Chap. 3

1895 Words
"Mama, magbu-book ako papuntang America bukas," lambing ni Rody sa asawa. "Huh? Bakit pa? Business trip?" Tanong ni Minerva habang nagtatahi ng mga damit. "Oo, Mama," pagsisinungaling ni Rody. Nahihirapan siyang huminga. Hindi niya alam kung sasabihin ba niya ang totoo sa asawa. "Okay. Ingat ka na lang at lagi kang tumawag sa amin." Papalabas na si Rody sa may pintuan nang mapahinto siya bago humarap sa asawa. "Mama, ano'ng gagawin mo kapag nalaman mong may anak ako sa labas dahil may nabuntis akong babae? Patatawarin mo ba ako?" palungkot na Tanong ni Rody. Napatigil sa pagtatahi si Minerva at dahan-dahang tumayo at lumapit kay Rody para yakapin siya. "Syempre, tatanggapin ko siya nang buo. Kasi ako nga, tinanggap mo si Lea na parang tunay mong anak. Bakit hindi ko kayang gawin sa 'yo 'yon?" Hinalikan ni Minerva si Rody at niyakap pa ito nang mariin. "Sasabihin ba natin kay Ethan na kaya nagpakamatay si Lea ay dahil sa galing siya sa kuya mo?" ani Rody. Hindi alam ni Ethan na anak ni Minerva si Lea sa kapatid niyang lalaki. They had an incest relationship kaya napilitan si Lea na magpakamatay pagkatapos nitong malaman ang totoo. Itinago nina Rody at Minerva kay Ethan ang totoong dahilan. Pinalabas nilang dahil lang sa pambababae ni Rody kaya nagpakamatay si Lea. Dahil ayaw nilang madumihan ang angkan nina Minerva. Masyado rin kasing maharot ang nanay ni Ethan. Isa siyang nymphomaniac at ang nagpabago lang sa kanya ay si Rody. Ilang beses din mambababae ni Rody para iwanan ang asawa, pero di din niya ito kayang iwan dahil nagaalala siyang baka bumalik ang pagka-nympho ni Minerva kaya nakapagisip-isip siya. *** Dumating na si Rody sa LAX(Los Angeles Airport) at sinundo siya ni Ronaldo Montalban—ang nakausap sa cellphone. "It was nice meeting you, attorney." Agad itong nakipagkamay kay Rody at pinasakay sa kanyang kotse. Pagkarating nila sa hotel ay nag-check-in na sila ng room. Sinimulan nang kausapin Ronaldo si Rody . . . "Attorney Rody Ferdinand, ako pala ang asawa ni Doktora Silva. Siya ang nag-asikaso at nagsilbing doktor ng anak n'yo for three months. Kaya't kailangan din naming mag-asawa ng budget 'cause we're running out of expenses," ani Ronaldo. "What do you mean? Magkano ba'ng nagastos ng anak ko sa pamamalagi niya sa ospital?" Tanong ni Rody. "87,000 US dollars pero gawin na lang naming 50 thousand. Your son's name is Brix Smith. He is suffering from childlike optimism. He thinks and acts like a ten-year old kid kahit kaka-23 niya lang this month." "Ang gulo! Thinks like a ten-year old kid? What do you mean by that?" naiinis at nagtatakang Tanong ni Rody. "Parang special child, Mr. Salvador. It was the result of his head injury sa car accident. He's suffering from retrograde amnesia. Nabura ang lahat ng alaala niya at bumalik sa pagiging ten years old. Are you watching Tom Hanks movie na Forest Grump?" "I don't care about the Goddamn movie. I want to see my son right now kung totoo 'yang sinasabi n'yo!" sigaw ni Rody. "He is at home. Inaalagaan ng asawa kong doktora. Halika at sasamahan kita. Masaya naman siyang kausap and he is harmless. He can cope up well." *** Lumabas sila ng hotel at pumunta sa bahay ng mga Montalban. Naabutan nila roon ang doktorang si Silva. Nagluto pa ang ginang ng pancakes para sa dalawa at agad umupo sa dining table katabi nila. "Actually, si Mister and Misis Santos ang nagsabi sa aking kupkupin ko na lang daw si Brix. Bigla na lang silang tumigil sa pagdalaw after magising ng anak ninyo. May anak silang babaeng kaedad lamang din ni Brix. Nawala na lang silang parang bula kaya ako na ang nag-uwi sa binata. Kawawa naman kasi. Namatayan na nga ng ina ay nawalan pa ng memorya," paliwanag ng doktora. "Salamat po talaga. Buti at sa doktorang Pinay siya napadpad. Nasaan na po ang anak ko?" Tanong ni Rody. Tinawag naman ng doktora ang pangalan ni Brix at lumabas itong nahihiya hanggang sa nagkatagpo at nagkaharap din ang mag-ama. *** Habang nasa videoke-han . . . "Torete akooo owoowuh!" Kumakanta si Maryan sa videoke nang biglang hininto ito ni Ritchie. "Tama na 'yan, girl! Napakasintunado mo, eh. Nagdudugo na yata ang tainga namin dito!" sigaw na pang-aasar ni Ritchie. Sina Kaye, Paola, KC, Ritchie, at Maryan—silang lima ang nagbi-videoke sa isang KTV bar na bobonggahin. "O siya, sige! Si Kaye na naman ngayon ang pakantahin natin!" pasaring ni Ritchie. "Alright! Wooh! Sige, sige! Request naman namin yung Without You by Mariah Carey," sigaw ni Paola. "Saka na, wala ako sa mood bumirit. Excuse me lang, CR muna me, mga fancys," pagtanggi ni Kaye. "Ang damot. Miss na namin boses mong maganda. Haist! Kung ako lang ang may boses na ganyan!" inis ni Ritchie. Pagkalabas ni Kaye sa room nila ay pumunta agad siya sa CR. Agad siyang dumumi ngunit nahihirapan siya iiri ito kaya hinalughog niya ang kanyang purse. At habang hinahanap ang Dunhill-flavored yosi niya kasi naniniwala siyang nailalabas niya nang magaan ang pagdumi kapag nagyoyosi. Habang dumudumi ay nagulat siya nang masilayan niya sa loob ang kanyang cellphone at ang notification dito. Isa itong sent photos galing sa kanyang kasintahan. Hindi siya nag-atubiling abutin ang cellphone niya instead of her flavored cigarette. "Ano na naman 'tong s-in-end mo sa akin, Ethan ka? Wrong timing ka talaga!" iritadong ani Kaye habang pilit i-unlock ang cellphone. Bigla siyang nagulat nang makita niya kung ano ang mayroon. "f**k you both! Mga manloloko! Mga animal! Mga hinayupak!" Sa sobrang pikon, galit, at inis ni Kaye ay naitae na niya nang di-oras ang lahat ng dumi niya. Sinabayan pa ito ng pag-iyak na siyang ikinasira ng pulbo, maskara, at eyeliner niya. Sumugod muna siya sa cashier at nag-order ng pagkarami-raming alak. Bumalik siya sa KTV room nila at binuksan niya nang padabog ang pinto na ikinagulat ng mga kasama niya. "OMG! Ano'ng nangyari sa 'yo at bakit ka umiiyak?" tanong ni Ritchie. "Mag-inuman tayo! Wooh!" sigaw ni Kaye habang bumubuhos ang kanyang mga luha. Inilagay niya sa table ang maraming klase ng alak at inagaw ang mic ng videoke kay Maryan. "Akin na 'yan, lintek ka! Kakanta ako ng Kenli!" sabi ni Kaye at nag-toast ng bote ng alak. "Ano yung Kenli?" tanong ni KC. "Baka ibig niyang sabihin, yung kakantahin niya kanina dapat. Yung Without You by Maria Carey. hahaha," tawa ni Paola. Hanggang sa nag-play na ang videoke at nagkatinginan silang apat na pinagtatawanan nang pasikreto si Kaye. Kinalkal ni KC ang handbag ni Kaye at napansin ang cellphone nito. Tsinek niya ang sent item ni Ethan sa kaibigan at mga picture nina Ethan at Camille sa kama habang nakahubad pero may kumot namang nakatakip. May mensahe si Ethan na nag-so-sorry dahil mas mahal niya si Camille kaysa kay Kaye kaya kailangan daw nitong makipaghiwalay. Nagsimula nang kumanta si Kaye habang umiiyak at lunod sa alak habang nagwawala. ♫ No I can't forget this evening ♫ ♪ Or your face as you were leaving ♪ ♪ But I guess that's just the way the story goes ♪ ♫ I can't live if living is without you ♫ Agad inalala ni Kaye ang lahat ng memories nila ni Ethan. Kung paano sila nagkakilala. Paano niya niligawan si Ethan kahit siya pa ang babae dahil uso na raw ang ganoon. Wala siyang pake kahit pagtsismisan pa siya. Pinag-iigib din niya ito ng tubig kapag naglalaro ng basketball. Sa dinami-rami ng manliligaw niya, si Ethan pa rin ang kinababaliwan niya sa buong buhay niya. Hindi niya alam kung anong klaseng gayuma ang ipinainom sa kanya ng binata. They have been in a relationshit for four years in a row pero away-bati dahil sa pambababae ni Ethan. Nagpapakatanga pa rin si Kaye. Ilang beses niya itong nahuling may katorjakan sa kama kaya't di na rin niya mabilang kung ilang babae na ang nakalbo niya, nasampal niya, naeskandalo niya—ngunit hindi pa rin siya sumusuko. Ngunit ang pinakamasakit sa lahat ay yung ipagpalit siya sa pinaka-best friend niyang si Camille. She never knew that she would face an act of betrayal from her long-time beshie. Kaya habang kumakanta si Kaye ay inom din siya nang inom ng alak. At least daw, sa alak, nakakalimutan niya ang ginagawa sa kanyang panloloko ni Ethan. Pero ngayon ay parang imposible na dahil best friend na niya mismo ang syinota ng boyfriend niya. Lumalabo na ang paningin niya at tila umiikot na ang mundo niya. Hanggang sa nakita niya sa harapan si Ethan habang kumakanta siya. Niyakap niya agad ito nang sobra at lumuhod at niyakap din ang binti ng binata. Sumigaw siya habang parang gripo na ang luha niya't nilamon na ng alak ang utak niya. "Babe! Ano ba talaga ang nagawa ko at ginaganito mo ako! Sabihin mo sa akin! Bakit ang best friend ko pa? Ano'ng meron siya na wala ako! Ang daming mga babae diyan! Ba't si Camille pa na parang kapatid ko na kung ituring babe!" Nagsalita naman si Ethan. "Miss, hindi po ako si Ethan. Waiter lang po ako rito. Magsasara na po ang videoke-han namin." Dahil sa kalasingan, pinagkamalang si Ethan ni Kaye ang isa sa mga waiter ng videoke-han. Buti at mabait yung waiter at hinalughog ang bag ni Kaye kaya na-contact agad si Kenji. Iniwan kasi ng apat si Kaye na lasing na lasing habang kumakanta at ninakawan pa nila ito ng makeup na Huda beauty fake lashes at Mac with matching naked products ng makeup na ang mamahal galing Sephora. *** Umaga na. Nagising si Kaye at nasa kuwarto niya't masakit pa ang ulo dahil sa hungover. Nandoon nakaupo sa harapan niya si Kenji at galit na galit na nakatungo ang ulo. "Kuya, sorry, di ko sinasadyang maglasing. Give me one more chance para 'wag ma-rehab," pagmamakaawa ni Kaye. Nagtitimpi lang si Kenji. Hindi makapagsalita at halos nahubad na niya ang blazer niya sa lalim ng iniisip. Tila lumabas na ang wrinkles niya sa noo. "Please, kuya, 'wag n'yo 'kong ipa-rehab. Sobra-sobra na ang pinagdaraanan ko ngayon. Alam mo bang inagaw ni Camille, yung childhood best friend ko, si Ethan. At alam mo ba? Mas matutuwa pa sila 'pag narinig nilang pina-rehab n'yo ako dahil sa alak na naman. Kasi wala nang makakaganti sa kanila. Please, I'm begging you, kuya." Sa sobrang pag-iyak at pagmamakaawa ni Kaye ay lumuhod siya mismo sa sapatos ng kuya niya at hinalikan ito. Sinabayan pa ng paghahagulgol niya na halos mamula na buong mukha niya at mamaos pa ang boses. Sobrang naawa si Kenji kasi first time niyang makita ang kapatid niyang bunsong babae na ganoon—na tila walang katapusan ang luha nito kaya pinigilan niya ito sa pag-iyak. "Okay, stop it, Kaye. Nagmumukha ka nang kamatis diyan. Bibigyan kita ng isang buwan para magbago at 'wag magpakalasing. 'Wag ka na ring sumama roon sa mga kaibigan mong kasama mo sa videoke-han. Mga walang kuwenta ang mga 'yon at iniwan kang lasing na lasing na mag-isa. Paano kung mapaano ka roon? 'Wag na 'wag mo ring sabihin kay k**i ang nangyari kundi malalagot tayo at matutuluyan kang ma-rehab nina Ma at Pa. Promise me na magbabago ka na, bunso. I will observe you within a month, Kaye. Don't blow it!" Napaiyak lalo si Kaye at niyakap ang kuya niya. "Yes, Kuya. I will and I promise."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD