Chap. 2

2388 Words
Pagkatapos ng insidente o masalimuot na pangyayaring iyon ay hinuli ng pulis si Kaye. "Mugshot po, ma'am, harap po sa kaliwa. Harap naman po sa kanan, ma'am." "Oo na, 'wag mo 'kong hawakan! Alam ko ang ginagawa ko! Dadating din ang kuya ko at lalaya rin ako rito! Mga peste kayo!" sigaw ni Kaye. Dumating naman ang kapatid niyang si Kenji at nasa police station na ito. "Um . . . ako na'ng bahala diyan, sir. Ito pala ang pera. Alisin n'yo sa police records n'yo ang kapatid ko. Wala namang na-injury sa nangyari kagabi, di ba, sir? Wala pa naman siyang napapatay. Dating gawi pa rin, ayos ba 'yon?" pakiusap ni Kenji sa mga police scalawag habang nakangiti naman si Kaye at nagtaas ng middle finger sa kanila bago sila umalis. Pinasakay na ni Kenji ang kapatid sa malaki niyang sasakyang Hummer. "Wow! Kuya! s**t! Bagong kotse na naman, ha! Ang gara! OMG!" tawang pamamangha ni Kaye. "Get inside the car!" "Okay, fine!" inis ni Kaye. Pagkapasok nilang dalawa sa magara at malaking sasakyan nito ay nagsimula nang mangaral ang kuya niya. "Damn it, Kaye! Ano na namang ginawa mo! Pati mansyon natin ay ginamit mo sa kalokohan mo!" reklamo ni Kenji. "So what? Di naman ako pinapansin nina Papa at Mama, di ba? Ikaw lang palagi at si Ate ang nakikita nila dahil pareho kayong may achievement!" inis ni Kaye. "Tapos yung binanatan mong babae at sinabunutan mo kagabi habang lasing ka, sino na naman 'yon? For God's sake, Kaye! Lagot na naman ako kay Mama. Halos lagi-lagi kong sinisiksikan ng pera ang mga police scalawag na 'yon para lang mapawalang-bisa mga kalokohan at kaso mo. 'Pag nalaman 'to nina Mama at Papa ay mapapa-rehab ka na naman. Iwasan mo na kasi ang alak. Daig mo pa si Baron kung magwala 'pag lunod sa alak ang utak at katawan mo!" "Hahaha! Tumpak! Idol ko 'yon! 'Pag nainis ako, iihian ko rin mga babae ni Ethan habang nakatali silang dalawa. Whoo!" inis at malakas na tawa ni Kaye. "It's not funny! Act like a lady, Kaye! At si Ethan na naman? Iwasan mo na kasi yung lalaking 'yon. Pang-ilang babae na ba 'yang nasabunutan mo dahil sa kanya? Ha?" "Pansampu na yata, Kuya! Hehe," sagot ni Kaye. "'Wag mo 'kong idaan sa tawa mo. Dumating na pala tayo sa bahay. Bumaba ka na! Ang dami ko pang aasikasuhing negosyo ngayon. Sumisingit ka pa!" inis na pasaring ni Kenji. "K, fine, thank you, Kuya Kenji. 'Til next time ulit! My favorite kuya ever!" ngiting-aso ni Kaye. Pagkapasok niya sa loob ng mansyon, agad siyang sinalubong ng ate niyang si k**i ng malakas na sampal. "Aray! Pang-ilang sampal mo na 'yan sa akin, ate?" reklamo ni Kaye habang hawak-hawak ang namumulang pisngi. "Grabe ka talaga! Ang kapal ng mukha mong mag-home party pa rito sa mansyon natin porket um-attend ako ng event for the violin contest kagabi! Dinala-dala mo pa mga mapupusok at drug addict mong mga kaibigan dito sa pamamahay natin!" sigaw ni k**i. "Inggit ka lang, Ate. Nerd ka kasi. Wala kang friends!" pang aasar ni Kaye kaya sinampal ulit siya ni k**i. "Araaay!" Napasigaw si k**i dahil nasaktan ang kamay niya. "Tingnan mo na, Ate. Sa sobrang hina mo, pati kamay mo ay nabibinat na dahil sa pisngi ko. Hindi tinatablan ng plywood kong mukha ang pananampal ng mga kamay at daliri mong kulang lang ay mabuntis ng violin strings mo!" pang-iinis na buwelta ni Kaye. "Tingnan mo na! Ang bastos-bastos ng bibig mo, ang landi-landi mo pa! Pati kamay ko ay iniisipan mo ng kalaswaan! Humanda ka! 'Pag nahuli ka namin ulit na umiinom ng alak, lalo na ako at maunahan ko si Kuya Kenji, ako na mismo ang magsasabi kina Mama at Papa na nasa Japan para ibalik ka sa rehab at pahabain pa ang buwan ng pamamalagi mo roon!" "K! Now can you give a way, b***h! Late na ako sa trabaho ko. Tumatawag na ang manager ko," kalmado at sarkastikong sabi ni Kaye. Umusok sa pagkapikon ang kapatid niyang si k**i. Pagkaalis ni Kaye, agad di-nial ni k**i ang cellphone niya. "Hello, Kuya Kenji. Dapat ipina-rehab na natin kasi siya dahil sa kanyang paglalasing! Sumosobra na siya at gawin ba naman niyang disco-han ang mansyon natin? The f**k, Kuya!" sigaw ni k**i. "Okay, next time na gawin niya ulit 'yon, ipa-rehab na natin ulit siya kaya calm down," sagot ni Kenji. "Okay, promise 'yan. Kakapikon kasi siya. It's for her own good naman, Kuya! Very disgusting! Dumikit na yata sa dingding ang amoy alak at yosi dito sa bahay! Ew! Naging bar o club bigla ang mansyon natin! My God!" *** Pagkarating ni Ethan sa bahay nila, sinalubong niya ng pagmamano ang ina at ama. "Saan ka galing? Bakit di ka nakauwi kagabi?" galit na Tanong ni Rody Ferdinand Salvador—ang ama ni Ethan. "Dada, hayaan mo na ang anak natin. Let him enjoy his life," lambing ng asawa ni Rody na si Minerva Salvador—ang ina ni Ethan. "Okay lang sana kung matataas ang marka niya sa kolehiyo, ngunit hindi eh! Pulos bagsak!" sumbat ni Rody. "Thanks, Ma, for understanding me," hudyat ni Ethan at umupo ito. Hindi na pinansin ang sinabi ng ama. Kumakain na siya kasama nila nang biglang may natanggap siyang text galing kay Camille—ang best friend ni Kaye. "Mom, I have to go!" Agad nagmadali si Ethan nang wala man lang paalam sa ama. "Magpapagabi ka na naman ulit? Wala ka talagang respeto sa mga magulang mo. Hindi ka na naman uuwi ng bahay panigurado!" gigil ni Rody sa anak. Matagal na kasing may galit si Ethan sa ama dahil si Rody ang dahilan bakit naging asexual siyang tao. Lagi siyang umaalis sa bahay para lang iwasang makipagbangayan sa ama. Sumakay na siya sa di-kamahalang kotseng ginagamit niya at inisip ang nakaraan kung bakit namuo ang pagkadismaya niya sa ama. Hinding-hindi ko makalilimutan ang mga araw noong ako'y anim na taong gulang pa lamang. Sa maliit at mumunti naming bahay, magkadikit ang sala at kuwarto nitong gawa sa kahoy. Ang pintuan ay may nakasabit na kurtinang makapal para hindi makita ang loob ng kuwarto namin. Doon din sa kuwarto ay sama-sama kaming pamilya nina Mama at Papa natutulog. Masaya kami kahit di kami mayaman. Doon sa kama natutulog sina Papa at Mama. Sa foam naman ay kaming dalawa ng kapatid kong babae na si Lea. May bisita kami nang oras na iyon na galing pa sa ibang bansa. Si Tita Lourdes, asawa siya ng stepbrother ng papa ko. May mga kasama siya noong bumisita sila sa aming bahay. Mga kamag-anak na di ko mga kilala o kaya ay mga tito at tita. Hanggang sa nagkakasarapan sila ng palitan ng salita sa sala. Di rin ako makatulog kasi ang lakas ng boses nila. Naghahalakhakan, bangayan, debatehan, at asaran. Pinakamalakas nga ay yung boses ni Mama. Kami naman ng kapatid ko ay nakahiga lang sa foam dahil kailangan na naming matulog. Ang sarap ng tulog ng kapatid ko habang ako naman ay nagpapanggap lang na tulog. Nagagalit kasi si Mama kapag nahagilap niya akong gising. Bigla kong narinig na may pumasok sa pinto at kung mag-usap ay pabulong. Narinig ko ang boses na iyon. Boses ni Papa at boses ni Tita Lourdes. Hindi ito boses ni Mama dahil naririnig ko pa rin ang boses niya na patuloy na nakikipagdebatehan at nakikipagtawanan sa labas. Dahil nagpapanggap akong tulog ay nagulat ako mang marinig kong nagsimulang maghalikan habang nagbubulungan sina Tita Lourdes at si Papa. Ang masagwa pa nito, agad silang lumapit sa kama kaya ramdam ko ang paa nilang bumaon sa foam na kinahihigaan namin ni Lea. Mas ninerbyos ako at nagpanggap na lang na tulog pagkatapos ay isinara ang mga mata. Parang humiga sila roon sa kama habang nagbubulungan at mas naging mapusok ang paghahalikan nila. Narinig ko lang na sinasabi ni Papa ang "Gusto mo 'to? Gusto mo? Aah . . . mmm!" Habang naririnig ko ang lampungan nila, bumubulong naman si Tita Lourdes kay Papa pabalik. "Oo, bilisan mo, baka mahuli tayo, Ferdinand! Ang sarap! Ahh, s**t!" Dahan-dahan akong humarap sa kanan kung saan nakapuwesto ang kama nina Mama at Papa. Binuksan ko nang kaunti ang mga mata ko at nakita ko si Papa na nakapatong sa katawan ni Tita Lourdes habang naghahalikan sila nang sagaran. Iyon ang di mabura-burang eksena sa utak ko. Habang naririnig ko yung boses ng Mama kong nakikipagtawanan at nakikipagdaldalan sa sala ay sinabayan nito ng pagtataksil nina Tita Lourdes at ni Papa sa kanya. Parang bangungot tuwing naaalala ko yung hingal nilang dalawa at naka-topless pa si Papa. Di man lang siya nahiya sa mga anak niya at ginagawa nila ang kababuyang iyon. Sa mismong kama pa nila ni Mama Pagkatapos ng mainit nilang pagtatalik ay bumalik na rin sila sa sala na parang walang nangyari. Simula noon, ang tawag ko na kay Tita Lourdes ay witch. Mangkukulam dahil sa sobrang tangos ng ilong niya ay nagmumukha siyang ganoon. Si Papa naman, kunwari ay mahal na mahal daw niya ang stepbrother niya na asawa ni Tita Lourdes kasi ito raw yung nagpaaral sa kanya makapagtapos ng kolehiyo, pero bakit nagawa niya iyon? Ilang beses na rin niya itong pinadalhan ng viagra dahil ito ang utos sa kanya ng stepbrother niya. Noong inabot ako ng siyam na taong gulang, sinabi ko na kina Mama at Papa ang mga di ko makakalimutan at natunghayang pangyayari, pero pinagtawanan lang nila ako. Ngunit makalipas ang ilan pang mga taon, lagi na lang nag-a-abroad si Papa at nakakahanap ng iba't ibang babae roon. Ilang beses na rin niyang tinangkang iwan kami, kaya ito rin ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang kapatid kong si Lea. Nagpakatanga naman si Mama. At dahil mahal niya si Papa ay pinatawad pa rin at tinanggap niya ito kahit ilang beses na niya itong nahuling may iba't ibang babae. Mayaman kasi si Mama at gusto niyang makatapos si papa ng abogasya kaya't ginagastusan niya ito. Naging asexual ako dahil wala na rin akong ganang magmahal. Parang lahat na lang ay manloloko na parang si papa, at lahat na rin ay nagpapakatanga na parang si mama. Yung kaisa-isa ko pa nga lang na kakampi ay nawala din dahil sa depression at iyan ay si Lea. "Oo, lagi-lagi naman nangyayari sa kanya 'to, Ethan, eh. Hindi na 'to bago. Tuwing nahuhuli ka niyang nambababae, dini-diretso niya sa pag-iinom at pumupunta sa iba't ibang club habang heto ka! Laging to the rescue at bubuhatin siya, isisilid sa kotse para ihatid sa bahay ko. Diretsuhin mo nga ako, Ethan! Mahal mo ba talaga ang best friend ko?" seryosong Tanong ni Camille. "Mahal? Seryoso ka ba? Concern lang ako sa best friend mo. She is still a virgin. Paano kung mapuruhan siya ng mga estranghero sa club? Di kargo de konsensya ko pa! Alam mo namang nawawala 'yan sa sarili 'pag lasing, di ba?" "Bakit di na lang ikaw? I mean try having a one-night stand with her para ikaw ang makauna?" takang Tanong ni Camille. "Ayoko. Hindi ako ganoong tao. Ilang beses din niya akong inakit para ako raw ang makauna sa kanya pero ayoko talaga. Ikaw lang naman ang nakakaalam na asexual ako, di ba? Kaya nga kung sino-sinong babae ang kinakama ko para layuan lang ako ni Kaye, pero wala ring epek. Ayaw niya pa rin akong iwan kahit ang gusto ko ay magkaibigan lang kami. Ayaw naman niya ng ganoon dahil mahal na mahal daw niya ako." "Well, may point ka rin, Ethan. Sino ba naman ang di maaakit sa isang lingerie model na gaya niya. Alam mo, may alam akong paraan para iwan ka na niya nang tuluyan at kalimutan," suhestiyon ni Camille. "Talaga? Ano na naman 'yon? Nakakainis din kasi palagi, eh! Lagi na lang ganito ang nangyayari sa ating tatlo. Paulit-ulit na lang. Tapos di ko naman siya pwedeng pabayaan ng gano'n-gano'n lang at alam mo 'yon, Camille. Bilib lang talaga ako sa kanya because she never gave up on me. Wierd woman. God!" "Well, same to you. This kept on repeating again kaya dapat na 'tong tuldukan para magbago na rin si Kaye at tumigil nang maglasing. Well, this is the plan: magpanggap kang may relasyon tayo at kunwari ay ipagpapalit mo siya sa akin. I'm sure iiwasan ka na ni Kaye." "Hmm . . . not bad." *** Habang nasa trabaho si Rody at kinakausap ang isang kliyente niya ay biglang may isang unknown number ang tumawag sa kanyang cellphone. "Teka, parang galing pa ito sa ibang bansa." Dahil sa inaakala niyang emergency call ay sinagot niya ito. "Hello, Attorney Rody Ferdinand Loyola Salvador answering. Who's this?" "Thank you, Lord! Diyos ko at kayo na rin ang sumagot," sagot ng isang babaeng sintanda niya kung susukatin sa boses. Inagaw ito ng isa pang lalaking boses matanda at nagsimula na itong magsalita nang pormal. "Attorney Rody Ferdinand Salvador Loyola, this is Ronaldo Montalban. I am a friend of Miss Evangeline Smith," wika ng boses matandang lalaki. Natahimik na tila di makagalaw si Rody sa kinauupuan at huminga nang malalim. "Ano'ng kailangan n'yo sa akin?" "Namatay si Miss Evangeline Smith sa car accident three months ago." Mas lalong napabuntonghininga si Rody. Ito kasi ang naka-one-night stand niya noong panahong mahilig siyang mambababae. Noong kasagsagang nasa States pa siya at nangangaliwa sa asawa. Sa kasawiang-palad ay nabuntis niya si Evangeline at tinakasan niya ang responsibilidad. Halos wala na siyang contact sa babae noong nalaman niyang nagdadalantao ito. Ginawa niya ito para lang 'wag siyang iwan ni Minerva. Tuluyan niyang iniwasan at kinalimutan si Evangeline. Ang mga tinatago-tago pa niya at matagal na niyang ibinaon sa limot, ngayo'y binabalikan na siya. Hindi siya makapaniwalang haharapin din pala niya ang bakas ng pangyayari noong nasa America pa siya. "Kaya Attorney Rody Ferdinand Loyola Salvador, kung maaari ay pumunta kayo rito sa America as soon as possible because your son is still alive and he needs you. Wala na siyang natitirang kamag-anak dito sa States dahil itinakwil sila ng Smith family. Hindi naman namin siya pwedeng pakawalan basta-basta dahil may retrograde amnesia siya at childlike optimism. Na-comatose siya nang tatlong buwan at ngayon lang nagising. Maawa ka sa anak mo, attorney," pagpapatuloy ng lalaki sa linya. Nag-isip nang malalim si Rody kung pupuntahan ba niya ito o hindi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD