Nine

988 Words
"No words can explain gaano kita kamahal. No words can explain gaano mo ko napapagaan. No words can explain gaano mo ko napapasaya. Hindi ako magsasawang mag thank you mula sa maliliit na bagay hanggang sa mga bagay na di mo alam na napapasaya mo pala ako. Sobra akong happy at sobra kitang love. Yung saya na hindi ako natatakot na may expiration date. Yung saya na ang gaan gaan sa pakiramdam. Yung saya na genuine dahil alam kong nasa tamang tao ako." Nasa park silang dalawa at nagmamatamis itong si Queen, simula ng maging official ng relationship nila ni King wala ng halong pagtitimpi basta lahat all the way na. Kung anong pinapakita at turingan nila sa isa't isa totoo ng lahat. "Sobra kong naaappreciate na pinupuno mo ang lovetank ko, magkasama man tayo o hindi. Sobra kong naaappreciate na anjan ka lagi handang umalalay at makinig kahit ano man ang pinagdadaanan ko. Sobra kong naaappreciate na kasama kita through thick and thin. Sobra kitang naaapreciate bilang partner ko. Kaya naman happy ako na partner kita Queen." Ganyan sila ka sweet sa isa't isa kapag magkasama. Kahit mga kaibigan nila di maiwasang magkomento dahil sa magandang relasyon ng dalawa. Pero ang madalas na pumupuri sa kanila ay si Lovely na unang natuwa ng ibalita ni Queen ang tungkol sa kanila ni King. "Ikaw yung babae na hindi kaagad mapapansin, hindi kaagad titingnan. Hindi ikaw yung pinakamaganda sa lahat ng babae sa mundo. Hindi ikaw yung binabalikan ng tingin. Hindi ikaw yung babae na talented. Pero, Girl! ikaw yung babae na pagtinitigan mo talaga , umuusbong yung ganda, yung ugali mo na kakaiba, yung talagang mapapahanga sila pagnakilala ka. Kakaiba ka." "Sus, true ba yan Girl? Baka inu ukray mo lang ako ha!" Yan palaging dialogue nya kapag walang tigil ng kakadaldal si Lovely. "Di ah! Totoo kayang sinasabi ko, Girl, Ikaw yung babae na pag nagmahal totoo, yung alam mo sa sarili mo na hindi mo lolokuhin yung mahal mo. Ikaw yung babae na kahit anong mangyari nandyan lang sa tabi ng lalaking iniibig mo.. Ikaw yung babae na totoo sa mga kaibigan, yung babaeng hindi backstabber. Ikaw yung babae na relihiyosa, yung lagi mong iniisip at sinasapuso na nasa gitna lagi si God sa mga pang araw araw mong ginagawa." "Hahaha.. Kilalang kilala mo na talaga ako Girl, bilib talaga ako sayo." "Syempre! Bakit hindi? eh mula elementary until now friendship pa rin tayo. Hmmm anupa ba? Ah Ikaw yung babae na uunahin ang iba bago ang sarili. Ikaw yung babae na pag nagmahal balance. Yung tipong hindi mo sasakalin yung mahal mo para hindi siya mawala sayo. Kakaiba kang babae, maswerte ang lalaking mamahalin mo, at maswerte si King dahil siya ang napili mo ." Napangiti si Queen sa huling sinabi ni Lovely, niyakap nya ito ng mahigpit saka hinalik halikan sa pisngi na panay naman ang iwas at tulak sa kanya. "Ewww.. laway mo nabuburang foundation ko Girl, anuba! tama na kasi yaaannnn!" "Hahaha.. Arte nito, sige yakap na lang kita hmmmm." "Lam mo Girl naisip ko lang at na experience ko rin nung nabaliw ako sa pag ibig. Yung feelings mo sa isang tao, pabago bago yan eh. Minsan gigising ka na mafefeel mong sobrang inlove na inlove ka dun sa partner mo, minsan naman gigising kang parang wala pang ginagawa partner mo, buset ka na o irita ka na agad, minsan naman gigising kang para wala ka ng maramdaman, parang wala ng spark kumbaga, minsan naman gigising kang cold ka lang." Napasimangot si Queen ng marinig ang sinabi ng kaibigan. "Hay naku Girl, diko pa naranasan yan sa mga naging bf ko. Saka yokong makaranas ng ganun kaya aalagaan kong mabuti si King." "Basta! Opinyon lang tong akin Girl, Kaya nga maraming relationship ang nagffail kasi once na naramdaman na nila na parang wala ng spark, wala ng kilig, parang ordinaryo na lang bigla silang mapapa backout sa relasyon. Na nakalimutan nila na love is not about feelings but commitment. You commit yourself every day, kahit pa minsan pabago bago yung feelings na nararamdaman mo dun sa partner mo. Kasi kapag mahal mo talaga yung isang tao, ano man ang mapagdaanan mo at maramdaman mo, sure ka na mahal mo sya at pipiliin mo sya dahil sya ang gusto mo makasama at ayaw mo syang mawala. Kaya pag nagmahal ka, commit yourself sa taong mahal mo every single day." "Hmmmm.. Kaya lab na lab kita Girl eh! Sa mga payo mo lang marami nakong natututunan. Thank you! Thank you talaga! Hmmwah mwah.... " "Queen! Isa! Tama naaaa! Si King ang paghahalikan mo wag ako! Kaya tayo napagkakamalang tomboy eh! dahil sa ugali mo." "Hahaha eh best friend naman kita kaya pede kong gawin 'to sayo! Hmmm.." "Ganun? Sige matanong nga kita, anong pagkakaiba ng Friend at Best friend, ha?" "Wow kelangan ko pa bang explain yun Girl?" Reklamo pa ni Queen. "Syempre! Gusto ko malaman mula sayo, dali na kasi, dami pang reklamo eh!" Nandidilat na asik naman ni Lovely sa kanya. "Ang kaibigan, alam niya ang lahat ng magagandang kwento ng buhay mo. Ang bestfriend, siya yung ibinibida mo sa lahat ng kwento mo sa mga kaibigan mo. Ang kaibigan, yung mahilig tumambay sa buhay mo. Ang bestfriend, siya yung mahilig ding tumambay kaso may dalang chichiria, pampahaba ng oras ng pagtambay. Ang kaibigan, kapag may problema ka, sa kanya ka umiiyak. Si bestfriend, siya yung isa sa mga dahilan kung bakit ka umiiyak. Ang kaibigan, kadalasan naiinggit yan kahit sa kapwa nya kaibigan. Si bestfriend, siya yung isa sa mga dahilan kung bakit naiinggit ang iba nyang kaibigan sa kanya. Pagkakaiba ng friend sa best friend? siyempre yung first word." Malapad syang ngumiti kay Lovely. " Oh anu na gets mo na ba kung bakit best friend kita?" Kumindat pa sya dito. "Gets na Gets Best friend!" Masayang sabi ni Lovely sabay nag apir pa silang dalawa at nagkatawanan. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD