GOOD morning po, kuya Paldo. Masiglang bati ng dalagita habang hawak sa tali ang german shepherd na si Vlad. Ito ang trabaho niya dito sa mansyon ang maging yaya ng alaga ni Brandon na aso. Well trained si Vlad every weekend may mga activities ito. Kahit isang dalawang linggo na siya na nag-aalaga kay Vlad takot na takot pa rin siya dahil ang lalaki ng ngipin niya lalo na ang pangil na isang pagkakamali lang ay talagang magiging kuwento ka na lang. “Good morning rin, Jen. Mabuti maamo na sa ‘yo ang alaga mo.” “Medyo po pero hindi pa rin ako makapante, kuya Paldo. Natatakot talaga ako lalo na kapag may makasalubong kami ng ibang aso.” “Naku dapat sinabi mo kay boss para—” “Huwag, huwag! Nakikiusap ako huwag n’yo po sasabihin kay Sir Brandon nakakahiya naman. Hindi ako nagrereklamo