Makalipas ang tatlong buwan . . .
Habang nakapatong ang ulo ni Arissa sa higaan ni Brix, dahan-dahang umangat ang daliri ng binata na ikinagulat at ikinarangya ng mukha ng dalaga. Tumulo ang kanyang mga luha at sumigaw upang tumawag ng nurse at doktor.
Dahan-dahang iminulat ni Brix ang kanyang mga mata habang may tube pa sa bibig. Pagmulat niya ay nakaabang sa harapan niya si Arissa, mga magulang ni Arissa, at ang doktor.
"Mommy, can I have an ice cream? Take me out of here. What is this? A straw? And who are you?" Iyan ang unang lumabas sa bibig ni Brix.
Hinawakan naman ni Arissa ang kamay ni Brix at inilagay sa pisngi nito.
"Brix, babe, do you still remember me? Ang tagal mong nasa kama. Na-comatose ka. Thank God, you're now awake. It's been three months, babe. We need to get married, Dad!" anang dalaga habang tuloy-tuloy ang pagbuhos ng kanyang mga luha katabi ang mga magulang na awang-awa rin sa sitwasyon.
"Huh? Ate, 'wag kang umiyak. I want some Ice cream, I'm starving. And where is Mommy?"
Nagulat na lang ang lahat sa kakaibang ikinikilos ng binata. Pinagtatawanan pa niya ang dalaga habang ipinakikita o inilalabas ang gums niya na tila wala siyang proper etiquette. He was trying to make a disgusting face na bumebelat pa sa kanila.
"Doc, what happened to him?" tanong ng magulang ng dalaga sa doktor ngunit tumango na lang ang ulo nito.
"Follow me, Mister and Misis Santos," sagot sa kanila ng doktor.
Pagkalabas nila sa pintuan ng hospital room ni Brix, ipinaliwanag na ng doktor ang nangyari sa soon-to-be in-laws ni Brix.
"Brix is now suffering from retrograde amnesia. Meaning, nabura na ang lahat ng mga alaala niya ngayon. Ang memorya niya ay huminto sa memorya niya noong siya'y ten years old pa lamang kaya astang bata na ang makikita sa pasyente ngayon," malungkot na paliwanag ng doktor.
"You mean, parang wala na sa katinuan si Brix?" atat na tanong ng tatay ni Arissa habang nagulat naman ang nanay nito.
"Hindi naman, pero pwede pa ring bumalik ang mga alaala niya by teaching him how to eat, the manners and everything. But we can't change the fact na asal ten years old na siya ngayon. Like a special child. Nanonood naman siguro kayo ng Budoy? Yung palabas sa ABS-CBN? Sige na po at may pupuntahan muna ako. Excuse me."
Pagkaalis ng doktor, sinubukang pumasok ng mag-asawa sa kuwarto ni Brix at nakita ang anak na sinusubuan nito ng sopas ang binata habang nakangiti naman si Brix kahit walang namang dapat ngitian.
"Arissa, baby, come here," malungkot na tawag ng ina sa anak.
Tumayo agad si Arissa ngunit tinawag din siya ni Brix. "Ate, where you going? Subo mo pa ako hehehe!" Hindi na ito pinansin ni Arissa at sumunod na lang sa mga magulang niya.
Pagkalapit ni Arissa sa mga magulang niya ay umupo na siya sa tabi nito.
"So, what's the plan, Mom and Dad? Tuloy na po natin ang kasal. Kaya ko naman siyang alagaan," wika ni Arissa.
"Kaya mong ganyan siya? Sinabi na sa amin ng doktor na may retrograde amnesia siya. Meaning, hindi na siya yung Brix na fiancé mo. Isip-bata na siya. Ugaling special child o Bondying na ang dating niya, Arissa. He act like he having a childlike optimism. Pagtatawanan lang tayo ng mga kumare. Idagdag mo pa ang pagiging ulila niya dahil wala na siyang magulang. Namatay na rin si Miss Evangeline sa car accident. And lastly, it's been three months na, anak," alalang sagot ng ina nito.
Napaiyak lalo si Arissa. "Hindi ko siya kayang iwanan na ganyan siya. May pinagsamahan pa rin kami ni Brix, Mom!"
"May kasalanan ka rin, anak! Kung di mo siya kinulit na tumuloy kahit may delubyong paparating, di sana ay buhay pa rin siya. Di sila madidisgrasya ng ina niya," inis na sagot ng ama.
"Ano na naman ba! Sa akin n'yo na naman ba isisisi ang lahat? Ayoko nang pakawalan siya! Alam kong babalik at babalik pa rin ang memorya ni Brix. We're going to be the best surgeons dahil 'yon ang ambisyon naming dalawa! I love him so much. Naiintindihan niya ako kaysa sa inyo! Siya lang kakampi ko 'pag may problema ako! Siguro, masaya na kayo at di matutuloy ang kasal namin at nagkaganyan na si Brix! Right, Mom at Dad?" sigaw ng dalaga.
"Whether you like it or not, ilalayo ka namin kay Brix. Pagtatawanan ka lang kung pakakasalan mo ay ugaling Bondying na ulila. Don't worry, may nahanap kami sa backpack niya last three months pa na di namin sa 'yo sinasabi. Ito ay noong kakaratay pa lang niya rito sa ospital. Files and bio-data ng kanyang biological father para maibalik natin siya sa tunay niyang kaanak. Hindi naman namin siya pababayaan nang ganito lang, Arissa. Pero tama na yung ganoong tulong lang and just leave him alone and move on for your own good," galit na sabi ng ama.
***
Sa isang home party, ang makikita lang ay naglalakihang laser lights, usok galing sa sigarilyo, at mga pakawalang kabataan na nagsasayaw sa nakabibinging sound system.
Isang mansyon kung saan kahit saang parte ay makikita ang mga nagtatalik o mga naghahalikang lalaki at babae.
"Girl! Tama na 'yan! Nakarami ka na naman ng iniinom! Di ba, pina-rehab ka na ng magulang mo?" utos ng bakla sa kanyang kaibigang babae.
Isang maganda, sexy, liberated ang dating ngunit lasingera—ang pangalan niya'y si Kaye Lavinia. Sunod-sunod ang pag-inom niya ng alak at sinabayan pa ng sigarilyo na kung magyosi ay parang tambutso ng jeep.
"Kill joy ka naman, Ritchie! This supposed to be the night of our life, 'no!" tawang maharot ni Kaye pagkatapos niya iyong sabihin sa bakla niyang kaibigan.
Dumating naman ang tatlo pa nitong kaibigan o tropa na si Maryan, Paola, at KC na panay anak mayaman at palayosi rin.
"Kaye, si Ethan. Nakita namin," sabi ni Maryan na tila takot sa pagpapahayag.
Nanlaki agad ang mata ni Kaye. "Nasaan siya! Nasaan ang hayop na 'yon!"
Sinimulan nang pigilan nina Paola at KC si Kaye pero nagsimula na itong magwala nang biglang hablutin niya ang braso ni Maryan at hinila ito.
"Ituro mo sa akin saan sila pumunta sa parte ng mansyon ko! Kundi isasaksak ko 'tong bote ng tequila sa silicone mong s**o! Putang inang Ethan 'yan!" pasigaw na pagwawala ni Kaye at binitiwan ang yosi at inapakan ng de-takong niyang sandals. Binagsak niya ang bote ng booze na kanina pa niya nilalaklak.
Natatawa si Ritchie habang tinitingnan kung paano mamutla si Maryan.
Ang long-term boyfriend ni Kaye ay si Ethan. Mahal na mahal niya ito kaya iniiskandalo at inaaway nito ang kung sinumang kalaguyo nitong babae. Kahit paulit-ulit siyang niloloko ni Ethan ay patuloy pa rin siyang nagpapakatanga rito.
Dahil din sa takot ni Maryan ay nagpahatak siya sa kaibigan dahil nag-iiba ang ugali ni Kaye kapag lasing. Nagiging halimaw na ito na mala-Lindsay. Ang dami rin nitong nababangga kapag nalalasing dahil nagmamaneho at nagwawala ito sa sarili kapag lango sa alak.
Agad silang umakyat sa mahabang circular stairs ng mansyon. "Saang kuwarto diyan, Maryan! 'Wag mong ubusin ang pasensya ko! Kahit magkaibigan tayo, 'yang s**o mo, made-deform sa bote ng tequila na hawak ko ngayon! Pati 'yang t**s mo na ipinunta mo lang sa China para pakulayan ng light pink ay isasama ko na rin!" sigaw ni Kaye sa kaibigan.
Ngumuso na lang si Maryan sa isang pintuan habang natataranta pa sa takot. Sinundan naman sila nina Ritchie, Paola, at KC na tila takot na takot din dahil sa pagwawala ni Kaye. Tila papatay siya ng tao dahil sa hawak-hawak niyang basag na boteng ipapansaksak sa babaeng mahuhuli niyang kalaguyo ng kasintahan.
Naging alerto mga bisita sa kaganapan.
Sinugod ni Kaye ang isang pintuan.
Pagkabukas at pagkasugod niya rito ay agad siyang tinubuan ng sungay at nagdilim ang paningin nang makita niya ang kasintahan niyang si Ethan na hubo't hubad habang nakapatong isang babae na pawis na pawis na sa kanya.