Seven

1402 Words
Sulat para sa taong mamahalin ko balang araw.?❤ Nakakatuwang isipin na hindi pa natin natatagpuan ang isa’t isa pero posibleng minsan na kitang nakita, posibleng minsan na kitang dinaanan, posibleng minsan na kitang tinignan. Siguro isa ka sa mga nakasakay ko na sa jeep, naging schoolmate ko, nabangga ko sa daan, nakasalubong ko sa mall, o nakausap ko na. Pero nakakatuwa naman talaga ang tadhana dahil kahit na ilang beses pa tayong magkita, kung hindi pa ito yung tamang panahon para sa pagmamahalan, hindi natin mapipilit to. Nakakatuwang isipin na minsan nating inisip kung sino ba yung mamahalin natin habang-buhay. Posibleng magkalayo tayo ngayon, pwede rin namang katabi na kita. Sa ngayon, may iba ka pang minamahal at may iba rin akong minamahal. Pwede ding sa ngayon, nasasaktan ako at nasasaktan ka din. Marami pa tayong pagdadaanan na magkahiwalay. Kailangan muna natin maging matatag para kapag oras na para sating dalawa, wala nang bibitaw. Ano kayang ginagawa mo sa mga oras na to? Ano kayang iniisip mo bago ka matulog? Naisip mo na rin ba yung mga plano mo pag nagkita na tayo? Ano kayang hilig mo? Anong itsura mo? Madaming tanong na sumasagi palagi sa isip ko pero tuwing iisipin kita, wala akong kaide-ideya kung sino ka. Hindi ko alam kung kailan yung oras para satin, hindi ko alam kung paano tayo magkakakilala at hindi ko rin alam kung saan. Siguro sa ngayon, marami pa tayong mga bagay na kailangang gawin at mga bagay na dapat munang tapusin. Nakakatuwang isipin na habang pareho lang tayong nasa ilalim ng buwan, eh alam kong malapit ka lang sakin. Gusto na kitang makilala pero hindi ako nagmamadali. Aalagaan mo yung sarili mo ha! Wag ka mag alala, kasi balang araw, ako na mag aalaga sayo. Simple lang akong tao, wala akong ibang hinihiling palagi kundi maging masaya. Hindi ako perpekto. Madalas akong nagkakamali pero sana maintindihan mo yun at mapagpasensyahan mo ako. Kung masungit ka man, edi lalambingin kita palagi. Kung suplado ka, edi palagi kitang papansinin. Kahit ano ka pa, kahit ikaw pa yung pinakamahirap pakisamahan, gagawa ako ng paraan. Hintayin mo ko ha? PS: Kapag dumating na yung tamang panahon, wag kang mag alala, mamahalin rin kita. Your ? 'Ang cute naman ni Queen' nangingiting tinupi at ibinalik nya ang sulat sa loob ng sobre. Saka tumingin sa paligid ng school nagbabakasakaling makikita nya ang dalaga, swerte namang nakita nya itong nakaupo sa ilalim ng punongkahoy habang nagce cellphone. Dali dali nya itong nilapitan. "Hi Queen, musta na?" Umupo sya ng may konting distansya sa dalaga na ngayon ay nakangiti na sa kanya. Iniabot nyang sulat na napulot at nagtataka namang inabot ito ni Queen. "Bakit na sa'yo 'to?" "Napulot ko lang kahapon nung nagmamadali kang umalis." Natatawang inilagay ng dalaga ang sulat sa bag nya saka binalingan ang binatang nagpipigil ng ngiti nito. "May tanong ako sa'yo King, ano ang RELASYON para sa'yo?" Lihim na namang napapangiti si King dahil sa tanong ni Queen. "Sa relasyon hindi sapat na mahal mo lang. Kailangan matindi ang pang unawa mo at yung faith mo sa inyong dalawa. Faith sa mga pinanghawakan niyang mga salita, at yung tiwala na lagi niyang sinasabi sayo para gumaan ang pakiramdam mo. Kumbaga sa gera, hindi pwedeng may dala ka lang baril at bala at basta na lang susugod at pagbabarilin ang lahat ng nakikita mo. Kailangan mo munang isipin ang mga dapat mong gawin, kailangan pag-aralan dahil nasa paligid ang lahat ng kalaban. One wrong move ay tigok ka. Parang sa relasyon. Hindi mo pwedeng sabihin na mahal mo lang ang isang tao kaya gusto mo siya maka relasyon. Pumasok ka sa relasyon kaya alam mo dapat ang mga posibleng mangyari dito. Hindi pwedeng porket mahal mo eh papasok ka sa relasyon at magmamahal ka lang. Ang realidad kapag nasa relasyon ka? Matindi. Hindi biro ang pumasok dito. Marami kang isasakripisyo at isa na dun ang kasiyahan mo sa oras na hindi okay ang lahat. Kaya minsan, nagtataka ako sa mga bata na gustong gusto na agad pumasok sa relasyon. Hindi nila naiintindihan yung pinaka core na idea na hindi biro ang pumasok dito. Dahil ba nakita nila sa TV na ang sweet magmahal? Dahil ba nakita sa isang pelikula na nakakakilig? Minsan, ang pag-ibig ang wawasak sayo." Seryoso ang mukhang makikita kay King pero sa loob loob nito gusto nyang matawa sa nakikitang reaksyon ng dalaga. Tulala itong nakatingin lang sa kanya at bahagya pang nakaawang ang labi na tila ba nangangarap at nai imagine ang mga narinig nito mula sa kanya. Pinitik nyang daliri sa harap ng mukha nito. Nakita nyang agad na pagkurap kurap ng mga mata nito at ng mahimasmasan nakangiti na naman itong nagtanong sa kanya. "Anu naman ang mga kinaiinisan nyong mga lalake saming mga babae?" Dina nagtanong pa si King, kaagad nyang sinagot ang tanong ni Queen ng may ngiti sa kanyang labi. "Kapag hindi kayo makuha sa isang paliwanagan. Kapag andami nyong tanong kahit iisa lang naman ang sagot. Kapag kalevel nyo nang nanay nyo sa pagsesermon. Kapag lagi kaming pinaghihintay tuwing may lakad at date. Kapag sobrang kapal ng funda. Yung make-up kasi ang nalalasahan kapag nagkikiss. Kapag pilit kaming isinasama mag shopping. Kapag antagal tagal nyong lumabas ng cr. Kapag masyado kayong malapit sa ibang lalaki. Gusto namin kami lang. Kapag pinipilit kaming sumama sa lakad ng barkada kahit hindi naman namin gusto. Kapag nagsusuot ang gf namin ng sexy outfit sa public. Ayaw kasi namin ng may tumitingin sa pagmamay-ari namin. Kung may lalake man na mas gustong nagpapasexy ang mga gf nila, hindi nila mahal yun. Pandisplay lang nila yun. Kapag nagtatalo kayo sa isang maliit na bagay tapos babalikan ng babae ang lahat ng pinag awayan niyo. Kapag umiiyak ang babae. Kasi, it’s a form of blackmailing. Siyempre no choice ang mga lalake kundi makipag ayos. Andaya di ba?" Tumango naman si Queen at ngumiti. "Ganun pala kayo! At least ngayon may nalaman ako mula sa'yo. Next time na main love ulit ako alam ko ng mga gagawin ko. Salamat King ha! salamat sa'yo." "Ayos lang yun Queen, gusto nga kita eh kasi napaka open minded mo saka friendly pa." "Sus bola! Hahaha." "So, ako naman ang magtatanong sa'yo ngayon, pwede ba yun ha?" "Sige bah! para patas na tayo. Anubang tanong mo?" "Pwede bang malaman ang tungkol sa kaugalian ninyong mga babae?" "You mean ang attitude naming mga babae?" Tumango si King bilang sagot nito sa tanong nya. "Kaming mga babae, iba iba man ang paraan ng pananamit namin, iba iba man ang trip naming gawin sa buhay, pare-pareho pa rin kaming magisip. Kung ang mga lalake eh inborn ng tumingin sa mga magaganda at magaganda ang katawan, likas naman sa aming mga babae ang masyadong nagiisip ng kung ano ano pagdating sa mga simpleng bagay. Katulad na lang kapag hindi sumasagot agad ang taong gusto naming makausap. Kami yung tipong kalmado muna sa una pero pagkalipas ng sampung minuto, dyan na kami nagsisimulang magisip ng kung ano anong pwedeng isipin... “Natulugan na naman ako nito” "Ayaw siguro ako kausapin” "May kausap siyang iba” "Nakakaistorbo lang ako” May mga iba naman na kahit pumasok na sa utak nila ang mga katagang yan, pinipilit pa rin nilang magisip ng mas positibong posibilidad at takpan ang lahat ng yan hanggang sa maubusan ng dahilan. “Baka nautusan” "Baka nawalan ng internet” "Baka naputulan ng kuryente” "Baka walang pang extend” "Baka umihi” Masaklap man, pero wala na tayo magagawa. Nandyan na yan eh, Hindi man namin ginusto, utak na namin mismo ang pumili. Pilit man naming pigilan, dyan pa rin kami babagsak at babagsak. Ok na ba! Gets mo na bang ibig kong sabihin?" Nag thumbs up pa si King sa dalaga. "Oo naman malaking bagay na yan sakin na malaman ang tungkol sa inyong mga babae. Salamat sa pag share mo sakin Queen ha! Mas lalo kong naintindihan ang lahat ng kababaehan. Tara kain muna tayo, nagutom ako sa topic natin ngayon." Inabot ni Queen ang kamay ni King na nakalahad sa harapan nya. Masaya sya dahil marami syang nalaman sa pinag usapan nila ngayon. Mas nakilala pa nya ito at higit sa lahat naging malapit na sila sa isa't isa. At sa totoo lang nagugustuhan na nyang binata, pero syempre, lihim nya na lang yun para sa sarili. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD