Ang balak na pagmo mall nila Lovely at Queen ay nauwi sa pagba bar. At dahil sa wrong timing ang pagkikita nila Jigs at Lovely sa Boyzone, napagkasunduan ng dalawang mag share na lang ng table kesa nga naman isumbong sya ng adik nyang pinsan, kaya no choice ng dalaga.
"Adik! Walang rules ha! basta friends tayo dito di mag pinsan ok!"
"Ok sa alright lovenia hehe."
"Umayos ka kung ayaw mong masipa ulit kita!"
Palibhasa medyo lasing ng dalawang lalake kasi nakailang bote na rin sila bago nakishare ng table sila lovely, naisipan ng dalawang babae na ibaba ang interrogation topic nila. Abah! Minsan lang mangyari ito kaya sulitin na habang may opportunity diba!"
“May moment ba sa buhay mo na hindi ka nagalit sa mga taong nanakit sa ‘yo?”
Unang tanong ni Lovely sa mga lalake na sinagot naman ni King agad yun.
“Kaibigan ko lahat ng EX ko. Until now nakakausap ko sila na parang walang nangyari. Puro throwback ang nangyayari kadalasan pag nag-uusap pero I’m cool with that. Ang sarap nga naman balikan 'yong masasayang alaala. Pero hanggang dun na lang 'yon sa alaala. Masaya akong dumating sila sa buhay ko. Tinuro sa akin ng mga taong 'yon na dapat kong mahalin ang sarili ko. Akala nila nagagalit ako sa kanila noong una. Pero hindi. Nagtatampo lang ako sa kanila kasi sayang 'yong oras. Sayang yung pag set ng goals na kasama sila. Sayang yung energy at yung araw na kailangan ko gamitin para maging okay lang ulit. Hindi biro gumising sa umaga na parati mo na lang sila naiisip at kung ano ba ang nagawa kong mali. Minsan, nasasanay na lang na wala sila o kaya ay napagod na lang. Tapos totoong time will heal talaga. Panahon lang ang kailangan para maging okay. Eventually may mga bagong taong darating. Pick your poison ika nga. Pwedeng masaktan ka ulit, Pero who cares? Ang saya kaya nung ride kapag nagmamahal ka. Kung masaktan man ulit? Edi back to basic. Pahinga hanggang makita ang taong hinahanap at tutupad ng mga pangarap mo kasama sila.”
Nagkatinginan sila Queen at Lovely. "Parang matino pa, deretso sumagot eh haha!" Bulong pa ni Queen.
"May gusto ka ba sabihin sa mga taong patuloy na hinahanap ang pag-ibig?”
Si Queen naman ngayon ang nagtanong at si Jigs naman ang sumagot habang lumalaklak ng alak si King.
“Meron. Never blame love kapag hindi nila nakuha ang gusto nila. Para sa akin once na willing kang i-take ‘yong risk para lang makasama sila ay sign na 'yon na nagmamahal ka ng totoo. Normal i-assume lahat kasi 'yon ang gusto mo mangyari. Kaya ka lang naman nasasaktan kasi hindi 'yon yung naging outcome na ine-expect mo. Okay lang 'yon that’s normal. Pero dapat tandaan nila na walang kinalaman ang Love. Tao ang dahilan. Sa tao sila matakot pero hindi dapat sa pag-ibig. Bakit? Once na nagtiwala sa pag-ibig andun 'yong willingness sumubok ulit. Alam ng tao ang hinaharap nila. Alam nila 'yong risk. Risk na masaktan ulit pero 'andoon din 'yong chance na sumaya ulit.”
"Abah! May sense ka naman palang kausap insan ah! Sana palagi kang lasing para matino kang kausap hindi yung parang may saltik ka hahah."
"Wag masyado bumilib sakin, baka kala mo madadala moko sa mga pambobola mo ha, no way... Highway hahaha."
Napairap na lang sa hangin si Lovely, saka sya ulit ang nagtanong.
"May moment ba sa buhay mo na sinabi mong okay lang mag sinungaling?”
“Oo. ‘Yong sinabi nilang hindi na nila ako mahal at may mahal na silang iba. Ayon yung araw na sinabi ko na sana nagsisinungaling lang sila. Gusto ko pa nga sabihin na "Uy! Galing mo mag joke ah!” Pero hindi. After nun, hindi na siya ngumiti. Hindi na bumalik yung ngiti, yung tawagan, yung atensyon, yung oras. Gumising ako mag-isa kinabukasan. Walang kausap at naghahanap ng kaibigan. After ng lahat ng 'yon nawala lahat. Walang kami, walang tayo. Pero merong sila.“
Natahimik naman ang tatlo sa sinabi ni King, kala nila tapos na itong sumagot pero may kadugtong pa pala yun.
"Naalala ko pa ‘yong dating tumingin ako sa salamin tapos naawa ako sa sarili ko dahil iniwan ako dati. Sabi ko pa sa sarili ko noon. Tangna! kung nakikita ka lang nung babaeng nanakit sa ‘yo ngayon maaawa ‘yon eh. Bigla kang babalikan no’n. Ang lungkot nun kasi nakikita ko sarili kong humihikbi. Nakikita ko sarili kong lumuluha. Ang lakas maka pelikula gagiii! Sabi ko langya ang gusto mo lang naman mahalin ka pero ginago ka ng ganun lang? Tapos grabe hinga ko no’n sobrang lalim. Sobrang tampo ako sa mundo no’n. Gusto ko ipagsigawang malungkot ako pero hindi, naging matapang ako at sinarili ko lahat ‘yon. Sinasabi ko sa mga kaibigan ko na malungkot ako dati pero pag tinanong nila kung bakit, hindi ko rin sila masagot. Parang tunay na pagmamahal hindi mo maipapaliwanag. Ganon din pala pag legit na nasaktan ka, wala kang eksaktong salitang mabubuo rin pero ramdam mo ‘yong mabigat na pakiramdam na akala mo tinitinik ka sa bawat oras na maalala mo siya. Doon ko dati naramdam ‘yong sobrang pagod. Never kasi ako napagod kapag gusto ko ‘yong ginagawa ko or mahal ko yung tao eh. Ilu-look forward ko siya palagi kasi ‘yon yong nagpapasaya sa akin. Kaya nung nawala at naisip ko na kapag natulog ako ng gabing ‘yon, mag-isa na ako kinabukasan. Di mo alam gagawin kasi nasanay kang andyan eh. Nasanay kang bawat galaw mo andyan siya."
Inom, kain lang ang ginagawa namin habang nakikinig sa mahabang kwento ni King. Ramdam kong bigat na dinadala nya sa kanyang dibdib. Siniko ko si Lovely at ng tumingin sya sakin, inginuso ko si Jigs na papikit pikit ng mga mata, siguro dahil may amatz ng loko. Napangiti na lang kami ni Lovely at ibinalik ang tingin kay King na tuloy pa rin ang pagbabalik tanaw sa kanyang past.
"Di ko rin alam paano ko siya nalagpasan. Nagising ako isang araw parang bigla na lang ako walang pake eh. Namanhid puso ko kasi ‘yon na lang lagi naiisip ko at nararamdaman. Nasanay na lang siguro hanggang ‘yong sama ng loob ‘yong nagpatigas sa damdamin ko. Minsan, dala-dala ko pa rin ‘yon. Pero mas pinili ko pa ring magtiwala kasi wala namang mawawala. Wala namang kinalaman ‘yong mga bagong dadating sa mga nangyari dati kaya sana huwag ipasa sa kanila ‘yong galit or sisi. Mag hope ka na lang na hindi na nila gagawin ‘yon sa ‘yo. Kailangan mong mag risk, once and for all kailangan mo ulit maniwala sa pag-ibig."
Sa haba ng mga sinabi ni King nakatulog na si Jigs na ang mukha ay nakapatong sa mesa. Samantalang sila Lovely at Queen naman ay nakangiting nakatingin kay King.
"Good luck King, sana sa susunod na umibig ka ay sa babaeng karapat dapat na sa pagmamahal mo."
"Salamat!" Nakangiting tumango pa si King kay Lovely saka ibinaling ang tingin kay Queen at nagtanong.
"Ikaw naman Queen, wala ka bang sasabihin sakin?"
"Ikinagagalak kitang makilala King at saka salamat sa pag share mo samin ng experience mo sa buhay."
"Hahaha, pambihira! Iba ka! Iba ka talaga sa lahat ng aking nakilala. Nagagalak rin akong makilala ka Queen."
Kasabay nun ang pag angat ng kamay ni King para makipag kamay sa dalaga na inabot namn ni Queen. At dito na nagsimula ang lahat ng pagbabago sa buhay ng dalawa.
?MahikaNiAyana