Chapter 5

2108 Words
Akhira's Pov "Ano, Akhira? Tuloy ba ang lakad natin mamayang gabi?" tanong ni Mayo. Nang makalabas ang aming professor ay agad na lumapit sa akin si Mayo Ukayo na isang Japanese pero ipinanganak at lumaki siya dito sa Pilipinas at si Rina Madrigal na dalagang Filipina. Sila ang mga kaibigan ko na maituturing ko rin na mga kapatid. Kung hindi dahil sa dalawang ito ay baka nabaliw na ako sa subrang lungkot. Si Rina ay isang iskolar ng aking pamilya. Dahil sa talino nito ay malayo na ang narating niya. At deserved niya ang lahat ng biyaya niya ngayon dahil subrang sipag nito. Iyon nga lang ay hindi na nakikita pa ng kanyang Papa ang buhay na tinatamasa nito dahil sa sariling sipag at tiyaga dahil matagal na itong namaalam. Sa tuwing linggo at sabado ay nagtatrabaho sa bahay si Rina bilang katulong. Super proud ako sa babaeng ito. "Hindi ako makakasama. Sabado bukas, may trabaho na ako," sabad ni Rina. Halos sabay kaming napatingin sa kanya. Ngumiti ito sa amin pero kilalang-kilala ko na ang pagkatao niya. Alam ko ang klase ng ngiting iyon. Hindi niya maitatago sa akin ang katotohanan. "Rina, huwag mo nang itago. Hindi mo ako maluluko sa peke mong ngiti," naka-irap kong sagot. Mahina siyang natawa bago ako niyakap mula sa likuran. "Pasensiya na Akhi. Gusto ko sanang sumama kaso hindi pwede. Alam mo na," aniya kaya nagkatinginan kami ni Mayo. Lumayo ako sa kanya para sabay silang harapin. Kakaibang ngiti ang ibinigay ko sa kanila at saka tahimik na nagbilang sa isipan ko. Ilang segundo lang ay malakas na silang tumili dahilan para mapatingin sa amin ang natitirang estudyante sa loob. Pansin kong napatingin din sa gawi ko si Adrian pero binalewala ko lang. "Wala sa bahay sina Tatay at Nanay. As usual, lumipad na naman sa Dubai," naka-irap na sabi ko pero napapangiti naman. Muling tumili ang dalawang bruha. "Wala kang dahilan para hindi sumama, Rina. Day off nilang lahat sa bahay bukas. Tulad ng dati, tayong dalawa lang at mga bantay ko ang maiiwan sa bahay," aniya ko at kinindatan pa si Rina. Malawak siyang napangiti. "May lakad din si Papa bukas. Tatawagan ko si Mama para magpaalam sa kanya. Siguradong papayag siya na makitulog ako sa bahay niyo. Makikisabay na lang din kayo sa inyo," sabi ni Mayo. Ngiting tagumpay kaming tatlo bago naghiwa-hiwalay para ayusin ang aming mga gamit. Nang maisuot ko na ang bag pack ko ay naglakad na ako palabas. At dahil pilyo ako ay iniwan ko ang dalawa. Ang bagal kasi nilang kumilos. Kaya ang ending ay hinabol na lang nila ako. "Akhi, ang hot ng bagong bantay mo, huh? Baka pwede kong tikman?" Biro ni Mayo nang naglalakad na kami at nasa hulihan si Adrian. Umikot ang mga mata ko bago sumagot. "Huwag mo nang subukan, Mayo. Napaka-antipatiko ng matandang iyan. Akala mo kung siya ang boss kapag umasta. Kung utusan ako ay para bang alipin niya ako," sagot ko. Umawang ang bibig ni Mayo at saka saglit na sinulyapan si Adrian. "Talaga? Baka naman may gusto siya sa'yo?" Agarang sagot ni Rina kaya muling umikot ang mga mata ko. "Kung siya lang ang magkakagusto sa akin? Tsk! Salamat na lang. Ayaw ko sa kanya," mariin na sagot ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang kakaibang pagpapalitan ng tingin ni Rina at Mayo kaya sinamaan ko sila ng tingin. Dali-dali naman silang umayos. "Bakit naman,Akhi? Hindi ba ang mga katulad niya ang tipo mo?" Nagtatakang tanong ni Mayo. Napakakulit talaga nila. At ang tatamad pang banggitin ang pangalan ko. Maikli na nga ang Akhira pero kinulangan pa ang letra niyon. Minsan ay hindi ko rin alam kung paano ko ba naging kaibigan ang dalawang ito. "Ang gusto ko sa lalaki ay sinunod ang lahat ng gusto ko. Oo nga at mga katulad niya tipo ko. Pero hindi siya iyon. He's the only exception. Get's niyo?" Inis na sagot ko. Muling nagpalitan ng tingin si Mayo at Rina bago tumango. "Oh my God. Na-miss ko ang ganito, Akhi. Matagal-tagal na rin magmula nang makitulog ako sa bahay niyo," tuwang saad ni Mayo na tinanguhan rin ni Rina. Napangiti ako dahil ako rin naman ay na-miss sila. Ang sarap sanang magkaroon ng kapatid na babae pero malas ako dahil lalaki ang lahat ng kapatid ko kaya wala akong makalaro sa kanila. "Saan ko sila ibababa?" agad na tanong ni Adrian nang makapasok kaming tatlo sa likuran ng sasakyan. Talagang liningon pa niya ako at sinalubong ang tingin ko. Kahit yata ang sulyap man lang ay hindi niya ginawa kay Rina at Mayo. Tanging nasa akin lang nakapukos ang paningin niya. "Sa bahay. Makikitulog si Mayo at si Rina naman ay doon siya umuuwi sa tuwing sabado at linggo," paliwanag ko. Tumango siya bago muling ibinalik ang paningin sa unahan. "Nakita mo iyon? Kakaiba siya tumingin sa'yo, Akhi," malisyosang bulong ni Mayo. Mahina pa silang tumawa na para bang kinikilig. Sabay ko silang siniko dahilan para tumahimik sila. Pero ilang segundo lang ay sabay rin nila akong siniko. Pangiti-ngiti ang dalawa at para bang tinutukso nila ako kay Adrian. Kung sila kaya ang ipatusok ko sa yummy hotdog ni Adrian nang malaman nila kung ano ang pakiramdam ng maging bodyguard ni Tanda? Nakakaluka. Tatanda yata ako ng maaga. "Adrian, may asawa ka na ba?" Biglang tanong ni Mayo ilang sandali pa ang lumipas. Hindi ko maintindihan pero bigla akong naalarma. Ramdam ko ang pag bilis ng pagtibok ng aking puso. Para bang may parte ng isipan ko na nagdidikta na sana ay sabihin niyang wala at single na ready to mingle siya. "I have special someone," sagot ni Adrian at bahagya pang sumilip kaya nagtama ang aming mga mata. Muli kong nakita ang kanyang kakaibang ngiti ngunit inirapan ko siya lang ganti. Napa-iling siya. "Asawa or girlfriend ba ang someone na iyon?" Makulit na tanong ni Mayo. Tanging ngiti lang ang naging sagot ni Adrian sa sumunod na tanong ni Mayo. Tila ba ayaw niyang sabihin ang totoo. "Ibig sabihin ba niyan ay hindi ka na available?" tanong naman ni Rina. Sabay ko silang siniko para tumigil na sa pagtatanong pero sadyang hindi sila mapigilan. Marami pa silang itinanong pero hindi na sila sinagot ni Adrian. Naging tahimik na siya hanggang sa makarating kami ng bahay. "Akhi, mukhang masungit si Adrian. Makakatakas ba tayo sa kanya?" Problemadong tanong ni Mayo. Nasa loob na kami ng aking kwarto pero si Rina ay nasa kusina pa at naghahanda ng aming pagkain. "Masungit at arogante ang tandang iyon pero tatakas tayo kahit na anong mangyari," mariin na giit ko. Napangiti si Mayo. Sa harap niya mismo ay naghubad ako ng uniform. Wala na rin kaso iyon sa amin dahil ilang ulit na rin kaming naligo ng sabay nang walang pante at bra. Nagsusukatan pa nga kaming tatlo kung sino ang may malaking boobs at kung sino ang may makapal ang buhok sa ari. "Gutom na ako. Baba na tayo?" sabi ni Mayo kapagkuwan na tinanguhan ko. Magkasunod kaming lumabas ng kwarto, nasa unahan si Mayo kaya bumangga ako sa likuran niya nang bigla siyang tumigil. "Bakit?" Nagtatakang tanong ko. Gamit ang kanyang labi ay may itinuro siya kaya sumunod ang tingin ko kung saan siya nakatingin. Sa labas ng aking kwarto ay nandoon si Adrian, nakatayo at nakasandig sa pader habang nakapikit ang mga mata. "He looks so damn hot, Akhi. Gusto ko tuloy siyang gapangin," bulong ni Mayo. Hindi ko alam pero napalunok ako. Tulad ng sinabi ni Mayo, para bang gusto ko rin siyang gapangin. Oh my god! Subrang katakam-takam niyang panoorin sa pustura nito. Subrang yummy niya, ano pa kaya ang hotdog niya. Siguradong mapapahiyaw ako niyon at madadala ako nito sa langit. Biglang bumukas ang mga mata ni Adrian kaya para kaming magnanakaw ng nahuli. "Saan ang punta niyo?" tanong nito na sa akin nakatingin. Naiwang naka-awang ang bibig ni Mayo kaya ako na ang sumagot. "Sa kusina," aniya ko. Tumango si Adrian bago iminuwestra ng kamay nito ang daan. Itinulak ko si Mayo dahil hindi pa rin siya gumagalaw. Naglakad kami na hawak ko ang kanyang kamay dahil na kay Adrian pa rin ang atensyon nito. "Umayos ka, Mayo. Kung ayaw mong sabunutan kita," banta ko kaya natawa siya. "Masisisi mo ba ako, Akhi? Bakit naman kasi ganyan ang bantay mo?" Paninisi nito sa akin kaya umikot ang mga mata ko. Tumahimik na lang ako dahil nasa likuran din namin si Adrian. Nakasunod ito kahit na saan man kami magpunta. Naghahalo ang tuwa at pagka-irita ko sa kanyang ginagawa. Hindi ko maipaliwag ang aking sarili. "Anong mukha iyan, Akhi?" Natatawang tanong ni Rina nang pumasok kami ng kusina. Mahinang natawa si Mayo kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nasa labas ng kusina si Adrian at nagpa-iwan doon, bagay na ipinagpapasalamat ko dahil baka hindi kami makakain kung nasa harapan namin siya. "Sa tingin ko ay hindi tayo makakapunta ng club ngayong gabi. Kahit saan magpunta itong si Akhi ay nakasunod sa kanya si Adrian," pagsusumbong ni Mayo kay Rina. Halos sabay nilang sulyapan si tanda bago itinuon ang kanilang mga mata sa akin. "Sige lang. Kung hindi tayo makakatas ngayon ay manonood na lang tayo ng movie," nakangising sagot ko. Malakas na natawa si Mayo pero si Rina ay napangiwi at saka bahagya pang lumayo sa amin. "Labas na ako sa trip niyong iyan. Mas gusto ko pang matulog kaysa naman sa manood niyon at mabasa ang pempem ko," sagot ni Rina na ikinatawa namin. The horror in her face is visible. "Bahala ka," natatawang sagot ni Mayo. Napuno ng masayang halakhak ang kusina. Tatlo lang kami sa loob niyon pero dumadagundong na ang malakas na boses doon. Pagkatapos kumain ay tinulungan ni Mayo si Rina sa paghuhugas ng aming pinagkainan. Habang ako ay nanatiling naka-upo habang gumagamit ng cellphone. Saka lang kami bumalik sa taas nang ilang sandali na ang lumipas. "Rina, silipin mo nga kung nasa labas pa rin si Adrian?" Utos ni Mayo. Agad na tumayo si Rina at sinunod ang sinabi ni Mayo. Lumapit sa pintuan si Rina at dahan-dahan na binuksan ang pintuan. Hindi ko mapigilan ang matawa sa ginagawa ni Rina dahil para bang magnanakaw siya na hindi makuhang makaligtas sa kanyang pinagnakawan. Kapagkuwan ay nakangiwi siyang humarap sa amin at saka umiling. "Paano ba iyan, Akhi? Hindi tayo makakalabas nito. Ang higpit naman kasi niya sa'yo," problemadong sabi ni Mayo. Natahimik ako at saglit na nag-isip ng paraan. Lumapit ako sa bintana at nang makitang mataas iyon dahil nasa ikalawang palapag pa ang kwarto ko ay napatampal ako ng aking noo. "Walang paraan. Hindi tayo makakalabas nito," bulong ko. Kahit na gano'n ay lumapit pa rin ako sa pintuan. Susubukan ko lang kung mapapasunod ko ang tandang iyon. "Go, Akhi. Kaya mo iyan, girl," pagchecheer ni Mayo sa akin. Napangiti ako. Huminga ng malalim bago binuksan ang pintuan. "Ah! Adrian, pwede ka nang magpahinga. Okay na kami dito sa loob," aniya ko na umagaw ng kanyang atensyon. Tulad kanina ay nakasandig pa rin ito sa pader habang nakapikit. "Sige na. Matulog na kayo," sa halip ay naging sagot niya. Sumama ang mukha ko. Inirapan ko siya bago tumalikod. Bago pa man ako makabalik sa loob ay narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. Para bang natutuwa siya pag nagsusungit ako. Bagsak ang balikat kong bumalik sa loob ng aking kwarto. Talagang wala kaming ligtas nito. Hindi kami makakapunta ng club kung ganito kahigpit si Adrian. Hindi ba siya napapagod sa pagtayo diyan sa labas ng kwarto ko. Kumakain pa kaya siya? O baka naman hindi na nagugutom ang isang iyon. "Huwag ka nang malungkot, Akhi. May alam akong palabas na talagang mawe-wet ka," pagpapalakas ng loob ni Mayo. Pinanood ko siyang galawin ang mga gamit ko. Tahimik kong hinintay ang sinasabi nito na magandang palabas. Nang magsimulang mag play ang nasa screen ng tv ay natawa kaming pareho nang makita si Rina na nakahiga na sa aking kama. Talagang itinago pa nito ang kanyang ulo sa ilalim ng kumot. "Hayaan mo na iyan. Manonood din iyan mamaya, pustahan tayo," natatawang sabi ni Mayo. Linakasan niya ang volume ng tv at nang magsimulang umungol ang babaeng nasa palabas ay napatakip ako ng bibig. "Mayo, baka marinig ni Adrian," natatawang sabi ko. Natawa rin si Mayo pero mas linakasan pa nito ang tv. "Bahala siyang tayuan doon," aniya. Walang pakialam at talagang hindi nahihiya. "Baka nga magsasarili pa iyon diyan sa labas,"dagdag nito at saka malakas na tumawa. Gaga talaga ang isang ito. Minsan ay hindi ko alam ang takbo ng kanyang isipan. Hindi ko masabi kung pilyo lang ba talaga siya o sadyang marumi lang talaga ang utak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD