NAKAKATAMPO ka naman, Jen! Paghihimutok ni Lea nang bumisita ito sa pinsan niyang si Brandon. Pero nasa opisina ang binata kaya sila lamang dito. “Pasensya na po ma’am Lea kasi po nagkaproblema po. Pero may regalo po ako sa inyo.” Masaya niyang wika. “Talaga? ano ‘yon? excited naman ako.” Ngumiti sa kanya ang dalaga kaya natuwa rin siya. “Dito ka lang po at kukunin ko sa kuwarto ko.” Sabi niya at dali-dali siyang umakyat sa itaas papasok sa kanyang silid. Kinuha niya ang nakabalot pa sa wrapping paper wala lang card pero na excite siyang ibigay sa dalaga. Nang makababa na siya ay inabot niya agad kay Lea. “Belated happy birthday, ma’am.” Ngumiti siya sabay abot kay Lea ng regalo niya. “Wow! Thank you nag-abala ka pa.” “Syempre naman po. Malaki rin ang utang na loob ko sa in