One

1555 Words
"Kapag nasaktan ng sobra sobra ang isang tao. Hindi na siya naniniwala sa forever, happily ever after at sa love. Akala niya kasi may mali sa kanya kaya babaguhin niya yung sarili niya, yung buong pagkatao niya. Kapag nalaman niyang niloloko siya, hindi na siya mag e-effort na ayusin yung problema niyo. Kapag iniwan siya ng boyfriend/girlfriend niya, hindi siya magmamakaawa/manglilimos ng pagmamahal. Kapag nararamdaman na niyang may mali na sa relasyon nila, tatahimik lang siya at maghihintay na matapos yung relasyon. Sa sobrang sakit ng nararamdaman niya, nasanay na siya dito. Manhid na manhid na yung puso niya. Trust issues. Yung tipong hindi na talaga siya naniniwala sa “goodness” ng isang tao. Tingin niya sa lahat eh sasaktan siya. Nagiging normal na lang sa kanya na hindi mo siya itext, na hindi ka nagpaparadam, na walang effort, na parang ordinaryong araw lang yung monthsary niyo. Nawawalan na siya ng kumpyansa sa sarili. Na may matinong tao pa jan na kayang magmahal ng totoo." "Ganun ba talaga yun lovely? Parang di naman eh! Ginu goodtime you lang ata ako." "Trulala yun girl, knows kong lahat, pag tungkol sa love be wise & smart, wag shushunga shunga kasi ikaw ang talo bandang huli. Gets you bako?" "Hmmm" Napag isip ako ng malalim sa sinabi ni Lovely, Love expert nga ito kasi mahilig magbasa ng mga romance novel, at mapaniwalain din sa mga sabi sabi. "Girl, look who's coming in? Super handsome naman ng boylet na yan." Napatingin na rin ako sa gate ng school namin, Boylahh! Sino ang nilalang na etech, super duper gwapings naman nyaaa. "Baka kaka transfer lang dito yan Girl! Now ko lang din nakita yan dito eh!" "Maybe! Oh look! si malandi kapit tuko kay boylet, magkakilala sila?" Talaga! tong si Marla napaka popular pagdating sa mga lalaki. In fairness bagay naman sila tingnan gwapo't maganda! Perfect couple, yun ay kung panlabas na hitsura lang ang pagbabasihan ha! Ewan ko na lang sa pag uugali kung match din ang dalawa. "King, sure kana bang dika sasama sa night swimming mamya?" "Yep." Sagot nung King. So, King palang name ng gwapings na yan. King as in Hari? Hari naman ng ano yun? May kingdom din kaya sya? Kasi Hari sya eh di dapat may sarili syang kaharian dibah? "Wawa naman si Marla hahaha natanggihan ng King na yan, buti nga sa kanya kasi masyadong pa epal." Yoko mag comment kasi diko naman alam ang story nila, saka mind your own business nga diba! Kung ayaw mong husgahan ng iba wag ka ring manghusga, ganun lang yun. "Tara! snacks muna tayo! Nagutom ako kakamasid sa mga dumadaan dito." Tumayo nako sa bench sabay hila kay Lovely, na natatawa pa rin, tila siyang saya sa kabiguan ni Marla na hanggang ngayon nakasimangot pa ring naka angkla ang braso dun sa King na yun. "Kasi naman Girl, wag mo ng ipilit pang sarili mo sa taong ayaw naman sayo! Parang epoxy lang yan eh na kahit anong dikit mo kung di naman nababagay sa dinidikitan mo la ring wenta dahil itatapon ka lang din at ibabasura, sayang lang effort mo Girl nagpakahirap kana ang ending itatapon lang din pala haha.. Sayang." "Haha hoy! Baka marinig ka Girl!." "Exactly! Pinaparinig ko nga sa kanya eh kaso bingi pala sya, kaya tara na nga Queen, mag spaghetti pababa at pataas na tayo sa canteen haha." "Queen?" Sino yun? Kagaya ko rin pala syang may pagka unique ng name huh! "Anong sabi mo King? Pede pakiulit, diko kasi masyadong narinig!" "Nothing Marla, you can go now! Iwan mo na lang ako dito." "Hey dude, tara na libre ko!" Kaagad nakong pumihit at naglakad palapit sa mga katropa ko, salamat na lang at dumating kaagad sila nakaiwas ako sa lintang Marla na yun. "Dude, lam nyu may hot babe na friend ang cousin kong si Lovely, kilalanin natin!" Basta babae mabilis talaga tong si Jigs, nadadamay tuloy ako sa mga kalokohan nito. Dagdagan pa ni Rem na tarantado din kaya sumisikat ang grupo dahil sa gulong dulot ng mga to e! Buti na lang at medyo matino ang kambal na Nate at Kate kung hindi lahat kami na expel na sa school na'to. "Dude, may pa night swimming daw kila Marla, ano punta ba tayo dun ha!" "Yokong sumama Jigs, mga chaka naman ang mga bisita nyan eh, pass muna ako." "Hahaha namimili ka rin pala ng titirahin Rem? Kala ko ba ariba lang basta't alang sabit ha?" "Gago may taste din ako di gaya mo na kahit sino pinapatos mo." "Sayang din dude, kung game lang din naman di pagbigyan, diba King?" "Ehem" Yuck, di naman ako kagaya nyang sugapa sa babae.. Pero syempre nakikisakay na lang din pa minsan minsan para di kj ang dating. "Tanggi tanggi din minsan Jigs, baka mabalitaan na lang naming may sakit kana, itatatwa ka talaga namin hahaha" Natawa na rin kaming lahat sa sinabi ni Nate, kahit kasi pabiro may laman palagi ang pasaring nito. Tila naman manhid na'tong si Jigs sa mga naririnig at tuloy tuloy lang itong pumasok ng canteen. Huminto muna ito sa isang mesang may nakaupo na dalawang dalagang kumakain ng spaghetti. "Hi Cousin, musta na? Lalo ka yatang gumaganda ah!" Pambobola nito sa pinsan na nakaismid na ngayon at tiningnan sila isa isa. Natutok ang tingin nito sa kanya na nasa pinakadulong pwesto. "Dati nakong maganda Jigs, kaya tigilan mo ng kabobola sakin dahil dina ko nadadala sa mga ganyang diskarte." "Ang init ng ulo ke aga aga, may dalaw ka ba pinsan? kasi sabi nila kapag nagsusungit meron daw, e ang tanong meron ka ba ngayon at nag aampalaya kana naman jan ha?" Dina nila napigilang mapatawa lalo na ng biglang tumayo ang pinsan ni Jigs at mabilis nitong nalapitan ang pinsan saka malakas na tinuhod ito, sabay balik sa pwesto at hinila ang kasama nitong babae na halatang nagulat sa nangyari. "Tara na nga Queen, may demonyo na dito kaya umiinit lalo ang paligid ko! Tabiiii!." Tinulak pa nito sila Kate at Nate na nakaharang sa daraanan ng mga ito. Habang si Jigs namimilipit na sa sakit at nakasapo sa harapan nito. Sya pala yung Queen, hay sayang diko man lang narinig ang boses nya. At ang ganda nya, sana makilala ko sya one of this days! "Ano dude, basag ba? Hahaha ikaw naman kasi wrong timing ka" si Nate. "Mali ang diskarte mo kasi haha, kala ko ba kilabot ka ng mga kababaihan, eh isang sipa lang palang makakapag patiklop ng tuhod mo Jigs." "Natumbok mo Kate, dapat kasi dahan dahan lang ang atake kasi kapag binigla mo malakas ang balik ng karma sayo." Bilib naman ako sa sinabi ni Rem, minsan may sense din ang mga tinuturan nito. Lumapit nako sa mga nakahaing snacks sa unahan. Masasarap lahat sa paningin ko kaya lahat inorder ko. "Ate, isang serve nga po ng maha blangca, spaghetti, graham cake, saka fruit salad. Pakisamahan na lang po lahat ng ice tea! Thanks po!" Naglalaway nako sa mga pagkaing puro matatamis na'to. Ng mabayaran kong lahat saka ko tinawag si Rem para tulungan akong magdala sa mesa namin. Nakaupo ng lahat maliban kay Jigs na tumatalon talon pa. "Taste mo sa pagkain King ha! pang diabetes grabe lahat ng inorder mo puro matatamis." Naiiling na reklamo ni Kate pero inabot din ang salad saka sumubo na ito. "Hooo, tamis, pedeng sakin na lang yang spaghetti mo King? Mahina ako sa matamis e" Tumango lang sya saka sumubo ng graham cake, one of his favorite dessert. Abala pa syang nginunguya ito ng mapansin nyang may nakatayo bandang gilid nya, kunot nuong sinulyapan nya ito. "Hi, excuse lang ha! Kasi yung phone ko nasa ilalim ng chair mo, pede bang makuha ko muna!" Ngiting ngiti si Queen kay King na may bahagyang cream pa sa gilid ng labi nito. Umuklo ang lalaki saka may inabot sa ilalim ng upuan nito. Kaagad naman nitong dinampot at inabot sa kanya. "Thank you! Ahm.. may cream ka sa labi mo oh!" "Hah! What?" Inabot ni Queen ang tissue na nasa lamesa saka sya ng nagpunas ng cream sa gilid ng labi ni King na ikinatanga naman ng lahat ng kumakain sa mesang yun. "Ayan wala na! Sige, thanks ulit dito ha!" Pinakita pa nya kay King ang tissue na may cream saka itinaas ang hawak na cellphone saka nagpaalam ng aalis. Malayo ng nalalakad nya mula sa mesa nila King saka pa lang nya narinig ang ingay ng mga ito. Napangiti na lang sya ng tuluyang makalabas sa canteen at makita si Lovely na nakasimangot pa ring naghihintay sa kanya. "Ngiti kana dyan girl, di bagay sayong nakasimang haha!" "Hmp! kainis kasi yung kulugong yun, sinira ang good vibes ko ngayong araw." "Naka ganti ka naman na ah! kaya dapat move on kana, kasi sa nakita ko dun sa pinsan mo parang nasapol mo talaga yung target girl hahah." Evil smile naman agad si Lovely at dahil sa sinabi nyang yun bumalik ng good vibes nito dahil hyper na hyper na naman ito. 'Hmmm.. Di lang pala gwapings yung King, nice din..' Napangiti na lang sya ng lihim sa naisip... Sinabayan ang evil smile ni Lovely pero magkaiba naman ang meaning ng mga ngiti nila at tanging sya lang ang may alam ng lihim sa likod ng mga ngiti nya... ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD