Bumuhos pa ang maraming luha niya. Doon na nagalit si Brandon sa kanya hinarap siya nito at salubong ang kilay. “Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Jenny?” “Eh sa ayaw kong mawalay sa ‘yo, eh. Ikaw na lang ang mayroon ako, eh. Wala na akong pamilya wala na akong mapupuntahan.” “Kaya nga sabi ko doon ka na lang kay Lea para—” “Ikaw ang gusto kong makasama Brandon. Please naman oh, ‘wag mo naman akong ipagtulakan.” Inangat niya ang damit at pinunas sa mukha niya. “Hindi kita gusto napakabata mo pa. Tsaka ayaw sa ‘yo ni Madisson kailangan kong respetuhin ang desisyon niya dahil magiging asawa ko na siya!” “Sir Brandon—” “Huwag kang ambisyosa Jenny. Hindi porket niligtas kita magugustuhan na kita masyado ka pang bata at wala ka pang alam sa buhay. Bakit kapag ba ginusto kita matutu