'Kita mo na kung paano ka niloloko, tuloy-tuloy ka pa rin. Hindi masamang gamutin ang sariling katangahan Queen, try mo,
Masakit na ba? Tama na!
Pagod ka na ba? Magpahinga ka na!
“Kung wala ng pupuntahan ang byahe n’yo, itigil mo na!'
Isa sa mga pinagsisisihan ko eh nung mga panahong sinasabi ito sa akin ng mga kaibigan ko pero hindi ko sila pinakinggan. Bakit nga ba? Ganun talaga siguro kapag napasok ka sa isang sitwasyon kung saan akala mo eh sobrang mahal mo ang isang tao hanggang sa puntong hindi mo na alam kung pagmamahal pa nga ba ang nararamdaman o yung takot na alam mong maiiwan ka mag isa at baka hindi mo kayanin. Pero paano kung kaya mo naman pala? Natakot ka lang kaya nagpatuloy ka. Magpatuloy sa puntong yung makakaya mo sana eh hindi mo na kaya, kasi sobrang sakit na ang naipatong sa’yo ng sarili mong katangahan. Masakit pero totoo. May mga pagkakataon na hindi tayo sumusuko sa isang bagay hanggang sa kusa na lang sumuko ang isip at katawan natin at magpaubaya na lang. Ang masama dito, hinayaan mo ring mawala ang self-worth mo at sobrang masira ka. Yung tipo ng sirang durog na durog ka at hindi mo alam aling parte ng sarili mo ang sisimulan mong i-fix.
Isa ako sa mga taong naging biktima ng pag-ibig, lahat naman siguro tayo, minsan ng nabiktima nito. Ang ilan ay sumaya, ang ilan ay umiyak. May ilang tinapos ang buhay nila at may ilang sinuwerteng nabuhay pa, ganyan ka-delikado ang pag-ibig.
Hindi mo namamalayan, nagiging ibang tao ka na hanggang sa magising ka na lang at tanungin ang sarili mo, ako pa nga ba ito?
Dalawang taon na ang nakakalipas ng maranasan ko ang isa sa pinakamasakit na “sakit”, dahilan nito? Pag-ibig.
Hindi ito ang pagkakataon na nasaktan ako, pero masasabi kong mas masakit ito kesa sa mga nauna, at patuloy pa rin akong natatakot na baka bukas, makalawa eh maranasan ko ang pinakamasakit, wag naman sana.
Marami akong ginawa noon para maka-move on. Nagpakalasing, umiyak, hindi kumakain, tinamad mag aral, nakalimot sa kaibigan, naging selfish hanggang sa ma-realize ko, wala namang nababago. Hindi naman umaayos ang buhay ko, lalo lang nasisira.
Sabi nila, mas pinipili nilang maglasing kasi makakalimot ka daw kahit panandalian lang, sabi ko naman. Sige, nalasing ka, nakalimot ka, pagkagising mo?
Limot mo pa rin ba? Hindi.
Maalala mo na nga ang sakit, sasakit pa ang ulo mo dahil sa hangover.
Naging kayo ba ulit after malasing? Hindi.
Bumalik ba s’ya? Hindi.
Naka-move on ka ba? Hindi.
Ang iba naman ay idinadaan sa pag iyak. Iiyak sa umaga, sa tanghali at sa gabi hanggang sa ma-dehydrate ka na at nailabas mo na ang lahat ng tubig sa katawan mo.
Naayos ba lahat after mo umiyak? Hindi.
Well, hindi naman masama umiyak, pero sa pananaw ko, ayos lang umiyak sa una, pangalawang araw na nawala kayo, pero kung araw-araw naman eh parang hindi na tama yun. Hindi mo tinutulungan ang sarili mo.
May ilan na hindi kumakain, nagpapakagutom kasi walang gana kumain kasi nga, heartbroken.
After mo magutom, nabalik ba sa dati lahat? Hindi.
Brokenhearted ka na nga, magkaka-ulcer ka pa.
May ilan na nakalimot sa kaibigan at piniling mapag isa, after that ano nangyari? Wala. Hindi naman naayos ang lahat, mas better sana kung sumama ka ng sumama sa kaibigan mo, baka sakaling natulungan ka pa nila.
Lahat ng ito ay ginawa ko noon, at sa mga oras na ito, natatawa ako kung paanong naging sobrang tanga ako at tinanong ang sarili ko, “ Bakit ko ba ginawa ang mga ito?”. Pero ayos lang yan, normal lang yan, lahat naman tayo dumadaan sa kanya-kanyang katangahan sa pag ibig, may iilan lang na hindi natuto at hindi na nakaalis sa sariling katangahan. Kawawa.
Paano nga ba ako nakawala sa sakit na ito? Hindi madali s’yempre. Sabi nga nila, “moving on is a process”. Hindi naman talaga madaling makalimot, at masasabi kong hindi pagkalimot ang solusyon sa bawat heartbreak, isang magandang solusyon ay ang pagtanggap na natapos na ito, natapos na ang storya nyo.
Acceptance. Isa sa mga natutunan ko para maka-move on ay acceptance. Kapag kasi heartbroken ka, dadaan ka sa iba’t ibang level. Isa na dyan ang pagiging in-denial. Oo, hindi lang sa gender may in-denial, kahit sa pagiging brokenhearted. Kapag in-denial ka, ito yung stage na umaasa kang magiging okay pa lahat, na magkakabalikan pa kayo o to the point na pinapaniwala mo ang sarili mo na panaginip lang ang lahat at hindi totoong hiwalay na kayo kahit sinasampal ka na ng universe ng nagsusumigaw na “WALA NA KAYO!”. Isa ito sa mahirap na i-overcome, ang in-denial stage at well, no rush. Sooner or later, marerealize at matatanggap mo na lang ang mga bagay-bagay. Makikilala mo na si acceptance na lubos na makakatulong sa’yo. Kapag nakilala mo na si acceptance, isang malaking very good para sa’yo kasi ibig sabihin nito, nagiging matapang ka na at matatag ang loob sa pagtanggap ng dating hindi mo mapaniwalaan. Isa ito sa ginawa ko noong brokenhearted ako, acceptance. Effective s’ya, mahirap sa umpisa pero masarap at maginhawa.
Isa pa sa mga ginawa ko ay ang pag get back in touch sa mga taong nakalimutan ko noong mga panahong in a relationship ako at mas nakalimutan ko noong naging brokenhearted ako. Family, friends, colleagues. Sila ang mga taong binalikan ko after ko matanggap na wala na kami. May ilan na hindi ka pa agad maiintindihan, with the thought na “nakalimot ka”. Pero kailangan mo lang tanggapin ito, may karapatan silang mag inarte kasi iniwan mo sila noong akala mo ay nasa langit ka with your ex, na nag end up as hell. Isa-isa akong nagpaliwanag sa kanila, nagkwento ng nangyari at naging open ulit sa kanila. Starting a new journey with them, making them feel how thankful I am na kahit nagkaganun eh nandoon pa rin sila noong bumalik ako. Maswerte ka kung may mga kaibigan ka na kahit nakalimutan mo sila e nagawa ka pa ding tanggapin. Bihira na sila, love them and keep them.
Self-assessment, isa ito sa pinakamahalagang nagawa ko noong brokenhearted ako. Ito ang panahon kung saan tatanungin mo ang sarili mo, “kamusta ka na? Okay ka na ba talaga?”. Ito din ang panahon kung saan pipigilan mo muna ang sarili mo na ma-fall sa another relationship kasi hindi ka pa sigurado kung fixed ka na. Dito ko nakita kung nasaang part na ako ng pagmomove on at nakita ko rin kung gaano na ako ka-fixed noon. Dito ko rin nakita kung ano ang dahilan ng paghihiwalay namin, kung saang part ako nagkulang o nagkamali at after that, babalik ako sa acceptance para matanggap ang mga pagkakamaling ito, so I will be able to improve it and be a better woman. Dito ko rin sinimulang ayusin ang sarili ko sa araw-araw na ganap ng buhay. I stopped listening to sad songs and filled my playlist with happy and relaxing songs. You can also see sa part na ito kung kaya mo ng maglet go.
Letting go, one of the crucial part but the most beneficial one. This part is where you will collect your excess baggages and feel free to let them go. Dito mo sasabihin sa sarili mo na handa ka na at kaya mo ng pakawalan lahat. Galit, lungkot, sakit, etc. Lahat ng naidulot sa’yo ng past relationship mo, papakawalan mo. Mahirap sya gawin lalo na kung hindi mo pa naman tanggap, pero kapag nagawa mo, it feels like you’re walking on air.
Do new things, isa ito sa magagandang paraan para totally ma-divert ang attention mo hanggang sa unti unti mo ng matanggap lahat at mas madali ang paglelet go mo. Isa din sa ginawa ko noon eh yung maglalakad lakad ako hanggang sa may mahanap akong spot kung saan pwede ako umupo o tumambay at duon ako magbabasa. Very relaxing.
Closure, mahalaga ito. Make sure na may proper closure kayo para alam mo kung saan ka magsisimula at para Makita mo kung ano nga ba ang nangyari. Make sure to have a closure with him, kapag kita mo sa sarili mo na firm and strong ka na at na-accept mo na lahat.
Move on. Kapag maayos na ang lahat, unconsciously, nakaka-move on ka na hanggang sa point na you will open up your doors to a new journey and lover. You will start fresh and fixed, walang excess baggage.
After everything na ginawa mo at naka-move on ka na. Hindi naman masama lumingon sa nakaraan para maging reminder sa’yo ng mga hindi mo na dapat gawin. Lilingon lang naman eh, hindi mo babalikan.
Kasi, ang tunay na pag-ibig hindi nasusukat sa tagal ng inyong pagsasama. Kasi ang tunay na kahulugan ng salitang pagmamahal ay yung kahit hindi na kayong dalawa ang magkasama, o hindi na kayo pwedeng magsama, mananatili pa rin ang isa't isa sa puso at isipan niyo. Na kung bibigyan man kayo ng chance para pumili ulit, siya pa rin yung pipiliin mo ano man ang mangyari.
?MahikaNiAyana