Prologue

823 Words
Place: California Weather: Winter Snow Sa isang hapagkainan, nakaupo ang isang napakagandang ginang. Galante siyang tingnan at may suot na salamin, nakapusod ang buhok habang umiinom ng kape't nagbabasa ng dyaryo. Hinihintay nito ang kanyang anak na bumaba. Makalipas ng ilang minuto ay bumaba na sa hagdan ang kanyang anak. Isang binatang may fringe ang haircut at nakasuot ng jacket. Matipuno, gwapo, galante ring tingnan, makisig, at lahat ng katangiang gusto ng isang babae sa lalaki ay nasa kanya nang lahat. Siya si Brix Madrigal Smith, at masyado siyang nagmamadali sa kanyang kilos. "Ma, let's go. Malayo pa naman ang Lake Tahoe," mabilisan niyang salita. "Just wait, son. Mag-almusal muna tayo. 'Wag padalos-dalos. Maganda pa naman ang weather sa labas. Di pa umuulan ng yelo," wika ng ginang, at siya si Ms. Evangeline Madrigal-Smith—ang nanay ni Brix. "Okay fine, Ma," iritado pero nakangiting responde ni Brix. Ipinatong na lang niya sa silya ang backpack. Umupo siya't sumubo ng hotdog at omelete na may kasamang kaunting tinapay. Nagsimulang maging seryoso ang mukha ni Evangeline. "Son, do you still wanna meet your dad in the Philippines?" Napatigil sa pagsubo si Brix nang marinig iyon. "Mom, iniwan na niya tayo and it's been 23 years. Di pa rin siya nagparamdam, and it was proven that we can live without him. Kaya nating mabuhay nang wala siya, at sigurado akong masaya na siya kasama ang totoo niyang pamilya," gigil ng binata. May kinuha naman si Evangeline sa kanyang bag at inilapag ito sa mesa. Brown envelope ito na puno ng mga dokumento ng ama ni Brix. "Eto, anak, kung sakaling mawala ako. Eto yung mga information na pwede mong hanapin kung saang lugar sa Pilipinas mo mahahanap ang papa mo. Malaki ka na, Brix, at anak ka pa rin niya. Dugo't laman ka pa rin niya." "Ma, why are you saying this na parang mawawala ka na! Kaya nga aalis tayo papuntang Lake Tahoe with my fiancée Arissa, to spend the best and happiest Christmas vacation, di ba?" Sinubo muli ng binata ang hotdog na nakatuhog sa tinidor pagkatapos niyang magsalita. "You know, son, masaya akong napalaki kitang mabait, gwapo, matalino, masipag, at lahat-lahat na. Napakamapagmahal mong anak. Masaya rin akong di ako nagkulang sa iyo bilang ina, na kahit iniwan tayo ng tatay mo, heto ka—a perfect creation of God. Kasalanan ko rin naman, anak, dahil pumatol ako sa may asawa, pero dahil mahal ko siya, I'd rather let him go and set him free. All I know by now is hindi ako nagkamaling buhayin ka. I love you so much, my son, from the bottom of my heart. Thank you for taking care of me too. Alam kong masakit na pinalayas ako ng parents ko dahil sa pagbubuntis ko sa iyo at mas pinili kita. Pero it was worth it because you're a gift from God that has sent to me. Please, don't change. Alam kong balang-araw ay mapapatawad at mamahalin mo rin ang tatay mo. Tinaboy na tayo ng ama kong Americano at nanay kong mestisa, pero biniyayaan pa rin ako ng isang munting anghel at ikaw 'yon. I've learn to be a Filipino at heart because of your dad kahit 1/4 lang pagka-Pilipino ko sa dugo ko," ngiti ng matandang ginang. "Wala akong pake sa lahi, Ma! And, please! It doesn't change the fact na pabaya siyang ama. Wala man lang siya paramdam!" Biglang nag-ring ang cellphone ni Brix at ito ang kanyang pinakamamahal na fiancée. "Hello, babe, nasaan na kayo? Nandito na kami nina Mama at Papa sa Lake Tahoe," masayang sabi ng kasintahan ni Brix sa linya at ito'y si Arissa Santos. "Okay, babe, saglit lang at heto na kami," ngiti ni Brix. Binuhat na ni Brix ang lahat ng mga dadalhin sa malaking kotse ng kanyang ina. Ito'y mga maleta, snowboard, at iba pa. Tumayo na rin sa pagkakaupo si Evangeline. Nahinto na lang si Brix nang makita niya ang mga papeles o dokumentong nasa loob ng brown envelope kung paano mahahanap ang kanyang ama sa Pilipinas. Nagdadalawang-isip pa siya kung dadalhin niya ito o hindi, ngunit agad na lang niya itong itinago sa backpack niya. *** Habang lumarga na sila at nagmamaneho siya, ikinagulat na lang niya nang medyo lumalakas na ang ihip ng hangin. "Ma, 'wag na lang tayong tumuloy. Parang magkaka-hailstorm na yata," anang binata. "No, it's fine. I trust you," sagot ng ina nang biglang nag-ring ulit ang cellphone ng binata at ito'y si Arissa. "Hello, babe? Pwedeng di na lang kami tumuloy?" "Huh? Why?" sagot ng kasintahan. "Parang lumalakas na ang storm. Hindi ko na makita ang malabong daan, babe." "What? My parents are waiting! Ano na lang ang sasabihin nila? What the hell, Brix! Ayan ka na naman!" pagalit na sigaw ni Arissa at ibinaba nito ang linya sa cellphone. Walang choice ang binata kundi magpatuloy sa pagmamaneho kahit medyo nahihirapan na dahil palakas nang palakas ang hailstorm.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD