Ano… ano anong nangyayari sa ‘yong bata ka? Napahawak sa dibdib ang mayordomang si Manang Celia dahil muntikan siyang mabangga ng tumatakbong si Jen. Buti nga at napakapit si Manang Celia sa hamba ng pinto dito sa kusina. “Pasensya na ho ayos lang ho ba, kayo?” “Hindi ako ayos dahil natakot ako sa ‘yo at kaybilis mong tumakbo. Para kang hinahabol ng sampong aso.” “Pasensya na ho talaga kasi—” “Anong nangyari sa ‘yo, Jen? May nerbyos pa naman si Manang Celia kahit ako natakot sa ‘yo. Saka bakit namumula ang mukha mo?” tanong ni Rema. “Basta po! hindi ko masabi, eh.” Tugon ng dalagita. “Ano ba ang ginawa mo sa itaas?” tanong sa kanya ni Manang Celia. Namilog ang kanyang mata. Ayaw niya magsinungaling ayaw niya rin magsabi ng totoo. “Pasensya na ho pero basta lang po.” Yumuko