May tao! Sabi ni Rema habang ngumunguya ng toyo. Kasalukuyan silang kumakain ng almusal dito sa kusina nang may nag-doorbell. “Ako na lang po.” Presinta siya naghuhugas pa lang siya ng kamay dahil katatapos niya lang magwalis sa bakuran. “Sige.” Dito siya lumabas sa kusina at dumaan sa gilid ng pader. Pagkarating niya sa gate ay naroon na si Lea at ‘yong lalake, si Simon. “Good morning, po.” “Good morning, Jen. For you.” “P—po?” namilog ang mata niya nang i-abot sa kanya ni Simon ang kumpol ng bulaklak. “Sisteret!” bulalas ni Lea at bineso-beso siya. “Hello po, ma’am Lea.” Saad niya. “Tanggapin mo na ang flower.” Muli niyang binalingan si Simon. Nakakahiya naman kung hindi niya tatanggapin kaya kinuha niya. “Maraming salamat po, Sir Simon. Pero hindi po ako nagpapa