AYAN! Ang ganda-ganda mo na, kaloka. Napatingin siya sa harap ng salamin. Totoo ang sinabi ng baklang kinuha ng secretary ni sir Brandon. Napakaganda niya at bumagay pa ang pink niyang suot sa pink niyang lipstick. “Maraming salamat po.” Wika niya. “Walang anuman. Pero alam mo dzai, kung ako lang talaga ang masusunod mas bagay ka sa matured role. ‘Yong bang sophisticated, pero wild. Labas nga ang cleavage mo kailangan ganiyan palagi kasi pinagpala ka sa babaeng lahat. Yung mga ganoong awrahan ang kaso lang ay menor ka pa pala kaya bawi ka na lang next layp. Kaloka!” “Naku po hindi na po. Ang bata-bata ko pa po saka baka pagalitan ako ni sir Brandon.” “At bakit naman siya magagalit sa iyo, aber?” Hindi siya nakasagot. Bakit nga naman magagalit sa kanya? “Haynaku, dzai. Kaloka k