"Ayoko nga sumama sayo kuya Troy!" Pagsusungit ko. Dinisturbo kasi nito ang masarap kong tulog. He wanted me to go with him on a trip with his batchmates sa master's degree nito. E ayaw ko! Gagawa na lamang akong assignment o kaya project, productive pa ara ko.
"Whether you like it or not you should go with me! Magisa ka lang dito! Mapapatay ako ni Mommy at Daddy kapag nalaman nilang pinabayaan kita magisa dito! Kaya get up na! Fix yourself, anytime Justine will be here to fetch us up!" Napadilat ang mga mata ko when I heard my crush name buti na lang at nakatalikod ako sa gawi ni Kuya. Now, it caught my attention ngunit of course di ko pinahalata kay Kuya Troy. He's gonna kill me if he knows that I have a crush on one of his friends. "C'mon Reign, sige na, sarap gumala. Pagbigyan mo na si kuya."
Naramdaman ko ang pag-alog ng kamang hinigaan ko, umupo si Kuya sa tabi ko, hinawakan nito ang balikat ko at niyogyog. “Baby please, sama ka na."
"Ayoko kuya..." Isa pang pilit kuya, isa pa, hihi. "Pagod ako, marami akong inaral kagabi, gumawa pa ko ng projects, ng assignment. Ayoko sumama- sandali san ka pupunta? " Napabalikwas ako ng bangon ng biglang tumayo si Kuya, nakita ko itong nakatilkod at tinungo nito ang pintuan palabas ng kwarto ko.
"Kung ayaw mo bahala ka! Papuntahin ko na lang dito si tita Erin upang bantayan ka, dami mong art-"
"Okay fine! sasama na ! hintayin mo lang ako sandali! Maligo at magbihis lang ako okay! Nagpapalambing lang eh! " Putol ko sa kanyang sinabi, tuloy-tuloy talaga ang mga hakbang nito ni ‘di man lang ako tiningnan ng magsalita ito muli.
"Papalambing! Di na bagay sayo, damulag ka na!”
"Ikaw bakulaw!" Biinelatan ko siya bago patakbo na tinungo ko ang banyo. Doble ang kilos ko sa takot na iwan ako ni Kuya. Pagkatapos kong maligo at magsipilyo ay lumabas ako ng kwarto at pumasok sa loob ng walk-in closet ko upang makapag bihis. Syempre pinili ko yung medyo revealing, yung makikita ang hubog ng katawan ko, yung mapapansin agad ako ni Kuya Justine.
Lumabas agad ako ng aking kwarto ng makapag bihis. Umupo ako sa harap ng aking vanity table upang ayusin ang sarili. Dapat natural lang yung makeup na iaapply ko, yung hindi mapapansin ng iba na naka-make-up ako.
Napangiti ako ng makita ang sarili sa salamin, lutang na lutang ang pagka-mestiza ko lalo at na-emphasize ito ng nilagyan ko ng blush-on ang pisngi ko. Nang makuntento ay sinimulan ko ng ayusin ang mga dadalhin kong damit at gamit para sa overnight staycation.
"Ano ba yang suot mo?" Salubong ang mga kilay ni Kuya Troy habang pinasadahan ako ng galit na tingin. Ano ba ang mali sa suot ko, high waisted white shorts at black na tube top lang naman suot ko at white slippers.Sa balikat ko ay nakasabit ang puti kong designer tote bag.
"’Di ba pool ang pupuntahan natin? Alangan naman mag gown ako kuya." Pilosopong sagot ko sa kanya, ngunit mas lalo lamang itong nagalit.
"Ayus-ayusin mong pagsasagot sa akin Reynalyn! Bumalik ka sa itaas kumuha ka ng Jacket !Di tayo aalis kapag ganyan suot mo!” mando nito sa akin.
"Jacket talaga kuya? Mag-swi-swimming tayo tapos naka jacket?" dagda ko pa.
"Isa!" Yan na! Nagsimula na siyang magbilang. Kapag ganito, seryoso na talaga ang galit nito.
"Pero Kuya-" sinubukan ko pa ring lumusot.
"Ano? Ako pa pipili ng isusuot mo?" pagkarinig ay sinunod ko na lamang ang gusto nito, mahirap na baka totohanin nito ang sinabi at magiging madre ako bigla sa damit na ipapasuot niya sakin.
"Heto na heto na! O! Get my bag, be careful!" Tinanggap nito ang tote bag ko. I stomped my foot at nag martsa na nga ako pabalik ng aking kuarto.
"Nagdadabog ka? Dinadabogan mo ako? "
I mocked him silently ngunit natigil pa rin ako sa pagdadabog ng mga paa ko.
Habang naghahanap na ako ng matinong itatakip ko sa suot kong bikini ngunit bakat pa rin ang hubog ng katawan ko ay biglang may bumusina sa tapat ng gate namin. "Ay kabayo!"
Napahawak ako sa aking dibdib, ngunit nang marealize kong baka si Kuya Justine iyon ay dali-dali akong sumilip sa bintana, para akong earthworm na nilagyan ng asin ng makitang lumabas ng van si Kuya Justine. He was wearing a white short sleeve polo with black dots, blue board shorts and slider, nakashade pa nga. "Shocks! Ang gwapo niya talaga!" Hindi ko ito nilubayan ng tingin, napatago ako bigla ng biglang napagawi ang tingin niya sa banda ng pinagtataguan ko, siguro ay naramdaman niyang may nakamasid sa kanya. Nang sumilip ako muli ay nakapasok na ito sa loob ng bahay namin.
"Reynalyn! Di ka pa ba tapos?!" Oh s**t! Oo nga pala, hihintay na ako ni Kuya Troy! s**t, nakakahiya at pinaghintay ko pa sila. Ito kasi si Kuya Troy, apaka conservative pero yung dinadala niyang mga girlfriend dito sa bahay halos lumuluwa naman yung bilbil.
Tumakbo ako pabalik sa loob ng walk in closet ko. Kinuha ko ang isang white see through cover dress at yun ang ipinatong ko sa suot kong tube at shorts. Lumabas ako ng walk in closet at tinungo ang vanity table ko. Kinuha ko ang mamahalin kong pabango at muli'y niligo ko sa sarili ko.
"Coming na kuya!" Patakbo kong tinungo ang hagdanan ngunit parang sasakyan ay napabreak ako ng paa nang makita sa ibaba si Kuya Justine kausap nito si Kuya Troy at katulad ng dati ay masungit na mukha ang ibingay ko kay Kuya Justine. This is to hide my real feelings for him, char.
Dahan-dahan akong bumaba sa hagdanan. Napaangat ang tingin niya sa akin. Feeling ko tuloy ay ako si Rose tapos siya si Jack, ang harot ko. He even smiled at me, lumabas ang mapuputi at pantay-pantay nitong tingin, gustuhin ko mang mangisay sa kilig dahil sa naisip ay pinigilan ko ang sarili.
"Good morning Reign!" He greeted me just when my feet landed on our living room floor. Tiningnan ko lamang siya na para bang wala lang sya sa akin, char ulit, arte ko.
"Good morning." Walang kabuhay-buhay kong bati pabalik sa kanya, bahagya ko lang siyang sinulyapan.
"O, ang aga-aga ba't ganyan itsura nyan?" He asked Kuya Troy.
"Ewan ko dyan, baka may period" Namula ang pisngi ko sa tabil ng dila ni Kuya Troy. Of all, yun pa naisip isatinig. Kakagigil talag tong kapatid ko!
Nagwalk out ako, nilagpasan ko silang dalawa, "May period nga." narinig ko pang segunda ni Kuya Justine, nilingon ko sya tsaka inismiran, tinawanan lang ako, nakakagigil ka crush, huh!
Nagpatuloy ako sa paghakbang palabas at tinungo ang Van. Pagpasok ko halos puno na ang loob nito. "Hi Reign!"
"Hello, po!" Some of those who knew me greeted me.
"I think sa front seat kayo ng Kuya Troy mo." Ate Lily said.
"Ah okay po, thank you po." nginitian ko si Ate Lili sabay talikod upang bumaba ng sasakyan.
"You can sit beside me Reign if you want." A guy I didn't know the name offered me, tapos ngumisi ng nakakaloko.
"Kutos gutos mo?! Taluhin muna lahat wag lang kapatid kong hayop ka!" Natawa ako sa reaksyon ni Kuya Troy.
"Ito naman nag magandang loob na nga." Napakamot na lamang ito sa kanyang ulo, nagtatawanan naman ang iba.
"Mukha mo palang di na gagawa ng mabuti."
"Kahit kailan ka talaga Troy napaka judgemental mo."
Bumaba na lamang ako ulit, nakabukas na ang front seat hawak ni Kuya Troy ang pintuan. Sumakay ako sa shotgun seat. Ilang saglit lang ay bumukas ang sa driver seat at sumakay na rin si Kuya Justine. ‘Di ko mapigil-pigil ang kaba ko ngayong ang lapit-lapit namin sa isa't isa.
"Usog pa Reign!"
"Huh?" Napatingin ako kay Kuya Troy, sumampa na nga ito katabi ko.
"Anong huh? Sabi ko usog ‘di ako magkasya! Bingi!" Sus kung hindi lang talaga mas matanda sa'kin to sinabunutan ko na talaga to.
"Oo na!" Umusog ako ngunit bigla akong napalingon sa gawi ng driver seat, insaktong paglingon ko ay ang pagharap rin ni Kuya Justine sa gawi ko. Kay lapit ng mukha namin sa isa't-isa, naistatwa akong bigla, habang nakatitig sa kanyang mga mata. He stared at me, napakagat labi ako ng bumaba ang tingin nito sa labi ko, feeling ko tuloy ang landi ko.
"Lets go..." He looked back at my eyes, yung kaba ko ‘di ko na mapigil, napalingon na lamang ako sa aking harapan dahil ‘di ko kayang salubungin ang mga titig nya. Kasabay ang pagtunog ng makina, ramdam ko pa ang butil ng pawis sa aking sintindo kahit napakalakas naman ng aircon sa loob ng van.
Maya-maya nga'y nagsimula na kaming umusad, ‘di ako mapakali, dahil nga diba nasa malapitan lang yong jowa ko este yong future jowa ko pala, kaya ofcourse buhay na buhay ang katawang lupa ko Tama nga ang naisip kong maligo ng perfume kanina.
Napalingon ako sa likuran, lahat sila ay tulog na, ang aga pa kasi, marahil ay bumabawi ang mga ito ng tulog dahil napaaga ang gising. Napatingin rin ako kay kuya Troy, he was also asleep, ‘di ko na rin napigilan ang sariling mapahikab. "Sleepy?" Napalingon ako kay Kuya Justine, nasa harapan ang tingin nito, ngumiti ito sabay sulyap sa akin. Hay naku! Wag mo kong nginingitian ng ganyan Justine! Marupok ako! "Stop staring at me Reign. I can't concentrate."
Bigla ko na lamang ibinaling ang mukha sa aking harapan. Napapikit ako, ‘di ko inakalang natagalan pala ang paninitig ko sa kanya. "Di naman!" Napalingon akong muli when I heard him chuckle.
"How old are you again?" He asked.
"Seventeen pa po." Sagot ko sa kanya.
"Sayang. " I heard him whisper. Napaligon muli ako sa kanya ng marinig ko ang kanyang sinabi ngunit baka mali ang dinig ko.
"Huh?" Saad ko na lamang.
"Matulog ka muna malayo pa byahi natin."
"Ikaw po?" He laughed again.
"Mababangga tayo kapag natulog ako." Oo nga naman, ba't ba nakakabobo magmahal, char.
"Why didn't you guys hire someone to drive instead?" ‘Di ba nga ang yaman-yaman nila, kahit isang daang driver i hired nila kayang-kaya.
"Gusto ko lang talagang mag drive lalo na pag long ride tapos may kakwentuhan pang maganda-"
"Justine naririnig kita! Gusto mong hanggang dito ka nalang?" Biglang nagsalita si Kuya Troy buong akala ko ay tulog ito. Nabitin nito ang kilig ko, feel ko na e, kay haba na sana ng buhok ko, ang epal talaga nitong bakulaw kong kapatid. Tinawanan lang din sya ni Kuya Justine. "Let me remind you, Hernandez, menor de edad lang yang kapatid ko, ako talaga bibitay sayo pagnagkataon."
"Chill dudes, walang talo-talo nga ‘di ba? Protective naman nito." Nalungkot tuloy ako sa narinig mula sa kanya. Bakit naman kasi ang taas ng agwat ng edad naming dalawa.
"Mabuti na yong nagkakaintindihan tayo." Napalingon ako kay Kuya Troy ng kinalabit nya ako.
"Hoy palit tayo ng pwesto." Tumawa ulit si Kuya Justine, habang ako walang magawa kundi makigpagpalitan ng pwesto sa KJ kong kapatid.
Nang marating namin ang destinasyon ay namangha talaga ako sa ganda ng lugar, isang resort sa tuktok ng bundok. Napaka overlooking, may napakalaking pool sa harap ng Villa. Pwede kang maligo habang pinagmamasdan mo ang buong syudad at mga bundok.
"Wow!" Napanganga na lamang ako sa ganda ng tanawin sa harapan ko.
"Like it?" Nanindig yata lahat ng balahibo ko sa batok nang biglang magsalita si Kuya Justine sa likuran ko. Ramdam ko ang labi nitong sumayad sa bandang tenga ko.
"So-bra... ang ganda... " Pinilit kong maging normal kahit ang hirap knowing na nasa likuran ko lamang sya.
"Like you... "
"I like you too este I like it too!" Napapikit ako sa kahihiyan. Alam kong narinig nya ng sinabi ko dahil bigla itong natawa Mabuti na lamang at tinawag na sya sa isa sa mga batchmates nya. Sinundan ko sya ng tingin habang papalayo, ba't pakiramdam ko nilalandi nya ko? May gusto rin kaya sya sa akin? Asa ka! Para akong tangang inismiran ang sarili.
Nilibot ko ang sarili sa buong resort, may nakita akong swing, lumapit ako at umupo doon, busy na silang lahat, may ibang nagiinuman na, naliligo sa pool at nag iihaw.
"Hi Reign!" Napalingon ako sa ka batchmates nina Kuya Troy na mga babae na pawang nakasuot na ng kanya-kanya nilang bikini. It was Ate Lily who called my name, some of them kilala ko, dahil minsan nagagawi sila sa bahay namin.
"Hello po!" Bati ko pabalik sa kanila.
"Ayaw mong sumama maligo?"
"Magbibihis pa po ako."
"Okay lang, hintayin ka na namin.”
"Wag na po nakakahiya..."
"Sige na, okay lang para naman di ka mabagot dito..."
Sinamahan nila ako papasok ng Villa, "Hintayin ka nalang namin dito girl’s bed room. Dumiretso hanggang dulo, sa kaliwa nandoon ang girls comfor room. Wag ka sa kanan huh, panlalaki yon." bigay direksyon sa akin ni Ate Lily.
"Okay po…" tugon ko sa kanya.
Bitbit ko ang tote bag kung saan nakalagay ang mga pamalit ko ay tinungo ko ang girl’s comfort room at gaya ng sinabi ni Ate Lily ay sa lumiko ako sa kaliwa. Binuksan ko ang pintuan at sinara, ni lock ko pa para safe. Nilagay ko sa ibabaw ng counter ang dala kong tote bag at kinuha ko ang towel sa loob nito. Inikot ko ito sa aking katawan. Nagsimula na kong isa-isang hinubad ang suot ko. Inuna ko ang cover dress, sinuno ko ang suot kong tube at huli ang suot kong short. Tinanggal ko rin pati na ang strapless kong bra. I was about to take off my panty ng biglang naramdaman kong may kung anong gumapang sa paa ko, napatalon ako sabay sigaw ng makitang ipis yong nasa paa ko, halus lumipad ang kaluluwa ko. Napatili ako. "Ipis! Ipis! Aaack! " dali-dali kong binuksan ang pintuan ng comfort room habang nagpatuloy sa pagsisigaw. Tiningnan ko muli ang paa ng maramdaman nadoon pa rin ang ipis, gumapang pa nga pataas patungong binti ko. Napatalon-talon muli ako, may taong napadaan, wala na kong paki napayakap ako sa leeg nito,habang panay ang pagsisigaw ko. He held my waist dahil sinisiksik ko ang sarili sa kanya, "Yong ipis!" naramdaman ko itong nasa may hita ko na,
"Nasan!"
"Na sa may hita ko! Aaahhh!" Napaiyak na ko ng maramdaman ko ang mga paa ng ipis na gumapang pa pataas. "Take it away from me! Please! Aaaack!" Humigpit pa nga ang yakap ko sa tao at mas isiniksik ang sarili. Kulang na lang ay sumakay ako sa kanya paharap, takot na takot na ko. ‘Di ko na nga napigilan ang sariling umiyak. Naramdaman ko ang paglihis nito sa suot kong towel, itinaas ko ang isa kong hita.
"There you are!" Pinitik nito ang Ipis, marahil ay tumilapon ito sa kung saan dahil ‘di ko na maramdaman pa ang mga paa nito.
"What the hell Justine!!?" Napaangat ang tingin ko sa galit na galit na mukha ni Kuya Troy, kasama nito ang halos lahat nitong batchmates. Saka ko lang tiningnan ang taong tumulong sa akin, ganun na lamang ang naramdaman na hiya ko ng mapag sino ito, s**t! Si Kuya Justine nga! Nanatiling akong nakayakap sa leeg nya, habang ang isang kamay nito ay nanatili pa rin sa likod ng baywang ko. Magkadikit ang mga katawan naming dalawa at kay lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa. He was staring at my brother then, he looked at me kusang napaatras ang ulo ko. Napabitiw ako mula sa kanya just when he released his grip from me.
Huli na para awatin si Kuya Troy, dumiretso ang kamao nito sa pisngi ni Kuya Justine. "You Perv!"