"I don’t have the energy to prove myself anymore dahil buong buhay ko halos ‘yon ginawa ko. Naalala ko pa dati na I’m chasing people to show my worth then na-realize ko na bakit ko kailangan maghabol? I have something to offer naman kaya kung ayaw nila e I can live with that naman."
"Exactly! Para anupa't naging Queen ang name mo dibah! Dapat hindi mo hinahayaan ang sarili mong maghabol. Baka kasi tumaas masyado ang tingin ng mga taong hinahabol mo at tumaas pa ang pride nyan. At lalong hindi mapasayo dahil mas gusto nilang may naghahabol sa kanila at sa huli eh pride lang nila ang tataas. We never beg for love. Ang love eh bigla natin nakukuha sa isang tao. Kusang binibigay at hindi hinihiling. Hindi ito pwedeng ipagdamot dahil it should come naturally. Isipin mo na may mga kaibigan ka pa na willing magbigay ng pagmamahal sayo. I think some people eh napupunta sa friendzoned dahil sila yung mga taong pinagkakatiwalaan nilang matatakbuhan when things get worse. Hindi naman lahat ng taong nagugustuhan natin dapat maging atin. Sapat na yung andyan sila at nagiging inspirasyon natin sila sa pang araw araw na ginagawa natin."
"Tama ka naman dyan, pero maya kana kaya mag comment girl, patapusan mo muna akong mag speech ok!"
"Sige na nga! go lang, churi , peace tayo girl ha!"
"Oo na!.. Then dumating sa point na parang namanhid na ko, di ko na alam kung dapat ba akong masaktan sa mga nangyayari or aware ako na mawawala rin naman lahat sa huli dahil hindi na bago sa akin ‘yong mga biglang nawawala. Pagod na ako. Ang oras ko ngayon ay para sa mga taong andyan palagi sa akin. Mga taong handang ikwento kung kumusta ang araw nila, taong sasabayan ka kumain, taong sasabayan ka malungkot, taong sasabayan ka maging masaya at taong tatratuhin kang tao talaga."
"Like me! Hmmm." Sabat na naman ni Lovely.
"Kaya ngayon, natutunan ko talagang mag-save ng energy at hindi gawing big deal ang lahat ng bagay. Sayang naman ‘yong pain na naramdaman ko dati kung wala akong lesson na natutunan right? Kaya I’m good with all the people around me. Natutunan kong maging productive than wasting those precious time sa mga maling tao."
"Mmmm."
"Feeling ko ang dami ng nabago sa akin. I know how to conserve my energy na kung saan lang dapat ako may pake at kung sino lang ang mga dapat kong pinapansin. Natutunan ko na lang din manahimik mag-isa kapag may problema kahit na minsan may mga willing naman kumausap pero mas madali talagang sagot ang “okay lang” para hindi ka na rin nakaka abala."
"Meganun talaga girl? Kasi, ako?" Tinuro pa ni Lovely ang sarili "Anytime pwede mong abalahin bruha!"
"Lam ko naman yun eh! Pero, dumadating sa point na gusto kong yakapin ang sarili ko. Gusto ko minsan maramdaman na hindi talaga ako nag-iisa. Minsan, kinakabahan ako kasi sobrang babaw ng kaligayahan ko. Senyales daw yun na sobrang lungkot mo rin daw pero ayaw kong maniwala. Gusto ko pa rin paniwalain ang sarili ko na masayahin akong tao kasi yun na lang isa sa maipagmamalaki ko."
"At bakit ganun?"
"Wala lang, nalulungkot ako kasi parang hinahanap ko ‘yong dating ako kasi ngayon minsan hindi ko maintindihan. Gusto kong kausapin sarili ko kung ano ba talaga problema pero kahit ako hindi ko malaman ang sagot. Minsan magugulat ako na hihiga akong mabigat na pala 'yong nararamdaman ko tapos pinipikit ko na lang tapos inaasa kong wala na lang kinabukasan."
"Hala! Baka depressed ka girl! Di kaya?"
"Baka! Sana mahanap ko 'yong totoong saya. Kasi nahihirapan ako. Hindi siya madali sa araw-araw."
"Gusto mo mag mall tayo? Or mag bar kaya?"
"Yoko! Tinatamad ako."
"Eh kung magpa salon kaya tayo? Change hair color"
Umiiling na napatayo si Queen saka binuksan ang tv. Tamad na tamad sya ngayong araw.
"Girl, kung hindi mo aayusin ang sarili mo hindi ka magkakaroon ng Lovelife. Hindi na totoo yung tatanggapin nila kahit anong itsura meron ka? Kailangan mo din maging responsable sa sarili mo, kailangan mo din ayusan kahit papano. Paano mo maalagaan ang ibang tao kung ang sarili mo eh hindi mo maayos ayos."
"Bakit, hindi paba maayos tong hitsura ko ha? Anupa bang kulang? May mali pa ba sakin girl?"
Mula ulo hanggang paa naman syang tiningnan ng kaibigan. Saka lumapit sa kanya at hinawakan sya sa pisngi.
"Hmmm.. Ito ang kulang sayo girl, NGITI."
Natampal nyang kamay nito sa kanyang pisngi na pilit syang pinapangiti.
"Echosera! Tara na nga mag mall tayo."
"Yeess! Girl, libre mo ha!"
"Oo na... Tara na..."
"Yeeeyy."
Magkaakbay pang lumabas ng bahay nila Queen ang dalawa..
?MahikaNiAyana