sinabi kung saan siya dapat huminto. Hindi ko siya nasabihan ng kahit ano pero alam na alam na niya ang bawat ginagawa nito.
"I know everything, señorita. Everything about you, trust me," sagot niya. Natigilan ako sa akmang pagsubo ng burger at napatingin sa unahan. Saktong nagtama ang paningin namin sa salamin at tila napansin niya ang pagtataka sa ekspresyon ko kaya ngumiti siya.
"What do you mean?" Tanong ko at saka muling kinagat. Nakarating na kami ng School pero hindi ko pa rin ubos ang pagkain ko. Ang ibang bodyguard ko ay nasa labas na ng sasakyan.
"Baka magugulat ka kung sasabihin ko ang lahat ng alam ko, señorita," aniya. Tumaas ang isang kilay ko kaya napa-iling siya. Ang daming alam ng matandang ito. Bakit hindi na lang niya ako deretsuhin. Tsk! Nakaka-inis ang ugaling mayro'n siya.
"Sige na. Ubusin mo na iyan para makapasok ka na," dagdag nito. Umikot ang mga mata ko pero sinunod namam ang kanyang sinabi.
"That's my girl," natatawang sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi ko magawang magsalita. Puno ng pagkain ang bibig ko kaya hindi ko magawang ibato sa kanya ang salitang binitawan nito.
I don't know why but I feel different when I heard the word 'my girl' coming from his mouth. It sounds special. Madalas naman akong tawagin ni Tatay sa salitang iyon lalo na pag bini-baby ako pero ngayon ay para bang mas nagkaroon ng kulay ang salitang iyon dahil siya ang nagsabi. P*ta! Anong nangyayari sa akin?
"Let me open it for you," bulong niya at saka binuksan ang tubig. Kukunin ko na sana iyon mula sa kanyang kamay ay natigilan ako nang siya na ang nagpa-inom sa akin. Uminom pa rin ako kahit na may pagtataka sa kanyang kinikilos.
"Bakit mo 'to ginagawa?" Wala sa sariling tanong ko.
"In right time, señorita. You'll know it," makahulugan niyang sagot at saka ngumiti.
"Your smile is creepy," sabi ko dahilan para matawa siya. Napapa-iling siyang lumabas ng sasakyan. Inayos ko ang aking kalat bago lumabas ng sasakyan.
"Pwede bang dito na lang kayo?" Nakaharap na sabi ko. Nagkatinginan ang limang lalaki bago may pag-aalinlangan na tinignan ako.
"Please, dito niyo na lang akong hintayin," dagdag ko pa.
"Pero Akhira, hindi ka namin mababantayan kung nandito lang kami sa labas. Baka magalit ang mga magulang mo," sagot ng isa sa kanila. Umikot ang mga mata ko bago huminga ng malalim.
"Please! Nakakahiya pag nakasunod kayo sa akin kahit saan. Lahat ay nakatingin sa akin," desperadong sagot ko.
"Hindi pwede," mariin na sagot ni Adrian dahilan para tumigas ang ekspresyon sa mukha ko.
"Dito na lang kayo. Ako na lang ang sasama sa kanya sa loob," dagdag niya dahilan para magliwanag ang mukha ko.
Hm! Mas mabuti na iyon kumpara sa sasama silang lima. Hindi na sila magtataka kung iisa lang ang nakasunod sa akin.
"Akhira, hindi ba delikado kung siya lang ang kasama mo?" tanong ng isa sa kanila. Pinagmasdan ko ang katawan ni Adrian mula ulo hanggang paa. Nang umabot ang paningin ko sa gitna ng kanyang mga hita ay napakagat labi ko. Hm! Yummy hotdog.
"Ahem!" pag tikhim niya para matauhan ako. Nang magtama ang aming paningin ay napangisi siya pero agad din naman umayos at inosenting binalingan ang kanyang mga kasama.
"Sige na. Dito na lang kayo maghintay. Pumunta kayo diyan sa restaurant kung gusto niyo. Ako nang bahala sa kanya," aniya. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o nakita ko ang kakaiba niyang ngisi.
Sa halip na pansinin ang ngiting tagumpay ni Tanda ay nauna na akong pumasok sa gate. Ayos na ako na siya lang ang bantay ko. Mas okay na iyon para hindi masyadong nakakaagaw ng atensyon.
"Akhira, pwede bang makuha ang number mo?" Napatigil ako sa paglalakad nang humarang ang isang guapong lalaki. Tumaas-baba ang mga mata ko at mariin na sinuri ang kanyang pangangatawan. Nang makuntento ay saka ako tumango-tango na para bang nakuntento sa aking nakikita. Aha! Not bad. Maybe he can make me scream. Though, I like men who is older than me. Sa ngayon ay baka pwede ko siyang pag tiyagahan.
"Hindi pwede. Go. Leave her alone," sabi ng matigas na boses. Naiwang nakabukas ang bibig ko dahil hindi ko na nagawa pang magsalita. Si Adrian na ang sumagot sa naging tanong ng lalaki. Masama niyang tinignan ang lalaking humihingi ng number ko bago niya hinawakan ang braso ko at iginaya papasok ng eskwelahan. Kumunot ang noo ko sa nakikitang reaksyon niya. Para bang galit ito pero ramdam ko pa rin ang pag-iingat niya sa pulsuhan kong hawak niya. Hindi ko makuhang magsalita at naiwan akong tulala sa kanyang inaasta.
"Bakit mo iyon ginawa---"
"Huwag mo nang tangkain na ibigay ang number mo kahit kanino. Off limit ka, tandaan mo iyan," mariin niyang sansala sa sasabihin ko.
"Pero---"
"No more buts, young lady. Off limit ka. End of discussion," matigas na sagot niya. Natameme ako. Putek! Sino siya para diktahan ako?
Alam ko naman na mahigpit na ipinagbabawal ng mga magulang ko magkaroon ako ng koneksyon sa kahit na sinong lalaki. Pero tama ba na pati ang bodyguard ko ay sasabihin sa akin na off limit ako? Nasaan ang hustisiya? Nakakagigil. Kailan ba ako magkakaroon ng kalayaan?
"Let's go. Late ka na ng one second," nagmamadali niyang sabi. Inirapan ko siya bago naunang maglakad.
"Don't be mad. I'm just doing this for your own good," bulong niya nang makarating kami sa harapan ng aking classroom.
"Good, my ass," inis na sagot ko. Muli ko soyang inirapan pero matiim lamang siyang nakatitig sa akin. Kung nagkataon siguro na wala pang mga estudyante sa aking paligid ay baka sinakal na niya ako sa subrang sama ng tingin nito sa akin.
"Wait," pigil niya sa akin. Tinatamad akong humarap sa kanya.
"Yes? May kailangan ka pa ba?" Tanong ko.
"Don't do it again," mariin niyang bulong. Nangunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Humakbang siya papalapit kaya mas lalo akong nagtaka.
"That ass of yours is also off limit. Keep that in your mind," mariin niyang bulong sa tapat ng taenga ko. Tumayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Kakaiba ang tunog ng kanyang boses. Napaka- sexy niyon at para bang inaakit ako. P*tcha! This can't be.
"Go!" Aniya. Tulala akong napasunod nang maingat niya akong itulak papasok. Napatili pa ang ibang kababaehan sa loob ng aming classroom nang mahina siyang tumawa. Hindi ko alam pero mabilis na kumulo ang dugo ko.
"Sige na. Pasok ka na. Dito lang ako sa labas," nakangiti niyang sabi nang humarap ako sa kanya. Umikot ang mga mata ko bago siya tinalikuran. Malalaki ang hakbang kong pumunta sa aking upuan. Muling umikot ang mga mata ko nang hindi pa man nakaka-ilang segundo ay may lumapit ng babae sa akin.
"Akhira, sino iyong kasama mo? Pwede bang makuha ang number niya?" Sabi ng babaeng ni pangalan ay hindi ko alam. Ganyan ako kalayo sa lahat ng tao. Kahit ang sarili kong classmate ay hindi ko alam ang pangalan. May sarili akong mundo.
"Hingiin mo sa kanya kung ibibigay niya," tamad na sagot ko at saka niyakap ang aking bag. Wala pa naman ang guro kaya muli akong naglabas ng cellphone at nagsuot ng headset para walang marinig. Bahala silang mag-ingay.
"Akhira, sige na. Please, ikaw na lang ang magbigay ng number niya. Mukhang masungit si kuya eh. Pero type ko siya. Subrang hot niya, naglalaway ako," pangungulit nito. Sinamaan ko siya ng tingin nang tanggalin niya ang suot kong headset.
"Hindi mo ba nakikita? I want to be alone. So please, leave me alone," inis na sagot ko. Inirapan ko siya bago ibinalik ang suot na headset bago pumikit. Nakakagigil. Kahit saan na lang ay may mga istorbo pa rin. Wala na talagang kalayaan sa mundong ito. Saan kaya ako makakapunta na walang mangingialam at iistorbo sa bawat kilos ko?
Nang magdilat ako ay saktong paparating na ang professor kaya mabilis kong tinanggal ang suot na headset. Umayos ng upo dahil subrang sungit pa naman ng matandang babae na ito. Siguro ay dahil tumanda itong dalaga kaya mainitin ang ulo.
Oh my god! Baka sa subrang higpit ng mga magulang ko ay tumanda akong dalaga katulad ng professor ko. The horror! Hindi pweding mangyari. Kahit na anong mangyari ay mag-aasawa ako. Kahit na ako pa ang mang-aakit sa lalaki ay hindi bale na basta makatikim lang ako ng yummy hotdog. Hindi ako papayag na tumandang dalaga. Over my dead body! Hindi mangyayari iyon.