Eight

1115 Words
"Siguro ang tunay na pagmamahal, maihahalintulad sa pagsalo ng ulan. Yun bang sinasabi dati na kapag umuulan, pasasaluhin mo yung taong mahal mo ng ulan, At yung ulan na hindi niya masasalo eh yun ang pagmamahal mo sa kanya." "Naks! Hahaha" Natatawang sabi ni King kay Queen na napatawa na rin. "Seryoso ako anuka ba!" "Ok, sige, seryoso na rin ako!" Madalas ng magkasama ngayon si King at Queen, naging komportable na silang dalawa sa isa't isa at parehong may lihim na pagtingin na di maamin amin sa bawat isa. "Siguro ganun talaga kapag nagmamahal. Ang nais mo lang eh ang kasiyahan niya. Kahit na masakit na eh tuloy pa rin ang pag ngiti mo sa kanya. Yun bang pag-ibig na unconditional love talaga. At alam mo bang mas marami pa rin ang taong nagbibigay ng unconditional love? Napakarami diyan sa tabi. Mga taong nananahimik lang. At hindi yung mga taong puro salita lang kaya sinasabi ng iba na.. 'Pangarap ko ang relasyon na meron sila.'Sa panahon ngayon, napakarami ng taong martir, Mga taong handang maghintay, mga taong umaasa na mapansin, mga taong ok lang sa kanya ang lahat para lang sa ikakasaya ng taong mahal niya." "Ang lalim ng hugot mo ah!" Biro ni King ng makitang tila malungkot ang dalaga. "Alam ko ang pakiramdam, dahil nagmahal din ako ng totoo. Hindi man umayon sakin ang mga bagay na iniisip ko noon dahil sa kagalakan at excitement sa pangarap na relasyon." "Kaya pala parang ang dami mo ng alam, marami kana palang naranasan. Pasensya na ha! Gusto ko lang naman na ngumiti ka kasi ang lungkot lungkot mo tingnan." Seryosong sabi din ni King, na nakuha ng nais ipahiwatig ni Queen sa kanya. "Ok lang. Patuloy mong saluhin at damhin ang ulan. Ang ulan, hindi tinatakasan. Sinusugod ito kapag kailangan. At hinihintay humupa kapag sobrang lakas na. Parang sa tunay na buhay diba?" Napatango na lang ang binata, may katwiran si Queen, lahat ng sinasabi nito may sense at yun ang pinakagusto nya dito. "Kapag kailangan mo ma solusyunan ang problema. May paraan ka. Kasi kailangan mo eh. At kapag sobrang sakit na ang nararamdaman mong problema. Kailangan mong magpahinga. Kailangan mo munang lumayo. Bakit mo kasi pipilitin ang sarili mo kung pwede ka namang maghintay at magpatila diba?" "Exactly! Kaya ako ganun ang ginagawa ko, ang maghintay." Parang wala sa sariling inabot ni King ang pisngi ng dalaga saka marahang hiaplos. Nakita nya ang pagkagulat saka ang bahagyang pamumula ng pisngi ni Queen. Napapangiti tuloy syang pilit inilayo ang kamay sa mukha nito. "Queen, anong gusto mo sa isang lalake O sa magiging bf mo?" "Ha! Bakit mo naman naitanong yan?" "Basta, sagutin mo na lang!" Pangungulit na naman nya sa dalaga. "Syempre gusto ko yung napapatawa ako. Kasi syempre kung matagal ko syang makakasama dapat yung kaya akong pasayahin araw-araw. Uhm...yung proud sakin. Yung hindi ikakahiya na sa kanya ako. Kasama na dun syempre yung hindi sya mahihiyang ipakilala ako sa family nya, para legal na din diba? mahirap din kasi yung nagtatago kayo ng relasyon. Bad yuun. Haha.. Yung lalaking ma-effort. Kahit simpleng effort lang. Yung tipong dadalhan ka ng pagkain kapag alam nyang di ka pa kumakain tsaka small suprises, kailangan din naman ng kilig every now and then para mapanatili yung sparks diba. Protective hindi possessive. May pagkakaiba kasi yan. Okay yung pino-protektahan ka nya mula sa ibang mga lalaki kasi nate-threaten sya pero iba yung kino-kontrol ka nya, yung tipong nakakasakal na.I want a guy na kayang sakyan yung mga trip ko. Especially ako, may pagkabaliw kasi ako, masyadong hyper. Tsaka I want those playful relationships. Kasi pag seryoso masyado parang ang panget, parang di nyo na-eenjoy yung company ng isa’t isa. Someone who’s willing to be my prince. Kasi ako, prinsesa ako. Hindi ako madaling ma-please, kasi nga gaya ng sinabi ko mataas standards ko, tsaka dapat itrato ang mga babae na parang prinsesa. Pero ako prinsesa talaga ako, promise! Okay, ayan na po pasensya na kung nagmamaganda ako." Pumapalakpak pa si King na kaylapad ng ngiti sa kanya. "Hanep! Ang taas nga ng standard mo, pero Queen kana diba? dapat ang hanapin mo ay King hindi lang isang prince?" "Pwede! Pero wait lang, ako naman ang magtatanong sayo. Anu naman ang gusto mo sa isang babae O sa magiging gf mo?" "Ako? Ang gusto ko sa isang babae, yung nakakaintindi. Kung ano yung wala sayo, hindi na ipipilit. Hindi na sasabihing dapat ganito ka, dapat ganyan. Tapos kung ano yung meron ka, kuntento na rin siya. Hindi puro reklamo ang naririnig galing sa kanya." Kala ni Queen may kadugtong pa pero ilang minuto ng lumipas nanatiling nakatikom ang bibig ni King na nakakatitig lang sa kanya. "Yun lang yung sayo? Ang iksi naman." Reklamo pa nya. "Yep! Yun lang ang gusto ko, lam mo kung bakit?" Umiling sya agad saka nakinig ng mabuti sa susunod na sasabihin ni King sa kanya. "Kasi, simpleng tao lang ako at simpleng buhay lang ang gusto ko. Ayoko ng komplekadong buhay.. Gusto ko yung magaan lang... Yung masayang buhay kasama ng mga mahal ko sa buhay." "Ang sarap siguro sa pakiramdam na balang araw habang magkatabi kayo ng mahal mo maiisip nyo nalang yung mga bagay na ginawa nyo, mga bagay na pilit kayong pinaghiwalay, mga problemang nalagpasan nyo, yung mga ginawa nyo para sa isa’t isa at mga sakripisyo nyo. Habang magkahawak kayo ng kamay at nakatingin sa mata ng isa’t isa, ngingiti na lang kayo dahil kinaya nyo at umabot kayo ng ganun katagal, maiisip nyo yung mga nakakakilig na bagay na ginawa nyo tapos tatawanan nyo na lang yun at yung pagibig nyo para sa isa’t isa na hindi natinag sa pagdaan ng panahon sa kabila ng mga pagsubok na dumating sa relasyon nyo at siguro sa panahon na yun masasabi nyo na napatunayan nyo na yung salitang “forever”. Nangangarap na sabi ni Queen sa binata na napangiti sabay hawak nito sa kamay nya. Tila naman nagising ang diwa ng dalaga napatingin sya sa kamay nila ni King na magkadaop. "Queen, bakit hindi natin subukan? Sabay tayong tuklasin kung totoo ngang may forever!" "Ha! Seryoso kaba King? Baka wala pa tayo sa kalagitnaan iwan mo nako ha? Yoko ng masaktan saka yoko na ring maiwan mag isa sa kawalan!" "Ayokong mangako sayo gagawin ko na lang lahat ng makakaya ko." Nakangiting tumango si Queen. "Sige, subukan natin, ayoko ring mangako sayo, gagawin ko rin lahat ng makakaya ko... Basta walang pressure King ha!" "Yep! walang pressure Queen. Promise!" Sa ganun lang kasimpleng usapan, nauwi na silang dalawa sa daan patungong wagas na pagmamahalan. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD