Final Chapter

1343 Words
Sa isang relasyon hindi mo naman kailangan maging perpekto. Hindi mo din kailangan magbago para lang maging fit ka sa taong minamahal mo ngayon. Hindi mo kailangan baguhin ang pagkatao mo para lang maging compatible kayo. Dahil dapat simula pa lang alam mo na kung sino siya, ano siya, buong buhay nya at mismo ang buong pagkatao niya. Kaya nga mas pinapayo ng marami na bago pumasok sa isang relasyon, dapat may panahon kung saan magiging magkaibigan kayo. Kung saan kayo magkakakilanlan ng bawat parte ng pagkatao niyo. Pero kung dumating kayo ngayon sa relasyon hindi nagkaroon ng pagkakataon para maging kaibigan muna at nasunod na ang t***k ng damdamin. Kailangan mong tanggapin siya na kung ano siya at ang buong pagkatao niya. Mahal mo yan eh. Dahil sa una pa lang minahal mo kung ano siya. Sa isang relasyon hindi pwede ang pwede ay pwede. Minsan may mga bagay na kailangan niyo din palagpasin. Lalo na ang pagaaway at pagseselos. Hindi kasi ibig sabihin na nagseselos ka o siya eh dapat magtampuhan na kayo, magaway, hindi magpansinan at dumating pa sa puntong pwedeng maghiwalay. Wag ganun. Oo normal lang ang magselos pero hindi natural kung lahat na lang ng bagay o lahat ng kaibigan niya o lahat ng sitwasyon pagseselosan mo na lang, na para bang kinukuha na siya sayo. Wag ganun! Magkaroon ka ng tiwala. Oo "Tiwala" sa kanya. Dahil kung pinagtapat niya sayo na mahal ka niya paninidigan niya yun. Pero wag ka din bulag, at maging sobrang bait. Marunong kang magmahal kaya alam mo na ang tama at mali. Ang pinagkaiba ng dapat at sa hindi, sa sobra at sa kulang. Maging tapat ka lang, maging tapat lang kayo sa isa't-isa at magmahalan tiyak ang relasyon niyo'y titibay at magtatagal. "Hindi ko maiwasang makaramdam ng takot, takot na mawala ka na lang bigla sakin. Takot na baka one day, pag gising ko wala ka na sa tabi ko. Takot na makahanap ka ng mas better sa akin. Takot na mag sawa ka na lang bigla. Takot na baka one day, pag mulat mo ng mga mata mo marealize mo na hindi mo na ako mahal. Hindi naman sa wala akong tiwala sa'yo pero alot of things could happen. I can't afford to lose you. I can't even picture us with someone else. Just, Just don't give up, kahit na anong pagsubok pa yan. Huwag mo kong bibitawan. Stay. Just, stay. Forever." Seryoso kong sabi kay King. Nasa park kami ngayon at nakaupo sa isang bench habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw sa silangan. Naramdaman kong paghalik ni King saking ulo at bahagyang pagtapik ng kanyang kamay na nakaakbay saking balikat. "My Queen, ikaw ang nagturo at nagparamdam sakin kung panu mag mahal muli. Ang pag ibig, isang napaka makahulugang salita, at pakiramdam, pakiramdam na napaka tagal na panahon bago ko naramdaman ulit, pagmamahal, ilang taon akong nawalan ng pagmamahal sa kahit na sino, pagmamahal na ilang taon kong inipon sa sarili ko at ipinagkait sa maraming tao. Ngayong dumating ka, dumating ka sa hindi ko inaasahang panahon, dumating ka sa panahong hindi ko na inisip mag mahal ulit. Dumating ka sa panahong ayoko na magpapasok ng tao sa buhay ko. Dumating ka, buti na lang dumating ka. Salamat dumating ka para iparamdam sa akin muli kung panu magmahal, hindi mo alam kung gaano ka galak yung puso ko ngayon dahil sayo, dahil dumating ka. Ganito pala pakiramdam ng mag mahal muli, at mahalin pabalik, napaka sarap sa pakiramdam, napaka saya ko, yung saya na nakakatakot kasi baka bukas wala na 'to. Ayokong matapos to mahal ko, ayoko nang mawala ka sa buhay ko. ibibigay ko lahat ng pagmamahal na meron ako wag lang matapos to." "Ka sweet naman talaga ng boyfie ko.." Tumuwid sya ng upo saka humarap kay King. Tinapik tapik ni Queen ang pisngi ng binata na gumanti naman ng pisil sa kanyang ilong. "Alam mo bang... Ikaw yung nagbigay kulay sa mundo ko, Ikaw yung nagpalambot sa matigas na puso ko, lkaw ang dahilan kung bakit excited akong gumising sa umaga at masayang natutulog sa gabi, lkaw yung pinaka mahirap na sugal na ginawa ko sa buhay. Ikaw yung sugal na okay lang kahit matalo ako ang mahalaga sumugal ako ano man ang kapalit. My Queen, marami pang problema ang dadating, marami pa tayong hindi pagkaka intindihan, pero sana mas matibay ang pagmamahalan natin sa kahit na anong problema ang dumating satin, maraming salamat mahal ko, alam kong kulang ang salitang salamat para iparamdam ko sayo kung gaano ang pasasalamat ko sayo, maraming salamat sa walang pag dadalawang isip at walang kapaguran na pag unawa mo sakin, maraming salamat sa mga pagkakataon na nawawalan nako ng pag asa pero hindi ka nawawala para iangat ako tuwing napupunta ako sa baba." Namamasa ang mga matang kumurap kurap si Queen, saka tumingala pa sa langit para wag tuluyang malaglag ang mga luhang nagpapalabo na sa kanyang paningin. "Uys! Wag moko paiyakin King.. Pupula na naman ilong ko nito! Ayokong umiyak... please lang!" "Sige lang, iyak ka lang.. Kahit na anupang hitsura mo, maganda kapa rin sa paningin ko." Nahampas nya sa braso ang binata ng pumatak ang kanyang luha.. "Nakakainis ka!" Nangingiting pinunasan ni King ang kanyang pisngi. Saka masuyo syang hinalikan sa noo. "My Queen, maraming salamat sa pagmamahal, alam kong napaka bilis ng mga pangyayari sa relasyon natin, ang sabi ng iba kapag mabilis nagsimula mabilis din matatapos, ayokong matapos 'to, hindi matatapos 'to, mahal na mahal kita. Sayo ko lang naramdaman na mahalin ako ng totoo, sayo ko lang naramdaman maging importante, sayo ko lang naramdaman na may halaga ako, sayo ko lang naramdaman to lahat. Ikaw yung nagturo sakin na lumapit ulit sa nasa itaas sa tuwing nakakalimot ako. hindi man magiging madali para satin 'to, pangako! hindi ako mawawala sayo." Niyakap nya ng mahigpit si King. Napaka swerte talaga nya dahil mahal na mahal sya nito. "Salamat King, sa pagpapasaya ng puso ko" "Hmmm... Kaya Bagay Tayo! kasi, sa pangalan pa lang mag katugma na at syempre tayo na talaga ang naka tadhana... Road to forever na tayo My Queen, ready kana ba?" "Oo naman My King, reding ready nako!" ?❤ Sa relasyon, hindi laging smooth sailing. Hindi laging happy lang. May mga pagkakataon na mahihirapan ka. May mga pagkakataon na para kang paminta na dinidikdik at dinudurog. May mga panahon na susubukin yung pasensya mo ng todo todo. May mga pagkakataon na kwekwestyunin mo yung sarili mo kung tama pa bang nasa ganung relasyon ka o tama pa ba sya para sayo o tama ka pa ba para sa kanya. At pag dumating ka sa point na ganyan ang estado ng relasyon nyo, fight and work on it! Pause. Evaluate yourself. Evaluate your relationship. Fight for it.. and work on it. Kung deserving yung tao sa pagmamahal mo, go fight for it. Wag mong sukuan.. Laban lang.. pero i-work out nyo ng magkasama. I-work out nyo ng kayo ang magkakampi sa laban hindi kayo ang magkalaban. At the end of the day, nanjan si Panginoon bilang center ng relationship nyo. Hindi nya kayo pababayaang dalawa at alam nya na kaya nyong lagpasan ang ano mang pagsubok na ibabato sa inyo. Lagi mong tatandaan, worth it lahat basta nagmamahal ka. ?❤ - King?Queen?❤Love Story- ?❤ It doesn't matter kung sino tama, kung sino mali. What matters a lot is who can fix something. Loving someone is not a competition. Kung ikaw ba tama, siya ba mali. Kung siya ba mali, ikaw tama. Kung sinaktan ka ba niya 10 times and ikaw 1 time mo lang siya sinaktan. And he owes you? No. Because it's always an adjustment day when you're with someone. This person cannot love you the way you want to be loved if you will not teach that person, if you don't surrender yourself, if you don't open up, if you don't let the person hurt you. May mga pagkakataon kasi na we only learn from our mistakes. Walang madaling pag-ibig. - THE END - ?MahikaNiAyana

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD