4

1592 Words
Maingay. Magulo. 'Yon ang senaryo sa pinagdarausan ng birthday party ni Chloe. Sa mismong malawak na bakuran ng pamilya nito, sa gilid ng malawak na pool. Maganda ang ayos ng venue. Narinig niya kanina, pina-organized pa sa isang sikat na organizers ng parties sa lugar nila. Kaya naman ay napakagarbo kung tingnan nang dati nang magandang tahanan. Lahat na yata ng anak-mayayaman sa lugar nila ay nagtipon-tipon sa gabing ito. "This is so plump." "Yeah, but I am planning to throw my birthday bass in Batanes next month and you are all invited." Napapailing na lang siya sa naging takbo ng usapan ng mga kabataang bisita ni Chloe. Grabe talaga ang mga mayayaman kung magtapon ng pera, naisip niya. Sky’s the limit kung gumasta. Kung itinulong na lang sana sa mga mahihirap, mas may value pa ang pera ng mga ito. Habang nakikipag-usap sa mga kaibigan ay ngingiti-ngiti lang si Chloe. Kung halos maghubad na ang ibang naroroon, mas pormal at modest at suot ng amo. Halata rin na nakikisakay at nakikisama lang ito. Panay pa ang lingon nito sa kanila. Ganito naman si Ma'am Isa, tsini-tsek kung okay lang siya sa kinauupuan niya. Alangan naman na makiumpok din siya sa mga ito. "Okay ka lang, Eman?" Bahagya pa niyang siniko ang katabi. Ang seryoso kasi ng habas ng mukha nito. Nakaupo lang sila sa isang sulok ngunit ang mga mata nito ay hindi inaalis kay Ma'am Isabella. "Hoy!" Kinain na talaga ni Isa ang pansin nito. Ni hindi nakinig sa kanya. "Iba rin talaga ang amats mo, 'no?" Nagdugtong pa ang mga kilay nito at tila gumagalaw ang panga. Sa tingin niya nakahanda itong manakit kapag may umargabyado sa maganda nilang amo. Nakakuyom pa ang mga kamao nito, nakita niya nang magbaba siya ng tingin. Overprotective ito masyado sa babae. Sa ultimate crush nito. "Proxy driver ka lang, hindi ka bodyguard," paalala niya kay Eman nang akmang tatayo ito nang may lalaking walang patumangga na lumapit kay Isabella. "Ang bastos kasi, eh." Bastos nga naman. Umakbay na lang basta sa amo at nag-abot rito ng basong may lamang alak, panigurado. Kumislot naman si Isabella, ngumiwi ang mukha at pilit na itinutulak palayo sa walang modong lalaki. "Baka nakakalimutan mo kung sino ‘yan?" Si Hugo Ramirez, anak ng isa sa pinakamayayamang angkan sa lugar nila. Katulad ng mga Cordova, malawak na lupain din ang pag-aari ng mga Ramirez sa Silay. Gaya ni Chloe, sa Maynila rin ito nagkokolehiyo. Vocal ito sa hangarin kay Isabella noon pa man. Nakakasilaw at nakakainis na nga ang pagmumukha nitong pasulput-sulpot na lang Basta sa Hacienda Cordovs. Gwapo naman si Hugo- mestizo kasi nga may laging kastila, matangkad at matipuno. Kaya lang sobrang magaspang ng pag-uugali nito. Notorious party-goer, player, brat. Mga katangiang hindi kaaya-aya sa isang lalaki. Napapaismid siya kapag naririnig ang mga kapintasan nito. Gaano man nito kagwapo, pangit pa rin ito sa paningin niya. Kung siya ang papipiliin, mas gusto niya ‘yong mabait at responsable. Hindi sinasadyang mapatingin siya sa gwapong mukha ni Eman. Gaya ba ni Eman ang hinahanap niya? Ah, hindi. Ewe. Nakakadiri ang naiisip niya. Nasusuka siya. Eh, para na nga niya itong kapatid. "Ano?" Napalakas yata ang boses niya. Natataranta tuloy siya kung ano'ng isasagot sa tanong ni Eman. May kunot ng noo pang kalakip sa tanong. "Ano'ng ano? May sinabi ka kaya." Napapantastikuhan ito sa kanya. "Wala ha," kaila niya na kaagad na napanguso. "Sabagay, mahilig ka naman talagang makipag-usap sa hangin." May kaunting bahid na ng mapanudyong ngiti ang bibig nito. Naaaliw na naman sa kanya. "Mukha mo." Nagulat na lang siya nang biglang guluhin ni Eman ang magulo na ngang pagkakaipit sa hair clamp niyang buhok. Endearing. Parang naaaliw sa kanya na parang teddy bear siya. Ganoon naman talaga ang tingin nito sa kanya. Younger sister. Hindi gaya ng pagtingin nito kay Ma’am Isabella. Bakit, ano ba ang gusto niya? Nakakatawa siya. Kung anu-ano ang naglalakbay sa isip. Itinuon niya ang paningin sa unahan, sa umpukan nina Isabella at ng mga kaibigan nito. Ngunit particular na naagaw ni Chloe ang pansin niya. Hayagan na malagkit na titig ang ipinupukol ni Chloe kay Eman. 'May gusto pa yata kay Eman. Hayst!' Attractive nga naman talaga ang kaibigan niya kaya naman kahit panay ang ngisi nito at maarte pang kumukumpas ang mga kamay habang nakikipag-usap ay panay ang lingon sa gawi nila. Kalaunan ay hindi na nakuntento at lumapit pa sa kanila. Parang beauty queen na naglalakad at sadyang pinahampas ang mga balakang habang ang mga titig ay hindi inaalis sa katabi. 'Hmp, arte naman!' “And you are?” intersanteng tanong kaagad ni Chloe kay Eman. Kinuha pa nito ang beer mula sa waiter na napadaan at ibinigay sa binata. Tumayo si Eman bilang panggalang. 'Yan, isa pa 'yan. Kaya maraming babaeng nahuhumaling kasi pa-fall din itong si Eman. Sobrang gentleman pagdating sa iba pero balahura naman sa kanya. "Eman po, Ma-am. Pasensya na ho, magda-drive pa ho ako, Ma'am. ‘Di po ako pwedeng uminom," magalang na tanggi ni Eman sa babae. Persistent si Chloe. "Oh, come on, wala namang traffic dito sa atin." Ke bata-bata pa ni Chloe, first year college pa lang pero grabe na kung magbisyo. Kapag nasa hacienda ito at binibisita si Isabella, panay ang hitit-buga ng sigarilyo. Chain smoker. Malamang kapag umabot ito ng trenta, sunog na ang baga nito. Lung cancer ang mapapala. "Pasensya na ho talaga, Ma’am." "Chloe, pabayaan mo na si Eman," sawata ni Isabella na napalapit na sa kanila at iniwan ang iba pa nitong kabarkada. “Well,” si Chloe na inilapag sa bench na inuupuan nila ni Eman ang bote. "Hindi kita pipilitin but next time, I won't accept no for an answer." 'Hala! Akala yata may next time pa. In her dreams.' Para na siyang tanga nito na panay kausap sa sarili. "Chloe, bumalik ka na sa party. You have visitors to attend to," magalang namang pagtataboy ni Isabella. Bago umalis ay may ibinulong muna si Chloe na ikinamulagat ng mga mata ni Isabella. Kalandian na naman panigurado. Wala namang ibang namumutawi sa bibig nito kundi promiscuous na mga salita kahit pa nga galing ito sa isang Catholic school. Hindi yata tumalab sa buto nito ang aral ng mga madre. Pinaraanan pa nito ng daliri ang hita ni Eman sa parang malanding paraan habang kagat ang pang-ibabang labi. ‘Ang landi!’ Ang hindi niya maintindihan ay kung papano naging mag-bestfriends sina Isabella at Chloe. Sobrang layo ng personalites ng dalawa, isang mahinhin at isang bruhildang spoiled brat na malandi. "Pasensya ka na, ha." Si Isabella pa talaga ang humihingi ng paumanhin? 'Sige pa, Eman, konting push pa.' Nakapuntos na si Eman sa amo. "Kain muna kayo." Sinenyasan ni Isabella ang waiter na bigyan sila ng makakain at inumin. Ilang saglit lang ay nakapalapag na sa kanilang mesa ang dalawang plato na may lamang mga pagkain. Kahit kadalasan ay appetizers pero okay na rin. Nakakatawid na ng gutom. Buong akala niya ay aalis ito pagkatapos pero nanatili sa kinauupuan katabi syempre ni Eman. ‘Di tuloy makapag-concentrate ni Eman sa pagkain. Halatang naku-conscious. Kulang na lang talaga ay mabilaukan ito. "Hindi ka babalik sa loob?" tanong niya kapagkuwan. "Parang ayoko na muna." "Iniiwasan mo na naman 'yang si Hugo." "Ang kulit kasi, eh." Kita ang disgusto sa mukha ni Isabella. Umusli pa ang nguso nito. "Manliligaw mo ‘yon?" Sa wakas ay natagpuan ni Eman ang sariling tinig. "Sort of." "Ayaw mo sa kanya." Konklusyon ni Eman. Nasa mukha nito ang kaseryosohan. "Pwede mo siyang iwasan." Intense hindi lang ang boses pati na rin ang mukha ni Eman. Ibig ipahiwatig na may magagawa nga si Isabella. Kay ikli ng panahong nagkasama ang dalawa pero heto at kusang nagbubukas ng saloobin si Isabella. Siya na kasa-kasama nito lagi ay malimit na kwentuhan ng mga ganitong bagay. Ano ba naman ang ini-expect niya? Sa halip na sumagot ay tumayo si Isabella at nagsabing, "umuwi na tayo." Nabitin tuloy sa kanyang bibig at ang pizza roll na kasalukuyan niyang isinusubo. Isinantabi ni Eman ang pagkain, pati ang paper plate niya ay kinuha nito. Wala siyang nagawa kundi ang pahran ng tissue ang bibig pati na ang kamay. Kinuha niya ang purse ni Isabella at siya na ang nagbitbit. Si Eman naman at nagmamadali ang kilos na ipinagbukas ng pintuan ng kotse si Isabella. Papasok na ng sasakyan ang amo nang mapatingin ito kay Eman na nakatayo sa tabi nito. "Pwede ba akong umupo diyan sa harapan?" Nagulat si Eman sa sinabi ni Isabella. Mas lalo na siya. Unexpected lang na kaydaling napaamo ng kaibigan ang amo nila. Ang nangyari tuloy siya ang nakaupo sa likuran. Habang biyahe ay manaka-naka nang nag-uusap ang dalawa. Si Eman, kahit papaano ay may reservations pa rin. Si Isabella ang karaniwang nag-i-initiate ng topic. May mga pagkakataon pa ngang nagkakatawanan na ang dalawa. Instantly, nag-click ang mga ito. Napatingin siya sa inuupuan ni Isabella. 'Pwesto ko 'yan.' Ayaw niyang isipin pero tila may bumabangong selos sa kanyang puso. Ayaw niya sa ideyang iyon kaya minabuti niyang ituon sa kalangitan ang pansin. Ngunit sa ginawa niya ay may lumitaw na imahe sa isip niya, ipinipinta nang hindi sinasadya- si Eman. Bakit na naman? Muli siyang napatingin kina Eman at Isabella. Bakit ba may pakiramdam siya na may magbabago sa pagitan nila ng kaibigan simula sa gabing ito, at hindi matatawaran ang parang mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang dibdib. Nakakalito lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD