Three

1151 Words
"Umamin ako." Kunot noong napabaling ng tingin si Jigs kay King. "Ng?" "Maraming taon na rin ang dumaan at masasabi kong nalimutan ko na rin ang pakiramdam kung ano ulit ‘yong mararamdaman sa oras na magsabi ka ng nararamdaman mo sa isang tao. Until dumating ‘yong pagkakataon na nararamdaman ko na kailangan ko na ata ulit gawin dahil kailangan mo mag-umpisa kung nais mong may marating sa inyong dalawa. Sinubukan kong mag first move sa babaeng nagustuhan ko kasi pakiramdam ko maiintindihan niya ako at pakiramdam ko rin na kailangan kong pagkatiwalaan ang nararamdaman ko at kailangan ko itong ipaglaban." Inusod ni Jigs ang bote ng beer sa harap ni King, saka nilagok naman ang sarili nitong beer pagkatapos sumubo ng isang kutsarang sisig. "Bigla akong nilamig nung mga oras na nagdesisyon ako na kailangan ko na umamin para kahit papaano ay maging malinaw at ma-gets niya kung saan ko nais magsimula. Maraming taon ang dumaan at sigurado akong hindi ako sigurado sa nararamdaman ko pero nung nakilala ko siya? Alam kong sigurado na ako." Uminom muna sya ng beer bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Sigurado na ako na siya ang nais kong makasama. Nangako kasi ako sa sarili ko na pagkatapos ng masakit kong break up noon ang susunod dapat ‘yon na, kasi mahirap sanayin ang sarili maging masaya ulit kung kailangan mo kalimutan ‘yong taong dahilan ng kasiyahan ko. Kaya dapat sigurado na ako at sa kanya ko nga naramdaman ‘yon. Totoo palang lumalamig ang pakiramdam kapag takot ang nararamdaman at ang tanging magpaparamdam sa ‘yo ng ginhawa ay kapag tinanggap niya at naintindihan ang nais mong iparating." Tahimik na umiinom lang si Jigs, nakikinig lang ito sa mga hinaing nya. "Hindi naging madali ang gabing ‘yon sa ‘kin. Natagalan siyang sumagot na para bang inuulit-ulit sa isip ‘yong mensaheng natanggap niya mula sa ‘kin. Hassle pala umamin ng gabi kasi baka antok na at baka tulugan ka, pero ‘yon ang point kaya gabi ka aamin para kung sakaling rejected ka, itutulog mo ang sakit at aasa sa panibagong araw. Kapag naman tinanggap ka ay doon naman ‘yong pinakamasarap na tulog ng buhay mo na nanaisin mo agad gumising dahil alam mong hindi ka na nag-iisa. Kumbaga, may magsasabi na sa ‘yo ng mga gagawin mo kahit na normal na naman itong ginagawa noong mag-isa ka. Mapapaisip ka na sa wakas may magagalit na sa ‘yo kapag pinapabayaan mo ang sarili mo dahil lang hindi ka kumain sa oras. Mga gabing may mag aalala sa ‘yo dahil gabi ka na uuwi. Mga problemang bigla mong kakayanin dahil may aalalay na sa ‘yo. Lahat ng ‘yon naisip ko na at siya ‘yong taong iniisip ko sa lahat ng eksenang naiisip ko sa utak ko. Ang sarap mangarap. Ang sarap mangarap na sa oras na hahawakan ko na ang kamay niya ay ipagmamalaki ko itong akin. Hayaan lang niya talaga akong mahalin siya ay ipagdidiwang ko siya. Ipagdidiwang ko ang araw na maririnig ko na ulit ang huni ng mga ibon at hindi na palagi ang tulo ng ulan. Ipagdidiwang ko siya dahil nanaisin ko na lumabas ulit para lang makita siya araw-araw. Palagi ko siyang kukumustahin ang araw niya, at sisiguraduhin kong palagi lang siyang masaya. Pero matagal pa ‘yon.. Hangga’t wala siyang sagot ay mananatili lang pangarap ang lahat. Hangga’t wala siyang sagot ay patuloy lang akong lalamigin dahil walang yakap na bumabalik. Wala akong saksi kundi ang sarili ko lang sa nararamdaman ko para sa kanya. Kailangan ko lang magtiwala kasi totoo naman at malinis ang motibo ko. Malinis ang konsensya kong siya lang ‘yong gusto ko." Napansin ni Jigs na panay ng lagok at lunok ni King sa iniinom nito. Namumula na rin ang buong mukha nito, halatang may tama na kaya pasimple nyang inilayo dito ang iba pa nilang inumin. "Lumipas ang mga araw na hindi na siya nagparamdam. Ang naiwang mensahe sa amin ay ang huli kong mensahe ng nararamdaman ko para sa kanya. Hindi na ito nasundan. Hindi ko na rin naisipan sundan pa dahil naniniwala ako na malalaman ko rin ang sagot pagdating ng panahon. Maaring dumating ‘yong araw na makakapili siya ng mas babagay sa buhay niya, mas magpapasaya sa kanya at lahat ng ‘mas’ na hindi ko kayang gawin dahil ako lang ‘to. Ngayon, naalala ko ulit kung bakit akong nagdesisyon na ayaw ko na dati. Kasi ganito pala ‘yong sakit. Kahit gaano ka kahanda, masasaktan ka pa rin dahil lang nagmahal ka. Masakit dahil totoo. Masakit dahil nanguna ‘yong masasayang pwedeng mangyari at nawala sa isip na pwede rin palang mauna ‘yong sakit. Ngayon, naalala ko na ulit kung bakit sinanay ko ang sarili ko na mag-isa para hindi umasa sa iba. Naalala ko na ulit lahat." "Dude, ano bang pinaglalaban mo nyan ha?" Parang walang naririnig si King, na may sarili itong mundo, at sa mundo kung nasaan sya ay marami syang napagtanto at na realized sa takbo ng buhay nya. Na ngayon alam na nyang kulang at gusto nya sa buhay. "Pag-ibig lang pala ang bubuhay ulit ng nararamdaman ko. Pag-ibig lang ang sasagot sa lahat ng tanong. Pag-ibig lang ang magtuturo na okay lang lahat ‘yan dahil natututo ka. Muli, hindi titigil ang buhay dahil lang sa nangyaring ito. Lalaban ulit ako. Magtitiwala ulit. Magmamahal ulit. Hanggang makamit ang ligayang inaasam." Nakangiti na syang humarap kay Jigs na nawe weirdohan sa mga pinagsasabi nya. "Inom pa tayo Dude hanggang umaga, akong bahala sa lahat kaya order kapa." "Sigurado ka bang kaya mo pa? Eh sa hitsura mo mukhang babagsak kana Dude, uwi na lang kaya tayo!" "Kaya ko paaaa! Wag mo na lang pansinin ang hitsura ko basta inom pa tayo Dude! Waiterrr." Napabuga na lang ng hangin si Jigs at napailing iling. Pinagmamasdan nyang kaibigan habang umoorder ng maiinom at makakain nila ng sa pagbaling nya sa entrance ng Boyzone bar nahagip ng mga mata nya ang papasok na dalawang babae. "Lovely! Anong ginagawa ng malditang yan dito, alam kaya ni Tita Sonia na nagba bar na'tong unica iha nya hmmm.." "Anong sinabi mo Dude? May sinasabi ka ba, masyadong maingay kaya hindi kita masyadong marinig." "Wala, ok lang ako Dude, sige lang enjoy ka lang dyan, cr lang ako saglit ha!" Ng tumango si King, umalis kaagad si Jigs pero hindi para mag cr kundi para lapitan ang pinsan at ang kasama nitong si Queen. "Hoy! Lovely! Ikaw ba nagpaalam kay Tita Sonia na magba bar ka ha?" "Jigs!" Napaatras pa si Lovely dahil sa pagkagulat , hindi nya inaasahan na magtatagpo sila dito ng pinsang tuso. 'Patay ako nito kapag nalaman ni Mama na pumapasok ako sa lugar na ganito! Letchugas na uod 'tong Jigs na'to ipapahamak ako nito sure yan waaahh... ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD