Naupo sa kama si Jen habang ginagalaga ang tingin sa paligid. Malawak ang kuwarto ni Brandon doble yata sa kuwarto niya. Ang astig ng tema ‘yong bang madalas makikita sa mga sine ng mga action star. Naglakad si Brandon palapit sa kanya tas hinawakan siya sa mukha at inangat ang tingin. Napatingala siya kaya nagpang-abot ang kanilang mata. “Natakot ba kita kanina?” mahinahon na ang tinig ng binata. Tumango siya dahil ‘yon naman talaga ang totoo. “I’m sorry, sweetheart.” Napaawang ang labi ng dalagita nang sabihin ‘yon ni Brandon. Nakalimutan yata nito na mag-amo sila? Sa kabilang banda ay nagustuhan niya ‘yon dahil hindi na talaga galit sa kanya si Brandon. Hinawakan niya ang dalawa nitong kamay nakahawak sa mukha niya. “S—sir, ang init po ng kamay ninyo. Pakiramdam ko po ay ligtas