"Reign po…" Marahan niyang pinisil ang kamay ko, habang nakangiting nakatitig sa mga mata ko.
"Excuse me." Napabitiw kami sa isa't isa ng sa gitna mismo dumaan si Kuya Justine. Napangusong nalipat ang atensyon ko sa kanya. "Sorry, may kukunin lang sa kusina." malamig na saad niya at tuloy-tuloy na sa paghakbang papasok sa loob ng Villa, sinundan ko sya ng tingin.
"Saan ka nga pala pupunta?" nabaling muli ang atensyon ko kay Kuya Jim ng magsalita ito muli. Nag-angat ako ng tingin sa kanya, mariin niya kong tinitigan.
"Ay! Oo nga pala! Maiwan po muna kita kuya, magbibihis lang po ako, bye po! Nice meeting you po!" Saad ko bago ako nagpatuloy sa paghakbang at iniwan ito. Napalingon ako sa gawi ng kusina ng maramdaman ko ang mga titig ng kung sino at ‘di nga ako nagkakamali dahil paglingon ko ay nagtama ang mga mata namin ni Kuya Justine. Hindi ko kayang salubungin ang kanyang mga titig kaya una akong nagbawi, kay lakas ng pintig ng puso ko. Kay laki ng mga hakbang kong pumanhik paaakyat ng hagdanan, tuloy-tuloy hanggang sa hallway ng second floor. Huminto ako sa harap ng girl’s bedroom, binuksan ko ang pintuan at agad na sinarado. Napasandal ako sa likod nito, naikapa ko ang palad sa aking dibdib upang pigilan ang malakas na sipa nito.
Kinalma ko muna ang sarili bago ko tinungo ang closet kung saan ko iniwan ang aking gamit. Kumuha ako ng tuwalya at mga damit na pampalit ko. Muli ay lumabas ako ng kwarto at tinungo ang comfort room. I checked first the entire place kung wala na bang ipis at nang makasigurado ay nagsimula na kong maghubad at maligo.
Hanggang sa makapagbihis at matapos akong mag-ayos ng sarili ay nandoon pa rin ang nararamdaman inis kay Kuya Justine at Ate Lily. Oo na nagseselos na ako kahit alam ko namang wala talaga akong karapatan. Kung sana naging ka batchmates ko na lamang sila. Ang taas pa ng gap ng age namin ni Kuya Justine. Si Kuya Troy ay mag thi-thirty-two na this year probably si Kuya Justine rin, binilang ko pa sa daliri ko kung ilang years ang pagitan at napaawa ang mga labi ko ng mapagtanto. Shocks! 15 years but he looks younger than his age pero ika nga ‘diba? Age doesn't matter, kung mahal nyo talaga ang isa't-isa kaso ako lang rin yung nagmamahal… Sumama sama pa ako, maiistress lang pala ang puso ko. Makakain na nga lang ng ice cream, it is my comfort food everytime na stress o may sama ng loob ako.
Bumaba ako ng hagdanan, dala ko ang cellphone na isinuksok ko sa bulsa sa likod ng suot kong maong shorts. Napalingon ako sa glass door ng lumakas ang tawanan nila, nagmeet pa nga ang mga mata namin ni Kuya Jim. He smiled at me again, I smiled back at him. Nalipat ang tingin ko kay Kuya Justine and again our eyes met, he was intently stared at me again. Magkasalubong ang dalawang mga kilay nito. Muli ay nauna akong nagbitiw ng tingin at nagpatuloy sa pag panhik pababa ng hagdanan. Tinungo ko ang kusina, lihim akong nag pray na sana may ice cream. Humakbang ako palapit sa malaking double door refrigerator at binuksan ko ang itaas na door. Kay laki ng ngisi ko ng may mga maliliit na cup ng ice cream ang nakalagay sa freezer, paborito ko pa nga, cookies and cream. Kumuha ako ng isa, tiningnan ko ang gilid ng door nagbabakasakali na may makitang pang-scoop ng ice cream ko at hindi nga ulit ako nagkakamali dahil nandoon nga nakalagay ang maliliit na popsicle sticks..
Sinarado ko ulit ang ref nang makuha ang pakay ko. Sinandal ko ang balakang sa gilid ng kitchen counter malapit sa refrigerator. Binuksan ko ang ice cream, natakam ako lalo ng makita ang laman nito, gamit ang popsicle stick ay kumuha ako ng kaunti at sinubo, napapikit ako ng malasahan ang matamis at malamig na ice cream sa bibig ko, it tasted heaven talaga...
Tahimik na nagi-enjoy ako habang sumusubo ng ice cream nang mapa-angat ang tingin ko nang marinig ang mga yapak nito papasok ng kusina, agad na nasilayan ng mga mata ko ang nakangiting si Kuya Jim. Napakapalangiti nya, nginitian ko siya pabalik. "What are you eating?" he asked at lumapit siya sa kinaroroonan ko, huminto ito sa gilid ko paharap sa akin.
"Ice cream po." Sumandok muli ako ng ice cream gamit ang popsicle stick at sinubo. Natigil ako sa pagsubo ng bahagya itong natawa, tiningnan ko sya, itinaas nito ang kamay, napaiwas ako ng bahagya.
"May dumi ka sa pisngi." gamit ang hinlalaki nya ay marahan nyang tinanggal ang sinasabi nitong dumi. Napakurap-kurap ang mga mata kong nakatingin sa kanya, habang seryoso siyang nakatingin sa pisngi kong tinatanggalan niya ng dumi.
"Thank you..." saad ko na nang matapos sya at maibaba niya ang kamay, nagpatuloy ako sa pagkain ng ice cream.
"Anong flavor?" he asked again.
"Cookies and cream po." sagot ko sa kanya. Ang mga mata ko ay nakatingin sa hawak kong ice cream.
"Masarap ba?" ‘Di pa ba sya nakakain ng ice cream? Tanong ko sa aking isipan.
"Okay lang po... " Magalang na sinagot ko pa rin ang tanong nya.
"Pahingi ako."
"Po?" Muli akong napatigil sa paglantak ng ice cream at muling napatingin ako sa kanya.
"Sabi ko pahingi... " Ulit nito.
"Sige po kukuha muna ako sa ref."
"Wag muna, patikim muna ako ng sayo baka ayoko ng lasa." Napatitig ako sa kanya, sinisigurado if seryoso ba sya, nginitian nya ko. "Okay lang ba pasubo?" seryoso nga siya.
"Ah, Sige po ... " Sinandok ko muli ang hawak kong popsicle stick. Itinaas ko ang kamay, yumuko ito ng bahagya at binuka ang bibig. I felt uncomfortable with the way he stared at me. Hinawakan nito ang pulso kong may hawak ng stick, sinubo niya ang popsicle stick na may lamang ice cream, he then smirked while the stick still inside his mouth. His face was just little inches away from mine.
"Reign!" Nasa ganun kaming posisyon when Kuya Justine loud voice echoed inside the kitchen. I was even halted. Napaayos pa ko ng tayo, na para bang may ginawa akong kasalanan. Napalingon ako sa kanyang gawi just when Kuya Jim let go my popsicle stick and my wrist. "Hinahanap ka ni Troy." He said with a blank expression of his face.
"Opo... " I took my step forward, but Kuya Jim held me in my arm, napalingon ako sa kanya.
"Gusto mo pa ba ng ice cream mo?" Napayuko ako sa hawak kong ice cream tapos ay nag-angat uli ako ng tingin sa kanya. "Okay lang ba, akin nalang?" he seriously said.
"Marami pa po sa loob ng ref... " Nakakahiya naman kasi, kinainan ko na, konti na lang din naman ang laman.
"I think mas masarap ang sayo-"
"Reign! Let's go!" Anu ba to! Nakakalito naman! Napalingon muli ako kay Kuya Justine, was he angry?
"Opo, Kuya Justine." bumaling muli ako kay Kuya Jim. "Paubos na kasi Kuya, kuha ka na lang po ng bago." saad ko bago naglakad ng mabilis patungo sa diresyon ni Kuya Justine. Napayuko ako ng lagpasan ko sya. Lumabas ako ng Villa. Agad na hinanap ng mga mata ko si Kuya Troy, napalingon ako sa kaliwang bahagi ng pool ng marinig ko ang malakas na tawa ng bakulaw at agad ko itong nilapitan. "Kuya bakit? " He looked at me. Napatigil ito sa pagtawa, his forehead creased. "Sabi ni Kuya Justine hina-"
"Kumain ka na daw... " Napalingon ako sa aking likod ng marinig ko ang boses ni Kuya Justine, agad pa la itong nakasunod sa akin palabas ng Villa.
"Oo, kumain ka na. " Segunda naman ni Kuya Troy.
"Opo... " Nagbawi ako ng tingin at tinungo ang table kung saan nakalapag ang maraming pagkain.
Kumuha lamang ako ng kaunti. "Magkakilala kayo ni Jim?" rinig kong tanong ni Kuya Justine, nagpatuloy ako sa aking ginagawa.
"Ngayon lang din po." Sagot ko na ‘di tumitingin sa kanya. Bumalik ulit ang inis ko. Pagkatapos kong i-fill ang plato ko ay iniwan ko si Kuya Justine at naghanap ng bakanteng bench na may lamesa sa gilid ng pool. Kumuha ako ng isang stick ng pork barbecue, kinagat ko ang dulo nito, I was enjoying my food when Kuya Justine sat across mine. Inilapag nito ang dalang plate sa ibabaw ng lamesa, he smiled at me.
"Pa share." I just glanced at him. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ngunit maya-maya ay lumapit si At Lily. Lihim akong napaismid.
"Hey, babe!" She's a little bit tipsy. She bent over and hug him using her left arm from behind. Idinikit nito ang pisngi sa pisngi ni Kuya Justine, then she looked at me. "Hi Reign!" I just smiled at her. Binilisan ko ang pagkain, I just want to get away from the two of them, ang sakit nila sa mata. "I have been looking for you babe…" She whispered something in his ear. He smiled, then, he bit his lower lip,.Oh god! Really? In front of my pork barbecue! Muli ay lihim akong napaismid. Kahit ‘di pa ako tapos ay tumayo na ko. Nawalan na tuloy ako ng gana! Nakakasuka sila! Lumapit muli ako sa pinagkunan ko ng foods. Binuksan ko ang cooler at kumuha ng bottled water. Inubos ko ang laman bago ko tinapon sa basurahan.
Ang saya at iingay nila, di katulad ko lihim na nasasaktan.
Tinungo ko muli ang swing kanina. it's a rattan made round swing na nilagyan ng malambot na cushions. Malaki ito kasya ang tatlong katao. Kinuha ko muna ang cellphone mula sa likuran ko bago umupo sa cushions. Hinubad ko ang suot na puting slippers at iniwan sa lupa. Itinaas ko ang dalawang paa, nagsquat ako sa itaas ng duyan. Kumuha ako ng isang throw pillow at nilaga,y ko sa aking kandungan.
I started get bored, pinagsisihan kong sumama pa ako rito. Gustong-gusto ko nang umuwi, kung alam ko lang na mapanakit pala ang trip na to! ‘Di man lang ako na inform! Mabuti na lamang at isang gabi lang kami magpapalipas sa resort na ito.
Nilibang ko ang sarili sa paglalaro ng tongits go sa cellphone ko, pampalipas oras. Tanaw ng gilid ng mga mata ko ang taong papalapit sa kinaroroonan ko ngunit ‘di ako nag-abalang mag-angat ng tingin sa kanya. Nagpatuloy lamang ako sa paglalaro ngunit ng umupo ito sa tabi ko ay ‘di ko na napigilan ang sariling lingunin ito. He leaned closer, napahinto ako sa paglalaro, na-estatwa ako ng hawiin nya ang buhok ko at inipit sa likod ng aking tenga kasabay ang pag ipit niya sa pinitas niyang gumamela. Pakiramdam ko huminto ang t***k ng puso ko dahil sa ginawa nya habang nakatitig lamang ako sa kanya. "I knew it! It would look good on you... more beautiful…" he inserted his finger in between my hair and the back of my neck. He stared back at me, nailang ako sa clase ng titig nya. Muli ay naramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko ngunit ng maalala ko kung bakit ako nagawi rito ay muling nakaramdam ako ng inis. Masungit na umiwas ako, tinanggal niya ang kamay. "Why are you always so grumpy everytime It is me you're talking to?" agad na tanong nito.
"I am not." I coldly answered without looking back at him. Pinanindigan ko muli ang pagiging mataray, lalo na't naiinis pa rin ako kaya lang yong puso ko ‘di mapakali lalo na't ramdam ko ang maririin nyang mga titig.
"Di ka naman ganyan kay Jim na bago mo lang nakilala, ah."
I was surprised with what he just said. He sounded jealous pero napakaimposible naman. Pagilid na sinulyapan ko sya, lalo akong naging mataray sa paningin nya. Muli kong ibinalik ang tingin sa nilalaro ko. Talo muli ako, ang hirap mag concentrate knowing he was just inches away.
"He's nice." maikli kong tugon.
"And I am not?" ‘Di ako sumagot. "Do you like him?"
Napalingon muli ako sa kanya, magkasalubong na ang dalawa kong kilay. "No!"
"Do you like older guys?" Manhid ka ba!? I silently said.
"How old?" Instead, I said.
"Like… me?" I was about to answered YES to his question ngunit baka mahuli na tuloy nya ako kaya nanatiling nakaawang ang mga labi ko, kinagat ko na lamang ang pangibibang labi.
"I prefer my age..." Guni-guni ko lang ba but I saw the disappointment in both of his eyes. Napatango-tango ito.
"Of course, you prefer teenagers like you. Hmm pero mukhang teenager like me? Ayaw mo?"