"Girl, Kaya ka naman niyang i-text. Ayaw lang talaga niya. Kaya naman niyang iwasan ang babaeng pinagseselosan mo. Ayaw lang talaga niya. Kaya niya namang maging honest sa mga ginagawa niya. Ayaw lang talaga niya. Kaya niya namang magbago para sa relasyon niyo. Ayaw lang talaga niya."
Suminghot singhot sabay singa ng sipon si Lovely, di nag comment tuloy lang punas ng luha nito, hinahayaan nya lang na sermunan sya ni Queen. Tama naman lahat ng sinasabi nito.
"Nasasaktan ka ngayon, kasi ayaw niyang gawin ang tama para sayo/para sa inyo. Kaya niyang pagaanin ang loob mo, kaya ka niyang pakiligin, kaya ka niyang pasayahin pero hindi niya kayang panindigan ang mga bagay na ginagawa niya. Hanggang doon lang ang kaya niyang gawin para sayo. Maaaring ngayon masaya kayo, pero bukas magbabago na naman ang isip niya. Para sayo, lahat ng ginagawa niya importante, maliit man o malaki. Pero para sa kanya, wala lang yun. Hindi niya kayang ingatan at tingnan kung ano ang mararamdaman mo. Sana kahit mahal mo siya, piliin mo pa rin ang tama para sa inyong dalawa. Kung hindi na siya nagpapaka-”boyfriend” sayo, sana masabi mo ng direkta sa kanya na hindi ka bulag sa sitwasyon. Kung hindi ka niya kayang protektahan, sana maprotektahan mo ang sarili mo sa kanya at sa mga taong nananakit ng damdamin mo. Magkaroon ka sana ng lakas ng loob para bumitaw sa mga bagay na nagpapasikit lang ng dibdib mo. Kahit mahirap, kayanin mo kasi unti-unti ka lang mauupos kakaiyak sa sulok. Walang makakatulong sayo kundi ang sarili mo lang. Dapat maggaling mismo sayo ang desisyon."
Napailing na lang si Queen ng makitang miserable na hitsura ng kaibigan.
"Girl, ang Dami-daming rason para sumaya, ikaw lang gumagawa ng sarili mong problema, may mga bagay na kahit gusto mo, kailangan mong bitawan, may mga tao na kahit na pinapasaya ka ay kailangan iwasan , may mga desisyon na dapat gawin kahit napipilitan, at may mga pagkakataon na kapag ginawa mo ang tama, ikaw ang mahihirapan dahil may mga bagay na kapag ipinagpilitan, sa huli, ikaw rin ang masasaktan."
"Alam ko nam -."
"Hi Lovely, hello Queen"
Sabay pa silang napalingon ng marinig ang boses ni King na may dalang take out mc do. Kaagad na nag excuse si Lovely na yukong yuko ang ulo habang nagmamadaling umalis. Aalis na rin sana si Queen para sundan ang kaibigan kaso narinig nyang magsalita si King.
"Aalis ka rin ba? Iiwan mo rin ba'kong mag isa dito?"
Napabuntong hininga na lang si Queen at nginitian si King, inusod nyang mga gamit sa school palapit sa kanya at iminwestra kay King na umupo naman kaagad, ngiting ngiti ito sa kanya. Pagkaupong pagkaupo nito inabutan sya nito ng isang supot ng mc. do.
"Sabayan mo'kong kumain! nakakawalang gana kasi pag mag isa lang."
Bakit feeling close na'to? eh isang beses pa lang naman nagkasama ang mga ito, yun yung sa bar.
"Wow! Fries and strawberry sundae! Favorite ko'to."
Kaagad nyang binuksan ang strawberry sundae nya saka isinawsaw ang limang fries saka isinubo lahat yun.
"Favorite mo rin pala ito! Pareho pala tayo."
Nangingiting inabutan sya ng tissue ni King, saka itinuro ang sundae na kumalat sa bibig nya. Pero hindi nya yun pinunasan sa halip ay nilabas nyang dila at dinilaan nya ito. Napatingin na lang si King sa ginawa nya.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Queen.
"La lang! Ang cute mo kasing tingnan, sige kain kapa!"
Inusod pa ni King ang isang supot na mc do na para sana sa kanya. Umiiling namang ngumunguya pa si Queen.
"Ok nako dito, thank you ha!"
Sasagot pa sana si King ng marinig nilang nagri ring ang cellphone ni Queen. Kaagad naman nitong pinindot ang answer call ng makitang si Lovely ang tumatawag iniloud speaker nya ito.
"Girl! S - saan ka?" Garalgal ang boses na tanong ni Lovely.
"School pa rin, bakit ganyan ang boses mo? Hanggang ngayon ba umiiyak ka pa rin?"
"Girl, pede you ba'ko puntahan dito sa park malapit sa mall!"
"Huh! Why? Layo ng narating you ah!"
"Need you here Girl, please! Now na, wait kita dito ha! Bye."
"Puff! Heart problem? late na naman uwi ko nito!"
Dali dali nyang nilimas ang mga gamit saka bumaling kay King na nakamasid lang sa kanya.
"Sorry King ha! Bonding na lang tayo next time! Thanks sa food byebye.."
Dina nya hinintay pang sumagot si King basta na lang syang tumakbo para puntahan ang kaibigan. Kunot nuo namang nakatingin si King sa sobreng nalaglag ni Queen dahil sa pagmamadali nito. Tumayo mula sa pagkakaupo sa bench si King saka nilapitan at pinulot ang sobreng kulay pink sa semento. Sinipat sipat nya ito at ng makitang bukas yun inipit na lang nya sa librong dala saka binalikan nyang bench at kinuhang iba pang dala at nagpasyang umuwi na.
'Saka ko na lang ibabalik kay Queen ang sulat na ito.'
Samantala, pagkadating ni Queen sa park kaagad nyang hinanap si Lovely, nakakadalawang ikot na sya sa park ng makita nya itong nakaupo malapit sa fountain at nakatingin sa magka parehang naghahalikan di kalayuan dito. Kitang kita nya ang pamamalisbis ng mga luha nito. Naaawa sya sa kaibigan, naiintindihan nyang pinagdadaanan nito, pareho lang naman silang sinaktan o nasaktan. Pero hindi nya hahayaang maging miserable ang buhay ng kaibigan nya. Ayokong maranasan nya ang mga naranasan ko na, ng dahil sa pag ibig.
Dahil ako ‘yung kaibigan na kapag nagpapayo, hindi kita kukunsintihin. Ang sa akin is kokontrahin ko 'yung katangahan na balak mong gawin. At kapag nasabi ko na ang kailangan sabihin at hindi sinunod. Hindi pa rin ako mawawala, hindi ako magsasawang magbigay nang payo. Alam ko kasing kailangan ako. Mas nanaisin kong masaktan sa katotohanan ang mga kaibigan ko kesa sa magbigay ng pekeng payo na mag bubuild up ng mga fantasy sa isip nila.
Gusto ko matutunan at maramdaman nilang mapagod. Para sa oras na handa na ulit sila lumaban pagkatapos magpahinga, pwede ulit nila itanong sa sarili nila ang salitang..
“May mapapala pa ba kapag umulit pa, parang okay na ata ako?"
?MahikaNiAyana