Chapter 2

1959 Words
"Pasensya na talaga pare. ‘Di ko talaga sinadya." bakas sa mukha ni Kuya Troy ang labis na pagsisisi sa nagawa. Nasa may kitchen kami ngayon. Nakapag bihis na ako ng one piece bikini ko. Suot kong muli ang suot na short kanina. Pagkatapos suntukin si Kuya Justine ay agad na tinakpan ako ni Kuya Troy. Sinigawan pa nito ang mga kaibigan na wag tumingin sabay pasok nya sa akin sa comfort room at pinagbihis. Mabuti na lamang at ‘di na muling nagpakita yung isip. Kasalanan talaga ito lahat ng ipis na iyon kung ‘di sana ito pagala-gala ay sana hindi masapak ni Kuya Troy si Kuya Justine. I explained to Kuya Troy what really happened at nang marinig ang paliwanag ko ay tsaka lamang ito kumalma at labis na nakonsensya sa ginawa kay Kuya Justine. Nakasandal ang likod ni Kuya Justine sa kitchen counter, habang kami ni Kuya Troy ay pawang nakaharap sa kanya. Si Ate Lily nama'y kumuha ng yelo sa ref at binalot nito sa bimpo. Sapo ng isang kamay ni Kuya Justine ang namamagang panga na natamaan ng kamao ni Kuya Troy. ‘Di ko mapigilang mag-alala dahil sa nangyari sa kanya and at the same time makaramdam ng kahihiyan. Sino bang mag aakala na hahantong sa panununtok ang pagkatakot ko sa ipis. I couldn't blame Kuya Troy. Ang laswa nga naman ng position namin ni Kuya Justine kanina. ‘Di ko tuloy mapigilan ang sariling pisngi na uminit ng balikan sa isipan ko ang eksenang namin iyon, nakayakap kami sa isa’t isa habang ang isang kamay nito ay nasa bandang hita ko, nakatuwalya pa ako, buti nalang talaga na sa likod ko ay ‘di ito nalaglag mula sa suot ko. "Tangina pare ang sakit! Kung di pa kita kaibigan, iisipin kong may tinatago kang galit sa akin. Meron nga ba, pre?" ‘Di ko alam kung nagbibiro ba itong si Kuya Justine o nagsasabi ng totoo pero mas lalo tuloy akong nakaramdam ng hiya. "Loko-loko! Sorry talaga pare. Ito kasing si Reign kung makatili daig mo pang k*****y na baboy." Napatingin ako kay Kuya Troy. Sarap talaga sapakin ng kumag na to, sinisi pa nga ako, ang bigat na nga sa pakiramdam, dinagdagan pa niya. "Kilala mo naman siguro ako pare. I’m not that kind of a person. Kapatid mo yan, may respeto naman siguro ako sayo, at isa pa menor de edad yan. Ano ako, pedophile? Langya ka Troy!" Seryoso na saad ni Kuya Justine. "Pasensya na talaga, pare." Tila nahihiyang saad ni Kuya Troy, napakamot ito sa sariling ulo. "Okay lang!" Itinaas nito ang isang kamao, agad naman binunggo ito ng kamao ni Kuya Troy. "Sorry kuya..." Nabaling ang tingin sa akin ni Kuya Justine. Napangiwi ito sa sakit, napalakas masyado ni Kuya Troy ang pagsuntok nito. "It's okay. It wasn't your fault anyway. How are you feeling now?" He asked sincerely, napakabuti namang tao nito. Siya na nga tong na agrabyado, ako pa ang inalala. "Okay lang po, Kuya." Napayuko ako, nakakahiya talaga. He extended his hand and patted my head. "Wag ka nang malungkot, okay lang ako. Sabi ng kuya mo ‘di ba, di nya sinadya." pagbibiro nito. "Pare naman! ‘Di nga yun sinadya." Natawa si Kuya Justine sa reaction ni Kuya Troy. Maya-maya ay nabaling ang tingin namin kay Ate Lily nanglumapit ito. Pumwesto sya sa harapan ni Kuya Justine. Tumingkayad upang maabot niya ang pisngi nito. Napapaiwas si Kuya Justine nang simulang ilapat ni Ate Lily ang bimbong binalot sa yelo sa pingi nito upang maibsan ang pamamaga ng mukha nito. He placed his left hand at the back of her waist. Napakapit naman ang isang kamay ni Ate Lily sa gilid ng leeg ni Kuya Justine. "Pwede ka bang umupo, ang taas mo." Reklamo ni Ate Lily. Ang tangkad naman kasi ni Kuya Justine. Varsity player ng basketball nga pala to noong high school hanggang college. "Hawakan mo mas hahaba pa yan, tingnan mo mamaya titigas na yan." He winked at her. I saw how Ate Lily cheeks turned red. ‘Di rin nakaligtas sa paningin ko ang pagtaas ng gilid ng labi nito when he saw Ate Lily's reaction. "Gago!" Sinadyang idiin ni Ate Lily ang hawak na bimbo sa pisngi ni Kuya Justine. "Aray! Hinay hinay naman!" Napangiwi sa sakit si Kuya Justine sabay iwas ng pisngi nito. "You always want it hard, right?" Napangisi ng tuluyan si Kuya Justine ng marinig ang sinabi ni Ate Lily. "Yong mga bibig nyo may kasama tayong menor dito." Sumabat naman si Kuya Troy. "Oh! Sorry, Reign. " Nakatitig lamang ako sa kanila. Kahit wala naman akong naintindihan sa mga pinagsasabi nila. Umupo nga sa high stool si kuya Justine upang ‘di mahirapan si Ate Lily na abutin ang pisngi nito. Nakabuka ang mga hita ni Kuya Justine. Pumwesto naman sa gitna ng mga hita nya si Ate Lily. Inikot ni Kuya Justine ang magkabilang braso sa likod ni Ate Lily. He was hugging her. I started feeling uncomfortable. Nagigiging sweet na sila sa isa't-isa, lalo na ng mariing tinitigan ni Kuya Justine si Ate Lily. I saw how Ate Lily became conscious at nang bumaba ang kamay ni Kuya Justine sa pangupo nito ay agad nang tinakpan ni Kuya Troy ang mga mata ko. Inakbayan niya ko sabay giya patalikod sa dalwa at hinila ako palabas ng kitchen. "Lets go Reign! Scenes are not suitable for minors." Nagpatianod lamang ako kay kuya Troy. Napanguso ako, nakaramdam ako ng pinong kurot sa saking puso. Narinig ko ang pagtawa ni Kuya Justine. "Ugh! Get a room guys! Ang haharot nyo! ‘Di kayo magandang ehemplo sa mga kabataan!" Nakatalikod na kami sa kanila. Bago pa man kami tuluyang makalabas ng kitchen ay narinig ko ang maharot na tili ni Ate Lily kasabay ng pag-laglag ng kung ano sa sahig na nagawa ng malakas na ingay. Binalak kong lumingon ngunit pinigilan ako ni Kuya Troy at tuloy-tuloy na humakbang palayo sa dalawa palabas ng Villa. Dinala ako ni Kuya Troy sa may swimming pool kung saan nag iinuman ang mga kaibigan nya. Agad naman siyang inabutan ng bote ng beer ng isa sa mga ito. Nakita kong tumanggi si Kuya Troy. "Pass muna ako pare, I don't have plan to get drunk and wasted, alam nyo na kasama ko younger sister ko." May pinag usapan pa sila nung nag abot sa kanya ng beer ngunit wala doon ang pansin ko. Naiwan at nanatili ang isip ko sa posibleng mangyari sa loob ng kitchen. They were flirting, mas lalo lamang akong nasaktan sa naisip. "Reign, Reign, Reign!" "Ay Kuya! Ba't kaba naniningaw!" Nabigla ako ng tawagin ng malakas ni Kuya Troy ang pangalan ko. Galit na napatingin ako sa kanya. "Nakatulala ka dyan! Kanina ka pa namin tinatawag." Saad nito. "Bakit ba! ha?!" Inis kong saad sa kanya, nakaka imbyerna talaga itong kapatid ko na to. Kung pwede nga lang e trade sa iba ay matagal ko ng ginawa! "Gusto mo ba daw mag swimming na. Tinatawag ka nila,o. Yung mga Ate mong nasa pool." Sinundan ko ng tingin ang nginuso nito. Ito yung mga ate na nagaya sa akin mag swimming. Kulang ng isa, nakikipag lampungan pa marahil. 'Di ko alam ngunit may namumuong sama ng loob ako para kay Ate Lily at Kuya Justine. "Nakatulala ka na naman, grabe talaga trauma mo sa ipis no?" Patuloy ni Kuya Troy. ‘Di ko na lang pinansin si Kuya at nilapitan ang mga babaeng kaibigan nito na kumakaway ngayon sa akin. Hinubad ko ang suot na short at nilagay ko sa isa sa mga nakahelerang lounge chair. Napaangat ang tingin ko sa mga kaibigang lalaki ni Kuya Troy ng mapatingin ang mga ito sa aking gawi. Napalingon ako sa aking likuran. Nagkibit balikat lamang ako, totoo namang nakakamangha ang ganda ng view sa likuran ko. Nilibang ko na lamang ang sarili sa paglalangoy at pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan ni Kuya Troy na mga babae. Apat sila, si Ate Rich, Nice, Ruby at Myca panglima sana si Ate Lily kaso nga ‘di ba nakikipagharutan pa hanggang ngayon. Mahigit isang oras na silang nagagamutan sa loob ng kitchen. I wonder what kind of treatment she gave to him at kay tagal naman natapos. "Anong year ka na Reign?" Naagaw ang atensyon ko ng magtanong si Ate Rich. "Senior High po." Graduating na nga pala ako, ngunit hanggang ngayon ‘di ko pa rin alam kung anong kurso kukunin ko. "What?!" Napahawak ako sa aking dibdib, nagulat ako ng magkasabay-sabay pa sila. Grabe naman kong makareact ang mga ito. "Highschool ka pa lang? " ‘Di ko alam kung ma-fla-flattered o kaya’y ma-o-offend ngunt tumango pa rin ako. "Anong height mo?" Tanong ulit ni Ate Rich. "5' 7" po " I honestly answered their questions. "Sana all biniyayaan ng height." It was ate Myca. "Buong akala namin nasa college ka na, wala kang balak maging beauty queen, ang ganda mo tapos ang ganda ng vitals mo , plus ang tangkad mo pa." Ate Ruby said, what she said was flattering ngunit wala talaga akong guts rumampa sa entablado. "Nakakahiya at isa pa ayaw ng parents ko, distraction lang daw yun sa pag aaral ko." "Sayang naman!" Saad ni Ate Ruby. "By the way Reign, may girlfriend na ba Kuya mo?" Ate Myca asked. Hmm now I know kung bakit nila ako kinakaibigan, they just want to fish some information from my brother. "Marami, sobrang rami. Iba-iba dinadala sa bahay everyday. Pinapagalitan nga lagi ni mommy eh! Dahil kung sino-sino na lang daw jinojowa." Some of what I said was true, exag nga lang ang araw-araw, buwan-buwan siguro. "So meaning walang sineseryoso kuya mo ngayon?" Damn! bakit masaya pa sila sa kwento ko. "Mukha po.." Naagaw ang aming pansin ng magkasunod na lumabas ng Villa sina Kuya Justine at Ate Lily, magkahawak kamay pa nga. "I told you. Lily and Justine are in a relationship!" Bulong ni Ate Ruby kay Nice ngunit narinig pa rin naming lima. "Sila po?" I curiously asked. "Parang, matagal na naman naming nahahalata. Ewan lang namin kung bakit nila tinatago, eh pareho na naman silang nasa tamang edad." "Ganun po ba? Bagay naman sila." Talaga ba Reign? Ba't nasasaktan ka? Nawalan na tuloy ako ng ganang maligo. "Una na po ako mga Ate, giniginaw na kasi ako." Pagkasabi'y agad akong lumangoy patungo sa steel na hagdanan. Humawak ako sa magkabilang handle. I pushed myself up, umahon ako sa tubig. ‘Di ko napigilan ang sariling tingnan muli sya, ngunit huli na para bawiin ko ang mga mata nang makita kong mariin itong nakatitig sa akin. I sadly stared at him, ngunit ako pa rin ang unang nagbawi ng tingin. Naglakad ako palapit sa lounge chair upang kunin ang hinubad kong shorts. Sinuot ko itong muli. Nabaling muli ang tingin ko sa gawi nya. Nakaupo na ito sa isa sa mga silya at nakasandal ang likuran sa sandalan nito ngunit para lang masaktan muli nang lumapit si Ate Lily sa kanya at umupo sa kandungan nya at buong puso niya itong winelcome. Nahuli nya muli ang mga titig ko. Mabilis kong binawi muli ang tingin at patakbong tinungo ko ang pintuan papasok ng Villa. Nasasaktan ang puso ko. s**t! Bakit parang naluluha pa nga ako ngunit bago ko pa man marating ang pintuan ay napahinto ako ng mabangga ko ang isang lalaki. "Careful! " Muntik na kong matumba mabuti na lamang at maagap ang mga kamay nitong napahawak sa likuran ko. "I'm sorry... " Anu ba naman to! Nakakalampa ba talaga mainlove? Bigla tuloy umatras ang mga luha ko. "It's okay, next time be careful..." nginitian nya ko. "I'm Jim by the way." He extended his hand. I smiled at tinanggap ang kamay nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD